May babae po kaya asawa ko?

nung 3 months palang po yung tiyan ko, bigla nalang syang nagbago. Di kasi kami livein ng asawa ko kasi unexpected din naman pag kabuntis ko and 19 palang ako and 20 sya. Then yun nga lagi syang nagmamadali na ihatid ako pauwi samin, tapos nakamotor lang kami. Ayaw nyang gamitin sasakyan nya pag ako ung isasakay nya pero sa mga kaibigan nya sasakyan naman nya gamit nya. Sa tingin nyo po ba may babae sya? Ngayon po kasi d na nya pinapahawak phone nya and lagi nalang walang time sakin. Kahit po wala syang pasok gusto nya nasa labas parin sya tapos ako naiiwanan magisa sa bahay nila. Di lang po talaga ako makahanap ng evidence na meron sya kasi wala din ako nakikita sa fb nya na nagcocomment or nagtatag sakanya ng kahit ano.

33 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

naku sis, I've been there. Biglang nagbago, paiba iba na ng password tapos hindi na nagpaborrow ng cellphone. Until one time nahuli ko password niya, ni log in ko lahat sa account nya dun sa phone ko. Yun pala nakikipagcommunicate pa sa ex nya kung gano daw nila ka miss ang isat isa. nagprangka ako sakanya at sa mga kapatid nya hindi ko nalang sinabi sa mama nya kasi konsintidor mama nya eh. Naintindihan rin naman ako ng mga kapatid nya and I gave them heads up, Sabi ko paglabas ng baby uuwi na kami samin and makikipaghiwalay na ako sakanya kasi grabe yung disrespect nya sakin habang buntis. Ang gago gago nya talaga nakakagigil minsan sa pagtulog ko, dinadasal ko nlng na mamatay nalang sha sana kasi hinding hindi ko kayang saktan sha eh in any ways. Kahit man lang makapaglabas ako ng sama ng loob ko sakanya hindi ko magawa. Karma nalang talaga sakanya

Magbasa pa