Ano po kaya dapat gawin?

May kapatid ako mag8yrsold na sya parang may something kase sakanya lagi kase syang nababagok noon and hiwalay na ang papa ko at mama nya kapatid kolang sya kay papa and ngayon nasakin sya kase ayaw nya umuwi sakanila kase dito sa bahay ng asawa ko may tablet at wifi kaya siguro ganun pero noon palang lagi syang tulala tapos minsan naman paginutusan nya nakakalimutan nya kaagad hirap nahirap ako lagi sakanya pag nageexplain sakanya tapos late reaction sya pagkinakausap monaman nakangisi lang tawa tawa lang sya grade 1 na sya sa pagkakaalam ko pero di parin sya marunong sa mga alphabet hirap na hirap padin sya kaya minsan naiinis ako sakanya tinatanong ko sya kung tinuturuan ba sya dun sa kanila hindi daw mama nya kase may iba ng asawa at may kapatid din syang mas bata kaya sya iniiwan nalamg sya sa puder ng mama ng mama nya (lola nya) tas ayon naiinis ako kapag ka mga simpleng bagay di nya maintindihan tapos baliktad sya magsulat tapos pag ka may mali syang nagawa tapos nasigawan mo o nararamdamn nyang papagalitan sya para syang natatakot na di alam gagawin halimbawa paginutusan mosya abutin isang bagay tapos mali nakuha nya parang natataranta sya ganun ano kaya pwedeng gawin sakanya mama nya kase parang hinahayaan lang sya tsaka napapalo kase sya ng mama noon palang nung mas bata pa sya kaya siguro ganun at noong baby pasya lagi syang nauuntog.

14 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Tama Po ipatingin nyo sya. IPA check-up kung kinakailangan para Po malaman din Bakit Ganon Ang nangyayari sa kanya. Bukod Po doon, iparamdam Po natin Ang pagmamahal sa Bata. Kailangan na kailangan Po nila yan. At Ang security nila sa atin. Gabayan Po ntn Sila na maayos. At iwasan Po Ang laging naka sigaw at naka palo. Hindi Po makakatulong Ang laging naka sigaw at nakapalo. Hanggat maaari kausapin Po ng mahinahon at habaan Ang pasensya. Iiwas din Po natin sa gadgets Ang Bata. At kung nahihirapan Po sya sa pagsulat at mahirap kausapin, please Po matututo Ang Bata kapag tinuruan Po ntn. Tyagain nyo lang Po at pag pasensyahan. At bigyan nyo Po sya ng tamang atensyon at pagmamahal. Kung di Po iyon mabigay ng mga magulang nyo, sana Po Ikaw bilang ate nya ay mapunan kung ano Ang kulang ng inyong mga magulang. Kahit Hindi Po kayo buo na magkapatid. Ipagdadasal ko Po kayo.. pakiyakap Po Ako sa bata.. πŸ₯Ήβ€οΈ

Magbasa pa
VIP Member

naku sis, it's either may trauma sya (kasi laging napapalo at napapagalitan) or meron syang learning disability, pwede ring both. Pero need yan ipa-assess sa experts para po matulungan kayo kung paano sya ihandle ng tama. It will be benefit the both of you.

Pacheck niyo po siya sa pedia po o sa specialista sa mga ganyang kondisdyon po. May disorder po ata yung kapatid mo base on your story po. Di po normal sa mga bata ang ganyan

VIP Member

May dyslexia yung bata tamang pag gabay at kailangan ng professional ng brother mo intindihin din at wag kakagalitan kawawa namn baka may trauma din yan

VIP Member

pa check nyo sis sa psychologist or pedia. could be the child is traumatised or delayed lang. the child needs love.

parang late bloomer katulad sa tito ko pacheck up nyo para makuha nyo yung tamang diagnosis nya.

better pacheck up po sa mga child development doctors. mukhang may symptoms ng adhd po.

VIP Member

kawawa nmn xa....pa check mo xa mie...need xa psychological therapy...πŸ˜”πŸ˜”πŸ˜”πŸ˜”

VIP Member

mommy i love mo po sya yun ang need nya at pa check nyo na din po sya wawa naman :(

Mas better po kung ipatingin niyo siya sa doctor. 'Yun po ang best na dapat gawin.