Seeking for advice

Hi mga momsh! Gusto ko lang po humingi ng advice, yung sister-in-law ko po kasi wala pang smart phone sobrang bait nya naman at wala akong masabi sa suporta nya sa'kin at kay baby. Wala naman po akong sama ng loob sakanya, may times lang na irritated ako sakanya at sa anak nya kasi po binigay ko sakanya yung password ng phone ko nung time na nasa ospital ako kasi sya po nagbabantay sa'kin for emergency purposes lang. Ngayon po na andito na kami sa bahay napapansin ko po na napapadalas na paghiram nya ng phone ko to the point na di na ako masyado nakakagamit minsan naman po kasi kailangan ko din sya para libangan ko you know, pangbawas stress din after ng mahabang araw kay baby. Kaso po ang nangyayari minsan nakikita ko nalang na hawak nya phone ko na di ko alam, minsan natataranta na ako kakahanap yun pala nasa kanya lang pala. Tas sasabihin nya nalang ay nasa akin pala phone mo hiniram ko, di na kasi sya nagpapaalam pag minsan kahit anak nya kinukuha nalang tas ipapa open sakanya. Naiinis lang po ako kasi ayaw ko sa lahat yung pinapakialaman gamit ko ng walang paalam. Ayaw ko naman po palitan yung password kasi minsan nagagamit nya naman para sa pag aaral nya nagbalik kasi po sya sa pag aaral since pandemic naman hinayaan ko sya para maka access sa online class pag minsan. Nakikita ko kasi po pag minsan puros lang naman sya laro at fb/messenger sa phone ko. Tama po ba yun? Or should I confront her? Ayoko kasi po maoffend sya at naiintindihan ko naman sya sa sitwasyon nya, medyo irritable lang kasi po ako ngayon gawa nung panganganak di lang halata kasi lagi lang akong okay sakanya.

1 Reply
undefined profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

change your pw mommy, or itago mo yung phone mo.Kapag hiniram sabihin mo na lang na may hinihintay kang calls or msg.

4y ago

kung may budget ka.. bilhan mo nalang sya kahit yung mura lang.. para di hinihiram ung cp mo..