I lost my baby due to sepsis

Nanganak aq last Aug 8 via normal delivery s public hospital, that was my happiest moment of my life.lahat ng sakit ng 20 hrs labor q napalitan un ng saya. Malusog baby q non 3.2 kg xa then 2 days lng nakauwi n kmi ng bahay. ang sbe s hospital check up is after 2 weeks if wala nmn daw nrramdaman much better wag n pumunta s ospital due to covid situation. Pure breastfeed aq ndi madali mg breastfeed lalo not first mom aq.. After a week kusang natanggal pusod nya actually meron kming knuhang mgaalaga xa ngppaligo at ngllinis ng pusod ng baby q so tiwala kmi s knya. Napancin ng nanay q mejo my amoy pusod at ndi xa ngddry for 2 weeks na ang sbe normal lng daw un so kmi kampante. Aug 28 friday morning pinadede q baby q then ung mga sumunod n oras ayaw n nya dumede plagi xang tulog gang mghapon pinilit q p din xa dumede pero ayaw nya tas matamlay at my lagnat n din xa so ngdecide n kmi dalhin s ospital..anyway daily xa nalligo except tue and friday.pgtingin ng nurse s pusod kumakatas xa at my amoy na nga so ngask na xa pano nililinis ang pusod ng baby so aun nga dapat daw nadala nmn agad since ndi xa nghhilom. Sepsis infection sa dugo ang initial findings at kumalat n daw sa buong katawan.Bngyan xa ng antibiotic 3 klase ata un Buong gbi taas lagnat nya ngcchills xa nakaawa tlga kc sumisigaw xa habng humihinga. Buong gbi kming ndi nakatulog.Ngdecide kming lumipat ng ospital kc need daw xa NICU laht ng ospital s lucena tnanggihan except for qmc so transfer n kmi kya lng since my lagnat c baby PUI kmi mappunta so pumayag n din aq basta gumaling lng xa.aun pla ndi xa deretso sa NICU since PUi xa need muna swab test at wala din available n NICU that time.so continue lng ung antibiotic nya non gbi bumaba lagnat nya at ndi n din xa ngchills.pero tinapat n aq ng nurse malubha lagay ng baby q sbe nya wag daw aq mattulog bantayan q daw kpag nahirpan huminga itakbo q n daw s nurse station.unfortunately 3.30am napancin q ndi n xa humihinga so takbo n aq.tinutukan xa ng pampatibok ng puso 4times then almost an hour xa nrevive pero ndi n nya kinaya..4.23 am time of death and then since PUI xa nswabtest c baby unfortunately ng positive xa s covid and then lumabas xray result nya don s unang ospital my pnuemonia din xa.protocol daw pg ganon creamate kc PUI at wala png result swab test. Nkkalungkot, kung naisugod lng nmn xa s ospital at naagapan sana buhay pa baby q 22days lng nmn xa nksama.aug 27 thursday,napancin nmn matamlay xa mabilis xa mkatulog kc ung normal xa mahirap patulugin.ung new born screening pla n baby wala p gng ngaun ndi q pa nakuha s ospital kc iniicip q bka nmn nakuha nya skin ung infection n un. #advicepls #1stimemom

344 Replies

condolence po mommy. praying for comfort sayo at sa family nyu..kaya nag aalangan din ako sa public hospital..safe po kaya manganak sa public hospital? kasi 38 weeks 2 days narin ako pero dilemna parin san manganak..ang mahal kasi ng quotation saken sa private 150k while sa public alam ko mura lang..di rin ata ako pwede sa lying in kasi wala akong record..sa mandaluyong po ako..any advice?

thank you.

Nakakaiyak. Ang sakit sa puso. 💔😭 Ang gandang bata ni baby, ang lusog niya pa. huhu. Kaya mo yan, mamsh. Pakatatag kayo ni Hubby. May reason si God kung bakit kinuha siya sa inyo agad. May mas magandang plan Siya sa inyo ni hubby, manalig lang po tayo. Pagaling ka rin po at stay strong kahit masakit, mommy. Ilabas mo lang din lahat ng nararamdaman mo. Condolence po. 🙏

Hala ☹️ my baby had sepsis too nung pinanganak ko sya. Pero na detect kaagad sa newborn screening yun kaya hindi muna sya pinauwi sakin, nag antibiotic sya sa nicu for 7 days and thankfully, gumaling sya. Bakit hindi po kaagad nalaman na may sepsis sya? Madali lang sanang gamutin yan kung nadetect agad 😥 kawawa naman si baby, condolence sis, be strong.

2 klase po kasi ang sepsis momsh. Ung una, ung tulad nung satin. Nadetect agad after being born. Ung kanya po, na develope outside world. Since first time mom sya, siguro akala normal lng ung mga mild symptoms na nakikita nya.. 😔

First time mom din ako mommy. Kami lang ng partner ko magkasama. Malayo both sa parents at relatives. Ginawa ko lang talaga ang bilin at advice ng pedia. Pag pinaliguan ko si baby noon, yung hinubaran nyang damit tinatakip ko sa may bandang pusod nya para di mabasa. Dalawang baso nga lang nauubos na tubig pag naliligo sya. Anyway condolence po. 😔

Condolence mommy, I'm a first time mom as well and I can't imagine kung anong pinagdadaanan mo. I know you can't help but blame yourself, pero alam nating lahat gaano natin ka-love ang mga babies natin, all you want is what's best for him/her. Pray lang mommy and talk to your baby, nasa heaven na sya with papa God and she's happy up there.

Condolence mommy... wawa man baby angel.. me too first time mom kaso this april 2020 ko n lng din last nkasama baby q.. I feel u..sobrang sakit ..pakatatag ka mommy pray lng tau ...sobrang nfeel q hbang nagbabasa prang nramdaman q ulit ung sakit nv araw na un... Pahealthy, stay safe at pray lng mommy .may awa din c god.

Condolence mommy, I can feel the pain. ganyan ang 1st baby ko pneumonia vs. Sepsis din..after 4 days of birth. I was also heartbroken for how many years since she passed away..What we can do for now is to pray and pray.. Never fail to pray to God and He will help you recover..May purpose ang lahat..

Condolences mommy. Nakakaiyak at ang sakit isipin ang mga pangyayari po. Pero kahit sa sandali lang nakasama niyo po siya. Sending prayers mommy for the healing of your family. Know that your little angel is with Papa Lord God na and lakasan niyo po loob niyo po. God bless po mommy and your family.

condolences... Paano daw pong paglinis ang ginawa ni tagapag alaga? Pwede naman pong araw araw mag full bath ang baby, basta matuyo nang husto ang pusod at lalagyan ng alcohol 2-3 x a day. kapag sinuotan ng diaper (disposable or clothe), make sure na hindi natatakpan ang pusod....

ang sakit naman neto mommy. ang tagal hinintay tas ganito lang mangyayari. alam ko walang kahit anong comfort words ang makakatulong sa nararamdaman mo ngayon. basta pakatatag ka lang. ramdam ko ang sakit ng mawalan ng anak. magdadal ka lang na makayanan mo at ng buong family to.

Related Questions

Trending na Tanong

Related Articles