Any thoughts on Normal Delivery

Hi Mga Momsh, need your honest thoughts pls. I’m currently 23 wks pregnant on my 2nd baby. CS ako sa first baby ko, 3 yrs ago -kasi kahit nagfully dilated ako nun, hindi siya bumaba kasi malaki siya at masikip daw sipit sipitan ko. 3.8kg ang first baby ko nun šŸ˜… Ngayon, sa 2nd baby ko, gusto ko ulit i try mag normal delivery though ayaw ni hubby kasi 37yo na ako. Controlled ako ngaun sa pagkain, and maselan pagbubuntis ko ngaun kaya 1st trime, di ako masyado nag gain weight. walang GDM and hindi rin highblood. What do you think po mga momsh, possible pa kaya ako makapagnormal delivery? based on your experiences, kaya pa kaya ng 37yo manganak via normal delivery? Ayoko kasi magpahiwa ulit sa tyan at super hirap ng recovery at paggalaw 🄲 mas okay saken maglabor kasi matatapos din naman un. Kesa naman CS tapos ilang buwan ako di makakakilos ng maayos , may toddler pa naman ako ngaun. Wala kaming katulong. Salamat sa mga sasagot. No bashing/ hate pls. #pregnancy #askmommies #deliveryjourney

12 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Hi momsh! ako 2ECS then itong 3rd ko VBAC unmedicated. 😁 32 years old... ako sa sarili ko walang confidence makapag normal lalo na ang laki ng gaps nila, and natatakot ako. kaya nga hanggang 1st week ng third trimester ko, ang sabi ko kay doc bahala na... pero ang gusto ko talaga sana scheduled CS, kasi mas alam ko na ieexpect after. di ako GDM, normal blood pressure din, di ko din nagawa yung prenatal exercises na pinapagawa sakin ng OB ko dahil sa knee injury ko. btw, gave birth at 37 weeks and 5 days... 1 month na si baby.

Magbasa pa

i discussed that with my OB, if its possible for VBAC. however, CS pa rin sa 2nd ko and i was also 37yo that time. hindi ako highblood during pregnancy pero nagkaroon ako ng hypertension habang naglalabor sa 2nd ko. until lumabas si baby, may hypertension ako. pero nawala ang hypertension ko after 6 months of maintenance, monitoring and proper diet. i labored sa 1st born ko at hindi sia lumabas kaya naging eCS. and it might happen again. you can discuss it with your OB. if you want, you can suggest to have a trial labor.

Magbasa pa

Ako 38yrs old na pang 3rd ko na to. GDM ako pero controlled. Normal ako dun sa dlwa ko. Dpt i-cs ako last week kc 9mos nako nagpa OGTTmtaas sugar, kya binigyan ako 1week mg endo pag uncontrolled sb ng OB cs n tlga. Buti nadaan ko s diet. Eto waiting lumabas c baby 38weeks 3days ako ngaun. Takot ako sa sugat at s turok kaya takot ako s cs. Nag advise dn sakin ang OB pa ligate nako. Pero dhl takot ako s sugt sb ko saka n pag nakarecover nako. Praying for smooth and safe delivery sa ating lahat šŸ™šŸ™šŸ™

Magbasa pa

not advisable na mag normal ka dahil sensitive yung pagbubuntis mo and may previous CS ka. worst comes to worst magkaka complications ka sa bladder mo maaring ma punit or mawalan ka ng control dito. Madami pang possibilities na mangyayari. Ako 10yrs ago CS din hindi na ako nag insist ma normal delivery kasi mas alam ng OB ang maaring mangyari sayo at sa baby ko. 6 months preggy now.

Magbasa pa
Post reply image

Doctor mo pa rin naman ang makakapag decide whether you will for CS or normal. Hindi ikaw at lalong hindi ang asawa mo. Unless ipiilit mo ma CS na lang then may papapirmahan din ata sa inyo yong OB mo before ka manganak.. Basta ikwento mo lang sacknya ung kwinento mo dito ngayon pra ma assess nya ung problem or concern mo

Magbasa pa

1st baby at 37yrs old.. ECS. d nagdilate ang cervix.. then pregnant ngaun sa 2nd baby 40yrs old... schedule CS na .. ung OB q po ngaun is sya din nagpaanak sa akin... titignan nmn po ng doktor ung medical history nio nung nanganak kayu.. duon po sila magbabase kung pede o hinde na mainormal delivery ka po...

Magbasa pa

meron akong mga nabasa na kahit CS sila nung una, pdeng di ma-CS ung next. pero syempre marami pa ring factors yan. bukod dun, kung masikip sipit sipitan mo, not sure kung pde pa bang mag iba yun. kasi pag masikip daw sipit sipitan, tlgang CS. better consult with your OB po.

kadalasan po pag naumpisahan na ng CS impossible na ma inormal ulet lalo ung gap ng anak nyo is 3 yrs lng...ung iba gusto malaki dapat ang gap at ung age nyo pp 37 nabkyo parang malabo po to

VIP Member

Kaw din mie nagsabi masikip yung sipit sipitan mo pra nd kana mahirapan mag cs ka nlng. Yung frn ko gustong mka normal pro sa huli na cs din.

Hanap ka ng magaling at mabait na OB mi. In my experience, kasi pag mukhang pera ang OB kahit kaya i-normal, ic-CS ka pa rin. šŸ™ƒ

4w ago

Dapat magpa-alaga ka sa OB mo. Try to check Doc Bev Ferrer. FAQs for VBAC: ** censored link **