🦷 Ask The Expert | Baby Teeth Matter: Paano Nga Ba Iwasan ang Cavities at Tooth Decay?

Alam niyo ba, Parents, na may malaking epekto ang baby teeth ng inyong anak sa kanilang dental health habang lumalaki? 🪥✨ Hindi lang ito para sa cute smile — mahalaga rin ito sa tamang pagsasalita, pagkain, at pagtubo ng permanent teeth! Pero kailan nga ba dapat dalhin sa dentist ang bata? Paano gawing masaya (at hindi stressful!) ang toothbrushing time? At paano kung takot ang anak sa dentist — lalo na kung may special needs? Ngayong October, join us sa Ask The Expert session kasama si Dr. Patricia Grace G. Cruz-Bautista, isang Pediatric Dentist na espesyalista sa dental care ng mga bata at mga batang may special needs. 💡 Mga pwedeng itanong: 🦷 Paano magturo ng tamang toothbrushing habits sa toddlers 👶 Kailan dapat ang first dental visit 🍬 Tips para iwasan ang cavities at tooth decay 💙 Paano aalagaan ang ngipin ng batang may special needs 📅 Schedule: 🗓️ Magpadala ng tanong: October 13–26, 2025 💬 Sasagutin ng Expert: October 27–31, 2025 📍 Exclusively on theAsianparent App May tanong ka tungkol sa ngipin ng anak mo? I-share na dito sa comments o sa app, tulungan nating mapanatiling healthy at happy ang bawat ngiti! 😄

🦷 Ask The Expert | Baby Teeth Matter: Paano Nga Ba Iwasan ang Cavities at Tooth Decay?
21 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Ang aking six year old son ay marami na ang sirang ngipin, sa molars, pwd po bang ipabunot na para paglabas ng tooth na Bago ay Hindi mahawaan? Ty po.

VIP Member

paano maconvince ang mga bata na mag toothbrush Lalo na kung may previous bad experience regarding sa teeth nila?

sinasabi Ng Iba na habang Bata raw pakainin Ng chocolates para mapalitan daw Ang mga baby teeth. totoo Po ba Yun?

VIP Member

pwede na po ba ang toothpaste with fluoride for 2 years old? at paano po kapag hindi pa marunong mag spit?

Kailan po first dental visit ni baby? 6mos, nagerupt na first tooth then paerupt na rin 2nd tooth

TapFluencer

What's the best toothpaste for 4 years old toddler to have a stronger and whiter teeth?

totoo po ba na mahahawa ang baby sa cavities ng parents if nagsshare sila ng spoon?

VIP Member

pwede bang ipabunot Ang baby teeth ng 4yrs Dami na kasing sira ng teeth?

TapFluencer

kapag po nagstart tumubo ipin need na ba ni baby magtoothbrush?

Kelan ang first dental visit in an infant and toddler??