IsaaChia profile icon
PlatinumPlatinum

IsaaChia, Philippines

Contributor

About IsaaChia

Mommy of 1 adventurous superhero

My Orders
Posts(25)
Replies(1634)
Articles(0)

Pregnancy Journey of a APAS patient

Hi guys, share ko lang experience namen ni baby.. baka may makarelate ♥️ Delivery Date: Feb. 8, 2021 8:05pm Normal Delivery Weight: 2.8kls Height : 54 cm 💊 duphaston 3x/ day from start till 12weeks isoxilan 3x/day 13weeks till 20 weeks aspirin from 14th week to 35th week vits: calcium, obmin, fish oil, iberet 💉 innohep .3ml once a day from 30th until 24hrs prior delivery Monitoring: blood sugar monitoring 3x a day, Bp monitoring 2x a day Ultrasound with doppler weekly since 30th week until delivery galing ako sa 2mc prior this pregnancy, one blighted ovum and mc at 14weeks. Pero meron nakong 10years old boy. Kaya diko naisip na possible akong magkaron ng pregnancy disorder. So my ob advised me to take APAS test. pero kahit negative ang test result ko, treated as APAS pa din ako dahil sa history ko. Eto na ata ang pinaka thrilling na 38weeks ng buhay ko. Lahat ng worry naramdaman ko, everytime iihi ako lage ako nagaalala nabaka my bloody show/spotting ako. nagka vaginal infection ako twice dahil GDM pako. isang cause ng vaginal infection ang uncontrollable sugar. at my 30th week, nagbleeding ako, as in bleed.. sobrang nerbyos ko nun dahil akala ko mawawala na naman si baby. Until i reached the 38th week, we have to decide if normal delivery or cs, pero dahil may condition ako sa likod (lumbar radiculopathy) di ako pwede i-cs, so the anes and my ob decided na mag normal delivery kame kahit nerbyos ako na baka may mangyari pa kay baby. kasi madameng cases na iaanak na lang ang baby eh nawawalan pa ng heartbeat. Pero GOD can do miracle talaga. Prayers lang ang kinapitan ko. everyday rosary at online mass. Sa experience ng family namen na to, isa lang ang natututunan namen. Everything really happens for a reason, Gods plan is always the best. Nakaranas man kame ng sakit in the past, eto naman pala ang kapalit. Di din namen alam pano namen nasurvive ang buong pregnancy na sobrang gastos, na asawa ko lang nagwowork at madame pang expenses. pero God really will provide.. Kaya sa mga TTC jan at sa mga nawalan ng baby, wag kayo titigil magpray. Alam ni God ang laman ng puso naten, di nya tayo pababayaan. Pray Hope and dont Worry.. God bless us all ♥️

Read more
Pregnancy Journey of a APAS patient
undefined profile icon
Write a reply