Mga mommy and daddy ano yung mga bagay na itinuro ng mga parents ninyo nong bata pa kayo na ayaw na ayaw ninyo gawin ngunit ngayon na realize ninyo na importante pala sya at gusto nyo din ibahagi ito sa mga anak ninyo ?

8 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

I remember before nong bata ako pag tanghali pinapatulog ako ng mama ko para magkaroon ng magandang kalusugan at makatulong aa pag tangkad . Sobrang hate ko yun , everytime na pinapatulog ako nag kukunwari ako na tulog at pag wala na si mama ko gumigising ako at nag lalaro sa room . I realized now na dapat ginawa ko pala yun ayan tuloy di ako tumangkad hehe at hindi lang yun ngayon nag hahabol ako sa tulog kasi pagud sa work . By that experience i want also that my child will do that to help them grow and have a good health and to discipline them too .

Magbasa pa

Yung panonood ng cartoons. Nakita ko na helpful din naman sya sa mga kids ko kasi naaaliw and nalilibang sila sa iba't ibang stories. When I was a kid, sobrang hate ko ang cartoons sabi ng parents ko. Ako lang ata ang batang hindi naka appreciate ng cartoons kasi prang ngkakasakit pa ako pag pinipilit nila ako manood dati ng Lion King or Little Mermaid. Ang sinasabi ko daw lagi ay I want real people. haha This time, natutuwa ako kasi kahit papano napapasaya ng cartoons ang kids ko lalo pag may tantrums sila minsan.

Magbasa pa

Brushing of teeth, Haha Sobrang tamad ko magbrush ng ngipin until I was in high school. Lagi ako pinagsasabihan ng mom ko to brush lalo na before going to bed. Ngayon tuloy, andami ko na sirang ngipin. I've spent around 20k already just for restoration pero hindi pa tapos. Andami pang aayusin and sobrang gastos pala talaga pag hindi mo inalagaan mabuti ngipin mo.

Magbasa pa

Yung matuto gumising ng maaga when I started going to school. Sa sobrang ayaw ko gumising ng maaga, laging afternoon class ang kinukuha ko. Until college, I opted for afternoon or late classes. Now, I realized sana pala naging early riser ako kasi hirap na hirap ako maging active sa morning, of course I have to up for my children and my work also.

Magbasa pa

Promo terbesar expert care sudah dimulai, diskon hingga Rp.100.000 sedang berlangsung di shopee, ada juga voucher diskon 100% alias gratis bagi bunda yang beruntung. Buruan cek di https://shope.ee/9UfEMMqqTg (id-14998)

Para sa akin yung pagtulog sa hapon. Pinakaayaw ko yan nung bata pa ako pero ngayon pinapagawa ko sa mga anak ko. Nakakabuti naman talaga kasi mas healthy ang katawan nila at matatangkad.

Yung may nakaassign sa akin na housechore kahit may helper kami. Pero ngayon, plano ko din gawin sa anak ko. Mas mabuti na bata pa lang ay marunong siya sa gawaing bahay.

Tapusin ang homework bago maglaro! Dati inis na inis ako sa rule na 'to pero laking tulong sa disiplina!