vent out

Mga mommies pa vent out naman. Ewan ko kung apektado lang ako ng post partum e. Naiinis ako sa live in partner ko. Kung mura murahin ako kala mo sya nagluwal sakin e. Sabay kaming kumain. Si baby kinuha nya nung natapos kumain. Umiyak ng malakas si baby kasi natamaan ata yung turok ng bakuna sa kanya. So binilisan ko na kumain. Kinuha ko si baby sa kanya tutal sabi nya din naman bilisan ko daw. Hindi nako nakainom ng tubig. Nung nagpapadede nako, nagpakisuyo ako sa kanya ng tubig tutal kumakain naman sya ng mangga. Pinagalitan ako. Bakit daw hindi pako uminom ng tubig kanina. Sabi ko sakanya "eh minamadali moko e hindi nako nakainom" murahin ba naman ako. Tangina ko daw. Tiningnan ko nalang sya hindi ko na ininom yung inabot nyang tubig. Mali ba yung sinabi ko? Hindi ko n maintindihan ugali nya. Kanina naglaba sya kasi may nakasampay sa harapan namin ng walanh pasabi. Gets ko naman. Okay lanh atleast nabawasan ung labahan namin. Pero yung parang susumbatan nya ako dahil pagod sya kakalaba at luto na paranh wala akong ginagawa . Nagaalaga ako ng batang may sakit. Grabe lang

12 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Nakakaoff naman yan, mommy. Ako never pa ko minura ng hubby ko and if ever man na umabot sa ganon aawayin ko talaga siya. Kausapin mo yung hubby mo kasi baka maadapt ng baby niyo yung pagiging palamura niya. Ipaintindi mo sakanya na hindi dapat naririnig ng bata yung ganon esp from his/her father pa tapos sa'yo pa nakaaddress yung mura. May emotional and psychological effect yon baka in the future pati anak mo murahin ka na din. Anyway keri mo yan, baka open communication lang need niyo.

Magbasa pa
TapFluencer

Hi mommy, first time parents kami ni hubby at talagang may mga times nung first months na nasasagad ang pasensya namin pareho, pero di nman kami nagmumurahan. Nagusap kami ayun naintindihan namin both sides. PS. Yung nanay at tatay ko parang ganun sila pag nag aaway pero kasi un tatay ko pala mura talaga na parang wala na rin meaning for us kasi parang language na nya un hehe.

Magbasa pa
5y ago

Siguro ganun lang language nya? Hindi kasi ako minumura ng nanay ko e. Pag sagad na yunh galit punyeta or gaga pero never sabihing bobo or tangina . Grabe lang.

Mga lalake talaga ngayon parang sila yung nagmemens at nagbubuntis. Ang aattitude! Nakakagigil. Ako nga pag naiinis ako kay bf. Sinasabi ko sakanyang nakaka gigil siya. Pero mommy dont forget din na lambingin si hubby pag may time. Baka kase nagiging cold na din tayo sakanya. Baka na kay lo nalang lahat ng atensyon at pagmamahal mo.

Magbasa pa
5y ago

Yes inaamin madalas na kay baby ang atensyon. Pero naglalambing din ako sa kanya sis. One time maggoodnight lang ako nagccellphone sya. Nakaheadset kikiss sana ako eh kaso may dumi sa may ulo nya. Tatanggalin ko nalang sana. Nainis ba. Ano daw ba kasi yun. Sabi ko magggoodnight lang ako kaso may dumi sya sa ulo. Tapos parang lalo syang nainis. Sabi ko sge hayaan mo di na kita gaganyanin kahit kelan. One time pa magluluto na sya kako kiss ko. Nainis na naman sya. Parang tinatamad nalang din akong habulin e. Hindi naman sya ganyan nung buntis ako.

Momsh ang bait mo. Hnd maganda ang minumura masakit sa damdamin, pero mahirap naman na patulan mo. Sa sitwasyon mo mommy isang napaka habang pasensya ang kailangan mo, at malawak na pag intindi.. wala ako masabi pero hug na lng kita mommy, at sana mababatukan ko lip mo nakaka bwisit sya.

VIP Member

Hugs ma.. Kausapin mo si lip sabihin mo na nasasaktan ka sa mga sinasabi niya and let him know na kailangan mo ng support niya specially na breastfeeding ka.

5y ago

Sinabi ko na mommy. Buntis palang ako. Ewan ko ba

Hays. Ganyan din Lip ko sakin eh. 😔 Pag may mga times na Hindi ko nagagawa ng tama yung mga bagay bagay. 😔💔 Ang sakit lang sa ka looban.

Wag mo nlng pansinin mamsh pag gnan, ikaw na magpasensya hanggat kaya mo iwas stress at iwas post partum. Focus kna lang kay baby..

5y ago

Yun naman ang maling mali mommy! Aawayin ko talaga asawa ko pag si baby ang sinabihan niyang tanga. Gago ba siya, pinaghirapan nating alagaan ng 9 na buwan tapos sasabihan niya ng tanga. Siya kaya magbuntis

VIP Member

Mali na murahin ka nya and vise versa. Dapat nag kakaintindihan kayong dlawa para ma overcome mo yung PPD.

Hindi mo deserve yan mamsh, kausapin mo or kung ayaw talaga nag bago iwan mo nalang.

VIP Member

Wag ka pumayag na minumura ka ng partner mo mommy. Form of respect din kasi yun.

5y ago

Nasa pag uusap naman yan mommy. Kung ganun na yung way of communication nyo dati pa, pag usapan nyo ng maayos. For me kasi nakakawalang respeto pag minumura kaya big no sa kin yun. Baka makasanayan pati kasi ni baby kung naririnig nya