vent out

Mga mommies pa vent out naman. Ewan ko kung apektado lang ako ng post partum e. Naiinis ako sa live in partner ko. Kung mura murahin ako kala mo sya nagluwal sakin e. Sabay kaming kumain. Si baby kinuha nya nung natapos kumain. Umiyak ng malakas si baby kasi natamaan ata yung turok ng bakuna sa kanya. So binilisan ko na kumain. Kinuha ko si baby sa kanya tutal sabi nya din naman bilisan ko daw. Hindi nako nakainom ng tubig. Nung nagpapadede nako, nagpakisuyo ako sa kanya ng tubig tutal kumakain naman sya ng mangga. Pinagalitan ako. Bakit daw hindi pako uminom ng tubig kanina. Sabi ko sakanya "eh minamadali moko e hindi nako nakainom" murahin ba naman ako. Tangina ko daw. Tiningnan ko nalang sya hindi ko na ininom yung inabot nyang tubig. Mali ba yung sinabi ko? Hindi ko n maintindihan ugali nya. Kanina naglaba sya kasi may nakasampay sa harapan namin ng walanh pasabi. Gets ko naman. Okay lanh atleast nabawasan ung labahan namin. Pero yung parang susumbatan nya ako dahil pagod sya kakalaba at luto na paranh wala akong ginagawa . Nagaalaga ako ng batang may sakit. Grabe lang

12 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply
TapFluencer

Hi mommy, first time parents kami ni hubby at talagang may mga times nung first months na nasasagad ang pasensya namin pareho, pero di nman kami nagmumurahan. Nagusap kami ayun naintindihan namin both sides. PS. Yung nanay at tatay ko parang ganun sila pag nag aaway pero kasi un tatay ko pala mura talaga na parang wala na rin meaning for us kasi parang language na nya un hehe.

Magbasa pa
6y ago

Siguro ganun lang language nya? Hindi kasi ako minumura ng nanay ko e. Pag sagad na yunh galit punyeta or gaga pero never sabihing bobo or tangina . Grabe lang.