vent out

Mga mommy pavent out lang. Pangalawang beses na kasing nangyari to and feeling ko ako yung pinakawalang kwentang nanay. Si baby ksi ang unang lalaking apo sa tuhod. So yung mga tito tita ng hubby ko tuwa din kasi unang apo din nila. Yung mga tito ng hubby ko nagyoyosi. Sa loob ng bahay alam naman nilang bawal sa bata yun. Btw bumisita lang kami nun kasi pasko. Tapos yung tita nya grabe kung panggigilan si baby to the point na nahirapan si baby matulog nung gabi kasi overstimulated sya. Pagod kumbaga. Pinalagpas ko nung unang nangyari yun kasi nga pasko saka umiiwas kami. Lumalayo nalang kami. Bumalik kami nung new year. Nung una okay okay pa kasi si lolo lang andun eh hindi naman sya nagyoyosi. Nung uuwi na kami eh biglang nagdatingan yung mga tito nya at yung isa pang lolo nya. Bale tatlo silang nagyoyosi. Langhap na langhap ko yung usok grabe talaga. Naiiyak nako nun. Tapos inagaw pa sakin si baby pinanggigilan and worst, inabot dun sa isa nyang tito na kakatapos lang magyosi. Iyak na iyak na ko nun. Nagyaya nako umuwi so kinuha si baby kaso umiyak kasi dedede na sya. Ang tindi lang kasi habang dumedede sya, dumating na naman ung tita nya at pinipigilan dumede si baby. Wala akong magawa kasi di ko naman kamaganak yun e. Hanggang tingin nalang ako kay hubby hoping na masasabihan nya yung kamaganak nya. Sinabi ko kay hubby yun paguwi namin. Ang sabi nya lang hindi nya daw mapagsabihan kamaganak nya kasi puro matatanda na baka sumama loob pag pinagsabihan. Umiyak nalang ako kahit nasa kalsada kami kasi ang sama sama ng loob ko.

3 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Kung aq sayu mommy huwag ka nlang masydu bumisita muna sknla habng baby pa anak mo ksi dmu alam mangyayari lalo na ang pag langhap ng sigarilyu. Sobra sama sa bata yan. Pero need mo din minsan maging prangka mommy pra sa baby mo mhirp ksi kung tahimik ka lang d nmn sla un mghihirp kpag ng k sakit baby mo lalo na sa pang gigil may cause din bka mapilayan ang bata

Magbasa pa
VIP Member

grabe mommy!!!! naiinis din ako sa sitwasyon mo hindi ka walang kwenta. hindi mo kasalanan yan pero kung ako sa inyo wag na kayo bumalik doon di nakakabuti sa health ng bata lalo pa sobrang babypa nya delikado sa health

2y ago

Sobra po. Iyak na iyak na ako nun wala akong magawa. Iniisip ko nlang kumg ganun din b sila s anak nila noon.

VIP Member

sana maintindihan ng asawa mo kung san ka nanggagaling

2y ago

Naiintindihan nya naman po mommy kaya lang yun nga daw hindi nya mapagsabihan gawa ng matatanda na. Masyado pating mahangin yung mga tito tita nya. Yung lolo lang naman po ang sadya namin e. Bigla lang umeeksena yung mg yun