Para daw lumakas resistensya ni baby

Mga mommy ako lang ba may asawang naniniwala na kailangan iexpose si baby sa mga dumi at wag masyado maging malinis para mas lumakas daw resistensya ni baby? Kesyo bakit daw yung mga batang kalye di naman nagkakasakit at ang lalakas daw ng katawan. Stress ako sa asawa ko sa ganitong paniniwala nya. Wala namang problema sakin na maexpose si baby sa dumi dahil ayoko rin naman ng sobrang linis pero di naman ibig sabihin e di ko na sya iingatan na parang ganun ang gustong mangyari ng asawa ko. Halimbawa, gusto nya pag nagtubig na daw si baby e yung tubig din na iniinom namin ang ipapainom. Bakit kailangan pa daw bumili ng mineral water? Nung bata daw sya nagpapakulo lang naman sila ng tubig mula sa gripo, ok naman daw sya. At dahil puro ganun din daw ang ipinaiinom sa kanya, kapag may naiinom syang ibang tubig e saka naman sumasakit ang tiyan nya. Hay, ako ba ang mali mga mi? Gusto ko lang naman mag-ingat dahil ayokong magkasakit ang anak namin 😢

22 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

ganyan din po ang iba kong relative, hayaan daw ma expose ang bata kaya ang mga anak nila parang di nawawalan ng sipon, rashes, maduming kuko, sanay magsubo ng mga nalaglag na na pagkain, palaging naka paa kahit sa labas ng bahay tapos pasok sa bahay akyat sa kama. alam nyo po yun, yung okay lang sa kanila yun.. sakin kasi lalo sa mister ko hindi pwede ang ganon. ang nag bebenefit kaming lahat. si baby hindi sakitin walang mga ganoon na sipon, kati kati, tapos kaming mag asawa 2alang alalahanin kasi hindi sya sakitin walang gastos sa gamot at doctor. at isa pa ang anak namin turning 4yo noon pa man alam nya na na kapag ang food nahulog na itatapon nya na kahit ang sahig namin malinis. di sya nalabas ng bahay kapag wala ang tsinelas nya, naghuhugas din sya ng kusa bago mag thumbsuck at bago kumain. kapag galing kami sa labas ligo muna kaming tatlo bago kami sa mga malinis na damit, unan, kama. pahalagahan ang kalusugan. sa tubig 3yo na bumitaw anak namin sa wilkins ngayon matibay naman din sikmura nya, diko sya hinahayaan makatikim ng softdrinks. di sya prone to UTI and amoebiasis.

Magbasa pa

Siguro kung nasa probinsya at ang labas niyo e ay field at wala malalapit na kapitbahay tapos nakakalaro ang bata sa open area na alam mo hindi mahahawaan ng covid.. Ayan pwede sila magdungis talaga tapos ligo after at eat healthy foods lam mo yun buhay probinsya. Yun lalakas talaga resistensya nila.. Pero kung nasa City ka at paglabas mo e kalsada na at madami marites.. Dapat mag ingat😅 sa panahon ngayon kaibigan natin ang alcohol antibac soap at facemask.. Andyan lang si covid nakakalat pa rin kaya hindi lang doble.. Triple ingat pa.. In terms naman sa water.. Siguro pag mga school age na saka na painumin ng Purified yung napaparefill sa water stations na idenideliver.. Kung baby pa at mga toddlers mas ok mga wilkins pa rin. Anyway tayo ang nanay tayo nakakaalam ng ikabubuti ng mga anak natin.

Magbasa pa

naalala ko ung byenan ng friend ko ng anak kse ako sa binyag e ayoko hawakan ung baby kse di pa ako naliligo galing akong trabaho bmyahe pa ako sbe ng byenan nya okay lang yan madumihan ang bata need naman nya yan feeling dirty ako that moment pero di naman ako madumi 😂 di ako pabor sa gusto ng husband mo mi 😂 tama nga naman na noon ultimo gumamela pwede ko pa higupin ung matamis sa loob ngayon sa dumi ng paligid baka malason ka pa. tama yan mi, mging malinis ka at maging maarte kase ang mahal kapag ngkasakit ngayon di gaya noon na mejo mura pa ang medical expenses ngayon bka 1k mo e kulang pa sa check up at gamot kapag ngksakit ang bata 😒hindi ko nga din ieexpose msyado sa fast food si baby at matatamis e kase don ko nakuha mga sakit ko.. maggng maarte din ako at ung asawa ko mas maarte nagulat ako 😂

Magbasa pa
VIP Member

You're not wrong mommy. Alam mo kahit anong ingat natin kay baby and sa paligid niya, may masasagap pa din siyang germs. So if lalo mo pa di iingatan siya and paligid niya, e di super dami na ng germs na masasagap niya. What more yung mga bagay na iintake niya, like water. Nag away din kami ni hubby about sa pagiging maselan ko pagdating kay baby, pero he gave way kasi narealize niya totoo naman. Kahit anong ingat natin kay baby at sa paligid niya may germs pa din na masasagap siya, which is true. So ano pa if di natin iingatan di ba? E di lalo marami germs siya masasagap. Wag ka papatalo mommy CHAR hahaha

Magbasa pa

Hi mommy, I saw a pedia’s advise na better i-expose ang bata sa dumi or wag masyado malinis para madevelop yung immune system (??) nila and less prone to blood diseases, leukemia, cancer, etc. Pero dun sa water part, personal opinion ko is better if mas safe since directly iniitake yun, especially sa baby na hindi pa fully developed ang katawan to fight diseases. Hindi naman porke malakas resistensya ni hubby, ganun na rin si baby, and kung tayong adults nga nagkaka-diarrhea if may na-intake na hindi okay, what more yung mga baby, kawawa naman. Sana nakatulong Mii ❤️

Magbasa pa
2y ago

Eto yung video https://vt.tiktok.com/ZSRbrTUrY/

Ipaalala po ninyo sa hubby mo na delikado pa din ang katawan ng bata sa bacteria. Yes they can slowly adjust specially dun sa germs na hanggang balat lang ang kapit. Pero when it comes to food and water di po pwedeng ganyan. Mahina pa immune system nila. I-example mo po sa kanya yung amebiasis, hindi natin alam kung may parasite yung tubig na maiinom ng bata , serious disease po yun sa kids lalo na pag di naagapan. My cousin lost her children due to that kaya maging ma ingat mommy. Better safe than sorry. ☺️

Magbasa pa

Ay Mommy relate ako dito. Iyong in laws ko kasi panay sabi na kasama 'yan sa paglaki kapag medyo nagkasakit, inubo o sinipon si baby kaya pati si hubby ganun din paniniwala. Huwag nga din daw masyado malinis etc. Ayon, ang ending si baby muntik makapneumonia. 🥲 Kausapin niyo nalang po ng maigi, explain na iyong noon na nakasanayan hindi na pwede ngayon kasi iba na ang panahon.

Magbasa pa
VIP Member

Watch this mga mi https://vt.tiktok.com/ZSRbrTUrY/ Malaki chances ng allergy or cancer pag sobrang linis sa baby. Kasi hindi nag dedevelop ng maaga yung immune system nya. Pero sa water okay lang na distilled muna lalo baby pa. Sobrag dumi is bad din naman. Siguro naman di naman gusto ni hubby mo na as in super dumi. Ang gusto nya lang siguro wag masyado maselan.

Magbasa pa

Hi mommy! Para sa akin okay lang iexpose sa water si baby na hindi mineral kasi hindi lahat ng lugar sa Pilipinas ay may access sa mineral water. Papaano po kapag nagpunta kayo sa isang lugar na walang MW mas magiging sensitive si baby kapag malaki na siya at saka mo pa lang sya ieexpose. Minsan kailangan din talaga natin ilabas sa comfort zone ang baby.

Magbasa pa

nung bata siya iba panahon noon. sobrang dumi na ng mundo ngayon kamo, kailangan mo ingatan si baby mas mahirap yung magkasakit siya dahil bukod sa kawawa siya at ikaw na ina dahil malamang ikaw ang mag aalaga, doble gastos pa yan sa mga gamot at pampaospital compared sa gastos niyo sa mineral water. najimbey ako sa asawa mo mi.

Magbasa pa