vent out

Mga mommies pa vent out naman. Ewan ko kung apektado lang ako ng post partum e. Naiinis ako sa live in partner ko. Kung mura murahin ako kala mo sya nagluwal sakin e. Sabay kaming kumain. Si baby kinuha nya nung natapos kumain. Umiyak ng malakas si baby kasi natamaan ata yung turok ng bakuna sa kanya. So binilisan ko na kumain. Kinuha ko si baby sa kanya tutal sabi nya din naman bilisan ko daw. Hindi nako nakainom ng tubig. Nung nagpapadede nako, nagpakisuyo ako sa kanya ng tubig tutal kumakain naman sya ng mangga. Pinagalitan ako. Bakit daw hindi pako uminom ng tubig kanina. Sabi ko sakanya "eh minamadali moko e hindi nako nakainom" murahin ba naman ako. Tangina ko daw. Tiningnan ko nalang sya hindi ko na ininom yung inabot nyang tubig. Mali ba yung sinabi ko? Hindi ko n maintindihan ugali nya. Kanina naglaba sya kasi may nakasampay sa harapan namin ng walanh pasabi. Gets ko naman. Okay lanh atleast nabawasan ung labahan namin. Pero yung parang susumbatan nya ako dahil pagod sya kakalaba at luto na paranh wala akong ginagawa . Nagaalaga ako ng batang may sakit. Grabe lang

12 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Nakakaoff naman yan, mommy. Ako never pa ko minura ng hubby ko and if ever man na umabot sa ganon aawayin ko talaga siya. Kausapin mo yung hubby mo kasi baka maadapt ng baby niyo yung pagiging palamura niya. Ipaintindi mo sakanya na hindi dapat naririnig ng bata yung ganon esp from his/her father pa tapos sa'yo pa nakaaddress yung mura. May emotional and psychological effect yon baka in the future pati anak mo murahin ka na din. Anyway keri mo yan, baka open communication lang need niyo.

Magbasa pa