KASAL O SAKAL ?
Magpapakasal na kaya kami? 8months palang kami ni hubby nung nabuntis nya ko. 2months preggy na ko ngayon. yung husband ko nag iinsist na magpakasal na kami, gusto ko nman talaga kasi nga mahal ko naman sya at alam kong mahal naman nya ko and para na din sa benefits na magagamit namin yung paternity, kaso iniisip ko baka magloko pa sya kaya nag dadalawang isip ako or baka di kami magkasundo. Tingin nyo po? swerte na ba ko kasi atleast nag oopen sya about sa kasal or wag muna kasi nag iisip pa ko ng kung ano ano. PS: sa 8months namin, di pa naman sya nagloloko pero minsan binibiro nya ko na may babae sya tapos minsan naniniwala ako haha pero never ko sya nakitaan. Nasakin na din ATM nya ?
I don't think nasa tagal ng pagsasama yan.. Always remember na palaging daraan sa buhay ng lalaki ang temptation, it's up to you kung pano mo xa mareremind na ikaw ang the one at nasa pagsasama ninyo yan pag nakakita ang lalaki ng kulang sayo malamang malalapit yan sa temptation. 8months palang kayo tapos nabuntis ka eh di blessings yun. Kung tiwala ka sa relationship ninyo wala kang dapat ipagworry. Kami ni partner ko since DAY1 nagsama kami. Yes, Day 1 yun. We both made ourselves committed sa companionship namin. We made our plans together for our future family. Yes, habang nagpaplano kami para samin nagsasama na kami kahit di pa kami kasal. Lahat ng transparency binigay namin sa isa't isa. Di ako nag demand ng financial sa kanya pero sya nagkusa na ibigay sakin lahat ng pera nya para sa pag budget. Yung first 2yrs namin ang challenging hindi dahil sa kung anong issue pero dahil sa adjustment ng finance namin. Mejo mas malaki kita ko nun kesa kay partner at nag susupport pa sya sa family nya pero okay lang kasi naisip ko kelangan namin pag baluktutan kung anong kaya ng pera namin. Sinupurtahan ko si Partner ko sa dream nya hanggang umabot kami sa time na ma zero balance ako, we never stop! We always say kelangan mag sacrifice para magawa namin plano namin. Yung 3rd yr namin nagtraining sya, wala kami communication at all, di kami nag kikita kasi bawal but still I stand by his side until matapos xa. 4year namin he finally got his dream job. I was so proud of him, very very proud. Yung kinita nya nung time na nagtraining sya walang second thought binigay nya sakin, umiiyak ako nun kasi looking at him parang di ko kayang gastusin yun so ginawa ko tinabi ko ulit ung pera. We continued our joint finances and this time yung kita ko wala pa sa half ng kita ng Partner ko so I hard to work hard para makakuha ng more incentives sa office para kahit papano makatulong din sa ipon namin. On our 5th year, we begun to build our home which is I guess halfway finish na din kasi natitirahan na namin. And this year turning 6 na kami, we were planning to have everything legalized kasi nga yun nalang kulang samin, lahat sa family, work and friend open relationship kami. Before pa man kami makasal, we received our blessing, I'm currently pregnant on our first child and kung hindi naglockdown malamang sana natapos na namin ang preparation ng wedding namin. Hanggang ngayon lagi ko parin syang nireremind na may dadaang tukso sa kanya kaya sya na bahala mag decide kung ano gagawin nya. Awa ng Diyos wala pa kami naging problem about third party. I'm just so thankful na nag YES ako nung sinabi nyang "No turning back!" π₯° Di pa po kami kasal hanggang ngayon, I want before giving birth makasal kami sa civil and yung church wedding namin isasabay ko sana sa christening ng baby namin. Kaya Momsh, di yan sa tagal ng pagsasama. Mag tiwala ka sa kung ano meron kayo and always remind your man to treat you with respect and dignity.
Magbasa panasayo po yun Kung papakasal ka SA taong Mahal mo o Hindi , pero SA tingin ko nag dadalawang isip ka po Kung papakasal ka ,.. 1st ,Wala ka tiwala sa knya may agam agam ka Kung magloloko siya 2nd , hndi buo Ang pasya mo Kasi natatakot ka PO SA maaaring mangyari sa RELASYON nyo .. Ang masasabi ko Lang po , Kung mahal mo tangap mo Kung anu at Sino siya at syempre papakasal ka SA knya Kasi MAHAL mo siya , at Kung buo Ang loob mo , kahit anung mangyari sa future nyo sasamahan mo kahit mag asot pusa Kayo ..andun yung sumbatan , hiwalayan , at Kung anu anung problema Ang papasok sa RELASYON nyo bilang mag Asawa .. based Yan sa experience ko 2months Lang kmi mag bf/gf NG hubby ko ,.. then nabuntis ako 6months nagpakasal kami pero bago Ang kasal nag away kami na Sabi ko wag na kmi pagpakasal kasi asot pusa kmi ..pero siya gusto nya po kmi magpakasal syempre ako Mahal ko so be it .. Ang dami nmin prob. Andun pa yung nagsasabi siya SA kapatid tungkol sa away Amin.. kaya ginawa ko pinagsabihan ko hubby ko na Ang away nmin sa loob Lang NG bahay sagot nya ,masama loob nya Wala siya malabasan ..Sabi ko sa knya , bakit ako andyan Lang nanay ko di ko masabi kasi Alam mo Kung bakit ? dahil may sarili na ko pamilya anu sasabihin sa akin mg magulang mo inaaway Kita ,. Pero nag papasalamat ako Kay God Kasi sa daming problema dumaan SA buhay nmin hanggang ngayon stronger kmi NG hubby ko . 6yrs na kming sakal este kasal po .. Kaya Kung ako sayo , Kung papasok ka SA sitwasyon NG pagpapakasal kailangan matatag ka at syempre God first .Yun lang
Magbasa paBest if you get to know each other first. Sometimes a baby makes everything psychologically better. The parents get married and they barely know each other. I'd love to say God in the center of your relationship will make everything okay. No. It's being prepared for the time na sinasabi ng church sa magasawa na 'worse'. Not the good times. Isipin niyong mabuti. Financially stable ba kayo kahit wala pa si baby? Sure ba kayo na handa na kayo sa responsibility maging parents? In the correct order of things one must be ready to be a husband or wife before being a parent. Your spouse comes first. You've started early on, with a child, unmarried (no offense please don't be mad), without getting to know each other and each other's families first. That isn't even what is taught in the church. If you want to be sure, especially nay baby na, prepare yourselves for each other. Kilalanin niyo ang isa't isa ng mabuti. Itama niyo yung pagsisimula niyo. Tsaka kayo magpakasal.
Magbasa paParang kami lng dn po 8months pa lng kmi nung nabuntis ako... Hnd naman porket nabuntis ka nya or mahal mo sya ay need nyo na magpakasal agad... Naguusap dn kamo about sa kasal pero ako pa dn ang ngrerefuse dhil may hnd pagkakaunawaan... Siguro para skin po wag na muna po dhil madami ka pa pong pwedeng malaman o makita sa kanya na ugali or kng ano.... Tyaka d naman sukatan ang kasal para masabing happy family kau... Nasa pagsasama nyo lng po yan at pagaalaga sa magiging anak nyo po... Ni kahit ako po pinagkakatiwala nya atm nya skin oh kng anong bagay pero lalaki is lalaki may makikita at makikita ka pa rn jn na hnd mo pa nakkta kaya enjoy nyo na lng po muna siguro ang pagkakaroon ng anak... Tyaka si god na lng dn po ang kusang tatawag sa inyo kng tlgang handa na po kaung magpakasal mhrap kasi magpakasal ng nagdadalwang isip...
Magbasa pawe've been 5yrs in relationship gf/bf ng asawa q ngayon kaya mas nakilala q n sya kahit n d pa kme kasal o magkasama s bahay atleast nagka idea nko ng ugali nya..still hanggang ngayon magkasama p din kme s hirap at ginhawa, 25yrs of togetherness and we still inlove to each other,biniyayaan ng 3 cute babies...sa opinyon q mamshie mag live in n lang muna kayo to know each other better, kc d mo mlalaman ang ugali ng isang tao kundi ko sya mkksama s isang bubong at least kahit na 2yrs lng n magkasama kau para mas makilala nyo p ang ugali ng isa't isa...s isang banda maganda din ang magpakasal n kau para s bata un nga lang kung kasal n kau at biglang lumabas ang tunay n ugali ni jowa e baka pag sisihan mo n nagpakasal k sa kanya...madami ng kasong ganyan..pag isipan mo din mamsh ikaw pa din naman ang mag dedesisyon..
Magbasa pa2 years kaming mag bf and gf nung Mister ko nung mag propose siya sakin. Ako, sa una pa lang ramdam kong siya ang gusto kong pakasalan. Legal kami both sides. Hung family na niya ang nag iinsist na magpakasal na daw kami tutal Live in naman daw kami. Then one day, nag prospose siya sakin but I refused. Pag isipan niya kako nang mabuti kasi once na magpakasal kami matatali na siya at baka napressure lang siya dahil sa family niya. Though wala namang magbabago pero hindi na gaya nung bf and gf pa lang. Pinag dasal ko din kung yun na ba ang right time. Few months, he asked me again...and I said yes na. Mag 4years na kaming kasal. Dapat ready ka sa mga consequences. Dapat committed ka talaga. Dahil ang pagpapakasal napakalaking responsibilidad.
Magbasa paKami nga ng husband ko nagpakasal kami less than 1 year pa lang na bf/gf. Wala din naman kasi sa length ng relationship yan eh. Twice nya ko pinakasalan. 2018 sa civil ceremony then 2019 sa christian ceremony na. And now, I'm 7mos preggy na π Ang importante nagkakaintindihan kayo, walang conflict sa inyo. Syempre ang takot na baka magloko partners natin is normal lang naman. And di rin naman assurance na kung matagal na kayo sa relationship ay di sya magloloko kasi nasa choice nya yun. Malaking risk ang marriage but kung nafifeel mo naman sa sarili mo na sure ka, magiging smooth sailing naman lahat. Trust and understanding talaga sa marriage, di lang bsta love. At dapat accepted mo lahat ng flaws ng partner mo.
Magbasa paSabi nga nila, commit when you are ready. Hindi sapat na dahilan ung Mahal nyo Ang isa't Isa o magkaka anak na kayo.make sure na ready ka sa commitment Kasi lifetime Yan mamsh. Walang balikan. Habang buhay mo Ng dadalhin ang apelyedo nya. Kami po ni hubby long time friend ko sya at never ko inexpect na magiging kami Kasi as in Hindi kami attracted sa isa't Isa. Nung naging kami after 8 yrs Ng friendship sigurado na ako na sya na talaga. After 3 yrs of being bf gf nagpakasal na kami. Meron Naman na bago pa Lang magkakilala pero super sure na sa isa't Isa tulad Ng kuya ko at hipag ko. In short it's not about the time you spent together. It's about how well you know each other and how sure you are about him π
Magbasa paAng kasal ay hindi solusyon porke may anak na. Kahit nga mismo pari hindi pinipilit magpakasal ang partners if hindi pa sila sigurado sa isat isa kahit na may anak na... And kahit naman kasal na kayo, hindi mo parin naman masisigurado na talagang hindi na yan magloloko.. Kasal man kau o ndi,,, maghigpit ka man o hindi,, kung gugustuhin nila magloko, magloloko yan.. At ndi rin naman po porke kasal na kau e pag aari nio na ang isat isa hehe.. Magpakasal po kayo dahil gusto nyo at sigurado na kau hindi dahil kailangan lang βΊβΊ natutunan po namin yan sa seminar namin.. Turning 7 years na kami,, 6 years live in,, mag 4 yrs old na eldest namin, pero nitong july 2019 lang kami kinasal β€
Magbasa paKami 2 years na pero balak ng asawa ko pag 1 year na.daw baby namin saka daw kami magpakasal at magiipon lng daw , pero kung hindi kami nagka baby hindi namn magyayaya to ng kasal e . Pero ung sayu maganda narin atlis bago lumaki tyan mo at lumabas si baby mo kasal na kayu . Ok narin un mahal mo namn pala , e kung magloloko sya sa una palang , saka sabagay bago plang kayu , gusto mo hintayin mo muna lumabas ung baby nyu mga 1 year na sya para makapaglakad sa isle βΊβΊ hehehe at masaksihan nya kasal nyu at hindi na nya kailngan magtanong . Tatanungin nya na lng kung pano kayu nagkakilala at nagkaibigan . ππ hehehe sorry malawak kasi imahinasyon ko ππ
Magbasa pa
Momsy of 3 superhero junior