KASAL O SAKAL ?
Magpapakasal na kaya kami? 8months palang kami ni hubby nung nabuntis nya ko. 2months preggy na ko ngayon. yung husband ko nag iinsist na magpakasal na kami, gusto ko nman talaga kasi nga mahal ko naman sya at alam kong mahal naman nya ko and para na din sa benefits na magagamit namin yung paternity, kaso iniisip ko baka magloko pa sya kaya nag dadalawang isip ako or baka di kami magkasundo. Tingin nyo po? swerte na ba ko kasi atleast nag oopen sya about sa kasal or wag muna kasi nag iisip pa ko ng kung ano ano. PS: sa 8months namin, di pa naman sya nagloloko pero minsan binibiro nya ko na may babae sya tapos minsan naniniwala ako haha pero never ko sya nakitaan. Nasakin na din ATM nya ?

I don't think nasa tagal ng pagsasama yan.. Always remember na palaging daraan sa buhay ng lalaki ang temptation, it's up to you kung pano mo xa mareremind na ikaw ang the one at nasa pagsasama ninyo yan pag nakakita ang lalaki ng kulang sayo malamang malalapit yan sa temptation. 8months palang kayo tapos nabuntis ka eh di blessings yun. Kung tiwala ka sa relationship ninyo wala kang dapat ipagworry. Kami ni partner ko since DAY1 nagsama kami. Yes, Day 1 yun. We both made ourselves committed sa companionship namin. We made our plans together for our future family. Yes, habang nagpaplano kami para samin nagsasama na kami kahit di pa kami kasal. Lahat ng transparency binigay namin sa isa't isa. Di ako nag demand ng financial sa kanya pero sya nagkusa na ibigay sakin lahat ng pera nya para sa pag budget. Yung first 2yrs namin ang challenging hindi dahil sa kung anong issue pero dahil sa adjustment ng finance namin. Mejo mas malaki kita ko nun kesa kay partner at nag susupport pa sya sa family nya pero okay lang kasi naisip ko kelangan namin pag baluktutan kung anong kaya ng pera namin. Sinupurtahan ko si Partner ko sa dream nya hanggang umabot kami sa time na ma zero balance ako, we never stop! We always say kelangan mag sacrifice para magawa namin plano namin. Yung 3rd yr namin nagtraining sya, wala kami communication at all, di kami nag kikita kasi bawal but still I stand by his side until matapos xa. 4year namin he finally got his dream job. I was so proud of him, very very proud. Yung kinita nya nung time na nagtraining sya walang second thought binigay nya sakin, umiiyak ako nun kasi looking at him parang di ko kayang gastusin yun so ginawa ko tinabi ko ulit ung pera. We continued our joint finances and this time yung kita ko wala pa sa half ng kita ng Partner ko so I hard to work hard para makakuha ng more incentives sa office para kahit papano makatulong din sa ipon namin. On our 5th year, we begun to build our home which is I guess halfway finish na din kasi natitirahan na namin. And this year turning 6 na kami, we were planning to have everything legalized kasi nga yun nalang kulang samin, lahat sa family, work and friend open relationship kami. Before pa man kami makasal, we received our blessing, I'm currently pregnant on our first child and kung hindi naglockdown malamang sana natapos na namin ang preparation ng wedding namin. Hanggang ngayon lagi ko parin syang nireremind na may dadaang tukso sa kanya kaya sya na bahala mag decide kung ano gagawin nya. Awa ng Diyos wala pa kami naging problem about third party. I'm just so thankful na nag YES ako nung sinabi nyang "No turning back!" 🥰 Di pa po kami kasal hanggang ngayon, I want before giving birth makasal kami sa civil and yung church wedding namin isasabay ko sana sa christening ng baby namin. Kaya Momsh, di yan sa tagal ng pagsasama. Mag tiwala ka sa kung ano meron kayo and always remind your man to treat you with respect and dignity.
Magbasa pa
