KASAL O SAKAL ?

Magpapakasal na kaya kami? 8months palang kami ni hubby nung nabuntis nya ko. 2months preggy na ko ngayon. yung husband ko nag iinsist na magpakasal na kami, gusto ko nman talaga kasi nga mahal ko naman sya at alam kong mahal naman nya ko and para na din sa benefits na magagamit namin yung paternity, kaso iniisip ko baka magloko pa sya kaya nag dadalawang isip ako or baka di kami magkasundo. Tingin nyo po? swerte na ba ko kasi atleast nag oopen sya about sa kasal or wag muna kasi nag iisip pa ko ng kung ano ano. PS: sa 8months namin, di pa naman sya nagloloko pero minsan binibiro nya ko na may babae sya tapos minsan naniniwala ako haha pero never ko sya nakitaan. Nasakin na din ATM nya ?

129 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

2 years kaming mag bf and gf nung Mister ko nung mag propose siya sakin. Ako, sa una pa lang ramdam kong siya ang gusto kong pakasalan. Legal kami both sides. Hung family na niya ang nag iinsist na magpakasal na daw kami tutal Live in naman daw kami. Then one day, nag prospose siya sakin but I refused. Pag isipan niya kako nang mabuti kasi once na magpakasal kami matatali na siya at baka napressure lang siya dahil sa family niya. Though wala namang magbabago pero hindi na gaya nung bf and gf pa lang. Pinag dasal ko din kung yun na ba ang right time. Few months, he asked me again...and I said yes na. Mag 4years na kaming kasal. Dapat ready ka sa mga consequences. Dapat committed ka talaga. Dahil ang pagpapakasal napakalaking responsibilidad.

Magbasa pa