umm.....ang sakit ng katutuhanan sender noh at ang sakit din ng iba magsalita, payo na may kasamang galit. Kapag magbigay ng payo wag po magalit.
wala po siyang nabanggit na kasal sa una yung lalaki, pero sige palagay na lang natin kasal nga.
ang term na "KABIT" kasi para sakin ay yun yung nanira ng pamilya habang nasa relasyon pa ang mag-asawa. KUMABIT KA kahit nagsasama sila.
yun ang KABIT, HOMEWRECKER, MANG-AAGAW!
At sayo po sender, nagseselos ka po, karapatan mo yan dahil kayo na ang magkarelasyon linawin mo po yan sa kanya. total naintindihan mo naman obligasyon nya sa mga bata pero di mo po maiwasan na kasama minsan ang ex nya, mapapraning ka talaga.
pero dahil nilihim nya sayo, dalawa lang yan; ayaw nya masaktan ka o ayaw nya na di matuloy bonding nila kaya di siya nagpaalam sayo.
total wala pa kayo anak hiwalayan mo na siya, di ka na mapapanatag nyan kasi nagsinungaling na siya sayo, lagi ka nag iisip nyan at magiging dahilan yan lagi ng away nyo tapos mauwi din sa hiwalayan kung kilan na may anak na kayo.
ang sakit sa una lang yan, normal time to heal ay 3 months to 6 onwards. pero sa panahon ngayon maraming libangan mas mabilis ka maka move on. hanap ka ng lalaki na sayo lang iikot ang mundo niya, Sayo at sa magiging anak nyo.
mas konti man bilang ng lalaki sa babae sa mundo makakahanap ka pa rin ng single kapag gustuhin mo, ikaw po gagawa ng kapalaran mo, kaya be wise po para mas maraming saya kesa sa sakit.
Magbasa pa