KASAL O SAKAL ?

Magpapakasal na kaya kami? 8months palang kami ni hubby nung nabuntis nya ko. 2months preggy na ko ngayon. yung husband ko nag iinsist na magpakasal na kami, gusto ko nman talaga kasi nga mahal ko naman sya at alam kong mahal naman nya ko and para na din sa benefits na magagamit namin yung paternity, kaso iniisip ko baka magloko pa sya kaya nag dadalawang isip ako or baka di kami magkasundo. Tingin nyo po? swerte na ba ko kasi atleast nag oopen sya about sa kasal or wag muna kasi nag iisip pa ko ng kung ano ano. PS: sa 8months namin, di pa naman sya nagloloko pero minsan binibiro nya ko na may babae sya tapos minsan naniniwala ako haha pero never ko sya nakitaan. Nasakin na din ATM nya ?

129 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Ang kasal ay hindi solusyon porke may anak na. Kahit nga mismo pari hindi pinipilit magpakasal ang partners if hindi pa sila sigurado sa isat isa kahit na may anak na... And kahit naman kasal na kayo, hindi mo parin naman masisigurado na talagang hindi na yan magloloko.. Kasal man kau o ndi,,, maghigpit ka man o hindi,, kung gugustuhin nila magloko, magloloko yan.. At ndi rin naman po porke kasal na kau e pag aari nio na ang isat isa hehe.. Magpakasal po kayo dahil gusto nyo at sigurado na kau hindi dahil kailangan lang ☺☺ natutunan po namin yan sa seminar namin.. Turning 7 years na kami,, 6 years live in,, mag 4 yrs old na eldest namin, pero nitong july 2019 lang kami kinasal ❤

Magbasa pa