PARTNER/ HORMONAL CHANGES

Gusto ko lang magshare. Madalas kami nag aaway ng LIP ko, maasikaso naman sya sa pagbubuntis ko at naghahanap sya ng work now kahit student pa lang sya. Nag stop ako sa work kasi may savings naman ako dahil matagal na ako nakabukod sa family ko at ako nagbabayad sa lahat ng bills tumutulong sya paunti unti sa food gamit allowance nya. Sabi ko baka di nya kayanin magwork kasi eager pa sya maging Dean's lister at natupad naman kaso marami na sya ginagawa even after class nya so iniisip ko baka di kayanin ng time. Madalas nawawala ako bigla sa mood siguro dahil stress na din tapos buntis pa ako. Kapag naghahanap kami work online tapos pag may nakita sya lagi nya sinasabi na pwede ko pasukan yun kesa wala naman ako ginagawa sa bahay reason kung bakit nawala na naman ako sa mood kasi lagi nya sinasabi na gusto nya bigyan magandang buhay magiging pamliya nya nung di pa ako buntis so isip ko may provider mindset sya. Before di nya ako hinayaan gumastos pero nag iinsist ako dahil student pa sya. Akala ko sasabihin nya na sya na bahala sa Ultrasound ko pero akala ko lang pala since para sa baby naman. Then nung di ko sya masamahan kumuha requirements dahil nahihilo ako nung nag away kami sabi nya wala man lang ako kasupport support at di ako nakakatulong sa kanya pero tinutulungan ko naman sya sa studies nya kahit gusto ko rin pumasok kaso di pwede.Sa tuwing bigla ako tatahimik o mawawala sa mood kahit gusto ko lang ng mag isip isip lagi nya sinasabi na lagi na lang ako ganto until mag hysterical sya kasi di ko alam paano ieexplain. Di ko na alam madalas naiiyak na lang ako.

2 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

hirap kase sa ibang lalake hindi nila alam pinagdadaanan ng buntis. yung kahit resting tayo para pa din tayong sumali sa marathon. extreme yung pagod kase gumagawa yung body natin ng organs para sa developing baby. 🙄 parang buntis ka pa lang pero dalawa na binibaby mo pag ganyan na kelangan mo pa sya samahan eh malaki na sya.

Magbasa pa
4w ago

Gusto nga nya ganun lagi magkasama magkacall pag nasa school sya. Kaso mas older ako sa kanya kumbaga iba mindset ko pero para sa kanya mas immature ako at iniinvalidate. Ganun din kasi mi kahit iexplain ko napupunta pa rin sa pagtatalo gang masisigawan nya na ako lalo lang nasama loob ko. May anger issues din kasi sya.

RUN 🚩🚩🚩