Di kasal kaya walang karapatan

Palabas lang ng sama ng loob mga mommies. Overreacting lang ba ako? Kasi feeling ko di talaga ako mahalaga sa partner ko . Una, ayaw nya mag pakasal kahit gusto ng mama nya/parent nya ang dahilan wala pa syang pang pakasal dahil iniisip nya si baby yung pag papaanak (2mos. Palang ako nun) hanggang sa napilit na sya namanhikan sila sa bahay which is ok ndn kasi doon na nalaman ng parents ko na buntis ako. Una ayoko dn ksi takot ako at pinipilit nya ako na sabihin ko na sa parents ko (heart to heart talk ko daw) tapos sabi ko di ko kaya, kaya nung time na yun super nadepress ako binalak ko ipalaglag si baby which is malaking pag sisisi ko nag search ako sa FB non pero iniyak ko nalang kasi di ko kaya makita baby ko na ganun (hanggang ngayon naiiyak parin ako pag naalala ko) Hanggang ayun ok naman naging resulta natanggap naman ako ng family ko at sabi nya itutuloy nya daw pag papaaral sakin ayan promise nya sa parents ko (graduating student na ako nagkapandemic lang kaya d natuloy ang duty sa hospital) Tapos ngayon naman mga momsh nag decide nalang sa civil ipakasal since wala pa kaming ipon pero nag sabi sya na mag papakasal kami sa church (hanggang ngaun issue parin to kasi mag kaibang religion kami adventist sya ako naman catholic ayaw dn nya magpakasal sa catholic tapos sa family ko naman gusto syempre sa simbahan namin kaya naguguluhan parin ako) Ngayon 15 namin makukuha marriage license na ba yun tapos kakasal na kami (6mos na tyan ko) Eto ngayon ung prob. Ko hindi parin umuuwi samin lip ko dahil d pa naman ata kami kasal or mas malapit work nya don 1hr lang kung samin kasi 1hr and half to 2hrs. Naiinis ako saknya ngayon kasi di pala sya pumasok pero di naman pumunta dito nakailng absent na sya ng di manlang dumadalaw dito nakakasama ng loob lang. kahit monthsary namin ngayon wala di nya ako binati at walang pake (tuwing monthsary actually ako lagi ang una babati) tapos knina nag sabi ako about sa pangangaliwa ganun kasi naranasan nya na may nakachat sya before at meron ndn nameet yung mag kaaway kami Nakakainis lang bakit ganun? Di nya ba talaga ako mahal pag sinasabi ko ung past nagagalit sya kesyo ayan parin daw tingin ko saknya sabi ko kasi kanina baka may iba sya yung kawork nya kasi may single don na babae tapos prinotektahan nya sa bastos na empleyado work related naman yun kaya ok lang ang naiinis lang ako sabi kasi nya balak nya mag stay sa work para daw di sya malate eh kasi ung empleyado na yun nag stay din kaya sabi ko wag na which is di pa naman sya nag stay ngayon uwian parin. Bakit ganito nararamdaman ko minsan naiinggit ako sa iba kasi magkasama sila ng lip nila every weekend naman pumupunta sya dito at may mga dalang prutas ok dn siya sa family ko madalas nag bibili ng ulam at sya nag luluto ok naman sana kaso bakit ganun d nya manlang sabihin na nag absent sya dahil ba ayaw nya pumunta dito nung nakaraan dn umabsent sya nakakainis na ewan!!!! Di ko alam kung itutuloy ko pa kasal para lang dito sa bata hay #adviceplease

1 Reply
undefined profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

Sa nabasa ko po parang di pa talaga ready si partner mo pakasal. Kausapin mo po sya ng masinsinan. Mahirap din kase na para lang sa bata papatali kayong dalawa. Mas mahirap magpa annul. Although ready na ang mga papers at siguro iniisip din ng both families ayaw nila maging illegitimate si baby nyo paglabas.. mas okay po yung buo loob nyong dalawang papasok sa pag-aasawa. Religion should never be an issue. Tama pwede naman civil wedding if ipupush nyo po yan. Regarding sa pagstay naman nya sa work nya.. i think it’s a practical move para makatipid at para na din di sya lagi umuuwi kase delikado din sa panahon ngayon lalo if magsasama kayo at may baby.. for me.. trust mo na lang si partner. Kelangan kase yun lalo if magpapakasal kayo. Walang mangyayare sa puros duda at pagbabalik ng dati. Pagnapagkasunduan nyo na.. wag mo na ibabalik kase di na dapat inuungkat yung mga tapos na. Nagkaayos na kayo diba? If di mo kaya magtiwala.. lagi kayo mag aaway. Di makakabuti yun sa relationship nyo.

Magbasa pa
4y ago

Tama po si mama mo. Kelangan mo po lahat ng tulong pagkaanak mo. Kelangan mo magpalakas at magbawi ng energy para maging mas mabuti kang mommy. May reason siguro sya why di ka nya nainform. Pag-usapan nyo na lang na gusto mo sana naiinform ka ng mga ginagawa din nya para di ka din nag-iisip. Asa pag uusap naman yan.