KASAL O SAKAL ?

Magpapakasal na kaya kami? 8months palang kami ni hubby nung nabuntis nya ko. 2months preggy na ko ngayon. yung husband ko nag iinsist na magpakasal na kami, gusto ko nman talaga kasi nga mahal ko naman sya at alam kong mahal naman nya ko and para na din sa benefits na magagamit namin yung paternity, kaso iniisip ko baka magloko pa sya kaya nag dadalawang isip ako or baka di kami magkasundo. Tingin nyo po? swerte na ba ko kasi atleast nag oopen sya about sa kasal or wag muna kasi nag iisip pa ko ng kung ano ano. PS: sa 8months namin, di pa naman sya nagloloko pero minsan binibiro nya ko na may babae sya tapos minsan naniniwala ako haha pero never ko sya nakitaan. Nasakin na din ATM nya ?

129 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Kami nga ng husband ko nagpakasal kami less than 1 year pa lang na bf/gf. Wala din naman kasi sa length ng relationship yan eh. Twice nya ko pinakasalan. 2018 sa civil ceremony then 2019 sa christian ceremony na. And now, I'm 7mos preggy na 😊 Ang importante nagkakaintindihan kayo, walang conflict sa inyo. Syempre ang takot na baka magloko partners natin is normal lang naman. And di rin naman assurance na kung matagal na kayo sa relationship ay di sya magloloko kasi nasa choice nya yun. Malaking risk ang marriage but kung nafifeel mo naman sa sarili mo na sure ka, magiging smooth sailing naman lahat. Trust and understanding talaga sa marriage, di lang bsta love. At dapat accepted mo lahat ng flaws ng partner mo.

Magbasa pa