Nabuntis. Nagpasakal.

Hello, fellow momshies. Gusto ko sana malaman kung sino satin ung nabuntis kaya nagpakasal? Mhal ko nmn asawa ko even before kami magpakasal. Mahal n mahal ko sya. Ung tipong ngkamali na nga sya ng isang beses pero bigtime, pinatawad ko sya. Tumagal pa kami bago ako nabuntis. Nung una talagang ayaw ng parents ko magpakasal kami. Kasi new gen narin naman daw. Okay lang kung di kami magpakasal kasi baka maling magpakasal kami and if ever, samin lang din talaga si baby. Pero buhay pa kasi lola ko who is of course, old school. Kelangan magpakasal kami. At sa pamilya namin, gusto nya sya lagi masunod. Sya lang pakikinggan. Besides, gusto rin ng parents nya para di daw illigitimate ung anak ko. So nagpakasal kami. Kaso tumatagal kami na parang di na ako sigurado. di ko alam kung mahal ko pa sya o natatakot lang akong mawala sya sakin. pag may feeling kasi ako na nambababae sya,natatakot ako baka agawin sya sakin. pag sobrang lambing nya naman as in clingy to the point minsan nandidiri ako,naiinis ako. parang sobra kasi. tapos nito lang buwan madalas syang magyaya, ayoko kasi feeling ko lagi akong pagod. sa gawaing bahay tsaka kay baby. di ko alam kung ano nararamdaman nya kung tumatanggi ako kasi never ko pa syang pinagbigyan nitong buwan. actually after kong manganak, parang tatlong beses palang ulit kami naglabing labing. 3mos na ung baby namin. tapos ung una pa dun, napilitan lang ako. patulong naman po. pakiramdam ko mahal ko pa din sya pero di ko maintindihan nararamdaman ko talaga. pag wala, hinahanap. pag nanjan, tinataboy.

11 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

I was onced like you also na buntis ako kya nag pakasal at dahil need din sa work ko dahil daw may posisyon ako sa work kya dpt daw kasal. Pero ako ayaw ko but then dahil importante din ang career ko kya nag pakasal ako. At first ang buong paniniwala ko mas OK kung hindi mag pakasal kya nung ikinasal kmi hindi rin naging ganoon kadali ang aming pag sasama. Tama! Mahal ko ang bf ko n asawa ko n ngayon pero dumarating ang Umaga na gigising ka n wala k maramdaman sa knya. But since andyan n ang anak ko at ayaw kong magkaroon sya ng broken family like I do nagawa ako sa hindi nmin magandang pagkakaunawaan. Then I said to myself ako ang babae kya dpt madala ko ang pamilya ko sa magandang posisyon. Dhil pareho kming working so malaking effect ang time so what I did is I encourage myself and my husband to go to church and I found victory we attend Sunday service at parang naging bright ang lht pero my kulang pa din then I prayed n mka kita kmi ng group and answered prayer nmn nka join kmi sa isang group sa victory w/c also handles couples at doon marami akong natutunan gayon din si hubby. Marahil dumarating sa point n gigising tayo n wala maramdaman sa ating mga asawa ngunit basta't Alam mo Kung sino ang gusto mo makasama sa pag tanda mo yun ang panghawakan mo. At mayroon man tayong responsibilidad sa maraming bagay pero Lagi mo din tatandaan n may responsibilidad din tyo sa ating mga asawa. Kaya Kung nakakaramdam ka ng pagod I pahinga mo Lang at sabayan mo ng prayer. Hindi madali ang buhay may asawa pero make God be the center of your relationship at dapat maunawaan mo din ang pangangailangan ng iyong asawa and vice versa din sya sa iyo. Matatag tayong mga babae kya ntin gawin lht para protektahan ang ating pamilya. 💞

Magbasa pa

Got pregnant before marriage as well. Same reason. Ayokong lunaking illegitimate ang anak ko. Sa buhay magasawa naman, dumadaan talaga sa ganyang phase. Tapos na kasi yung honeymoon phase kaya pakiramdam natin boring na. Pero kung iisipin mo,nakakapagod emotionally kung katulad pa nung bf gf palang diba na konting kibot tampuhan suyuan. Hindi na sya applicable kung married ka na. Saka marriage is a lifetime commitment. Kung magbabase tayo sa feelings lang, wala talagang magtatagal. Siguro ang nararamdaman mo momsh eh sobrang pagod din. Dumadaan talaga tayo sa ganyan. Gawin mo/nyo, magset parin kayo ng date night. Lalabas na kayo lang, nuod sine, kwentuhan ganun. Saka hanap kayo ng group. Kami kask sa church may cell group kami na for couples. napapayuhan ang kada isa para sa ikakaganda pa ng relationship. Hindi talaga madali ang married life. Nasa adjustment period pa kasi kayo pero lilipas din yan. At pag napagtagumpayan nyo yan, sinasabi ko sayo mas magiging maganda ang relationship nyo. God bless sainyo. Kaya mo yan momsh. ♥️

Magbasa pa
VIP Member

Same case mommy, nabuntis muna bago nagpakasal. Now I have a 4month old baby at ngayon madalas ang aming pagtatalo. Financial crisis pa din kasi sya lang may work ako sa bahay lang, sya din yung gumagawa ng paglalaba, pagluluto at iba pang gawain, ako talagang focus kay baby at minsan nagrereklamo na rin sya, siguro kasi napapagod din sila hindi lang tayo palagi. Recently nag away kami at nagusap kami kung bakit nagkakaganon at nalaman ko yung saloobin nya. I feel awful kasi naging insensitive talaga ako, di pa kasi ako fully recovered at magisa lang palagi sa bahay pag nasa work sya. Enough of my story, what Im trying to reiterate is that everything resolves in good communication. Wag mo rin isiping nawawala ang love sa inyo, kailangan lang ibalik yung spark, yung excitement, alalahanin ang mga magagandang memories, mga pinagdaanan, saka intindihin si hubby. Prayers din po for guidance, wag po sanang mangyari na sateng mga mommy magsimula ang glitch ng pagsasama. Kaya nyo po yan mommy, God bless.

Magbasa pa
VIP Member

For me, its just that. You need to take a break. Just talk to your hubby. Puso sa puso sabihin mo kung anu-ano nararamdaman mo yung magpapakatotoo ka. Ako kasi yung tipo ng tao na kapag may gusto akong sabihin talagang sinasabi ko agad walang pakeme-kemedu. Kilalang-kilala na namin ang isa't-isa at maramu na kaming pinagdaanan ng mga bagay-bagay. Nagkapatawaran kami sa mga naging kasalanan. Bago kami magpakasal we make sure na lahat ng gumugulo samin ay naging malinaw na. Tapos open lang talaga kami sa isa't-isa. So yang nararamdaman mo ilabas mo. Don't hide. Ilabas mo sarili mo.

Magbasa pa
VIP Member

Hinde ko binasa yung post mo lahat ang haba kase e. Pero for me, nanotice ko sa mga kakilala ko na napakasal dahil buntis lang e naghiwalay din, hinde ko nilalahat ha pero karamihan lalo na ung mga unwanted pregnancies, mga bata pa nagpakasal and ung iba talagang dahil sa pera kaya naghihiwalay. Pero meron din naman na nagtatagal. Ang mahirap kase sa pagaasawa is yung pag magkasama na kayo sa bahay, may madidiscover at madidiscover ka pa din sakanya na bago and it's really up to you kung pano mo ihahandle yun and kung anong thinking mo.

Magbasa pa

Just always remember that there's no such thing as "Meant to be", "Destiny", "Soulmate", kayo magdedecide ng sarili nyong path God gave us our own will to choose kayo din magdedecide kung gusto nyo at kayo ba talaga para sa isa't isa. Much better isipin mo ipakita mo kay Hubby mo makakita man syang better, ikaw naman the best kung lokohin ka nya, sino ba nawalan? Sino iiyak at magsisisi. Basta pray lang lagi Sis para sa family nyo magiging okay din kayo mag Asawa lahat naman nagdadaan dyan :)

Magbasa pa
VIP Member

Baka nawala lang yung sparks which is not important to make your relationship stronger. try mong mag look back sa mga panahon kung bakit mo siya minahal. Ako ginusto din ng lola ko na ikasal kami pero ako at yung boyfriend ko ayaw namin. ayaw din ng parents ko. kasi di pa namin kaya. saka nalang daw pag kaya na namin at pag gusto pa namin. sometimes, naiinis ako sa boyfriend ko nakakalimutan kong mahal ko siya pero naaalala ko ulit kung bakit ko siya minahal.

Magbasa pa
VIP Member

Same situation. We Got pregnant before marriage. Pero plano namin yun na mag buntis muna bago kami magpakasal. Pero no regrets mahal na mahal ko asawa ko at sa nakikita ko at nararamdaman ko mahal din ako ng asawa ko. Siguro momsh ang nararamdaman mo is post partum depression try to seek help ask sa OB kung paano no ma treat yung post partum mo and dapat nandun si hubby mo para alam nya gagawin if ever 😊

Magbasa pa

Ganun din naging love story namin,nabuntis muna ako kaya ngpakasal ,but no regrets at all, 8yrs na kaming kasal, at masasabi ko I'm blessed. kailangan lang siguro think positive sis, at dapat may trust kayo sa isat Isa. at baka part pa Yan ng PPD natin after manganak. just look at the positive side sis. Godbless 😍

Magbasa pa

Same situation nabuntis muna bago magpakasal pero pag uwi ko saka pa lang namin pag uusapan yong pagpapakasal namin.