NO TO CS

Hi mga momsh. kahit ba isang bwan kalang mag lakad lakad and exercise yung kabwanan mo na, may chance bang hindi kana na CS o talagang ma ccs ka? Gusto ko lang kasing malaman kung bakit na ccs yung iba and bakit yung iba kinakaya naman ang normal?

24 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Naccs kase •abnormal positioning- meaning breech pwedeng ang pwesto nila sa kanal ay una ang paa,pwet dapat para maging normal delivery una muna ang ulo nakaposition dapat ang ulo malapit sa kanal. • fetal distress- eto yung emergency cesarean yung baby hindi na nakakakuha ng sapat na oxygen kaya kailangan ng icesarean. •cephalopelvic disproportion- meaning ang pelvis ng nanay ay napakaliit upang maipanganak ang baby o ang ulo naman ng baby ay napakalaki para sa kanal ng panganganak. •Cord Prolapse-kapag ang pusod ay dumulas sa cervix bago pa ipanganak ang baby maaaring mabawasan ang daloy ng dugo sa baby nailalagay sa peligro ang sanggol kaya naman emergency cesearean din ang nangyayare dito.

Magbasa pa
VIP Member

depende kasi yan mamsh..35 weeks pa nga lang ako, nagstart na akong magwalking kapag sat and sunday..more or less 30mins yung walking ko..during weekdays, nagtuturo pa ako nun, naglalakad-lakad ako habang nagtuturo.. tapus 5days before my EDD, nagkaspotting ako, so punta agad akong ospital..1cm, intact parin yung panubigan ko..12hrs akong ininduce, peru 1cm parin kaya CS na ko ng OB ko..maliit kasi sipitsipitan ko.. base naman sa co-teacher ko, 10cm na daw sia nun, kaya lang hindi nia mailabas, cord coil pala..kaya emergency CS..meron naman minsan na, sa haba ng labor, nagnormal nga peru nakakain naman ng dumi.. kahit CS kaman or Normal, importante, safe kayu ni baby..God bless 🙏

Magbasa pa
5y ago

your welcome mamsh..pray lang palagi.. 🙏😇

VIP Member

Naglakad lakad din ako noon from 32weeks upto the last day (10k+ steps per day), tapos ginagawa ko lahat ng exercise para bumukas cervix ko, uminom pa ako evening primrose sa umaga tapos insert naman sa gabi. Pero umabot na ng 40 weeks na di pa din ako naglabor kahit konting hilab wala talaga kaya ininduce labor na ako, hanggang 4cm lang nagprogress tapos paubos na panubigan ko kaya sabi ng OB ko Emergency CS na ako. Ayun pagbuka nila sakin dun lang nakita na cord coil pala si baby. Kaya depende talaga sa baby mo mamsh. Kausapin mo sya lagi na wag ka papahirapan sa panganganak :)

Magbasa pa
5y ago

Thankyou po momsh sa advice❤️😊

dipende po sa case ng baby nyo po f ok nman po ung pwesto nya nd kya nyo po inormal manonormal nyo po...pero f ayaw na po bumaba ung baby my nd d nka pwesto ung baby ayun po my chance po kau ma cs...sa case ko po kc nung nanganak ako sa 2nd baby ko po muntik na po ako ma cs dhil nsa leeg daw ng baby ko ung cord kht ininduce na daw ako ayaw bumaba ung baby nagawan lang ng ob ko na mainormal ko..dhil sa 1st baby ko normal ako kya d nko pna xray para mkita f normal ako kc sbi ng ob ko f na normal ko 1st baby ko maiinormal ko din daw 2nd baby ko.

Magbasa pa
5y ago

Noted. Thank you sa info po mommy. Gonna ask about that sa OB ko. 😊 Salamat!!

Depende po tlga kasi nung buntis ako lakad naman ako everyday umaga at hapon, nag ii-squat pa ako nyan sa bahay tapos inom at kain pa ako pine apple sinubukan ko na din yung buko juice pero sa huli na cs tlga ako kasi nag leleak na panubigan ko ng d ko alam at kahit e-induce ako hindi bumubuka cervix ko hanggang 4cm lang ako kaya nag decide na yung doctor na I-cs nalang ako.. Pero no regrets kasi anlaki ng baby ko eh hehe lumabas sya ng 3.8kg ang timbang hehe

Magbasa pa

Depende sis... Ako ay puro normal delivery! This monday ay Naemergency cs ako.. 9cm na naman nung nakarating kaming hospital.. Ayaw lumabas ni baby! Dahil nga sa quarantine tayo ,di na kame nagmeet ng ob ko! Hindi na nakita na ang isang kamay ni baby ay nakataas pantay sa head nia kaya di xa makalabas.. Need na ics because my history ako ng nagsstop ang heartbeat ng baby! Ayaw daw makipagsugalan ng ob ko kaya ECS ang nangyare..

Magbasa pa

Ako po CS kasi at 36 weeks pumutok na water bag ko at naka breech position si baby (pahalang). At hindi pwede ipilit ilabas yon via normal. Kaya case to case basis yan. Wala naman masama sa CS para ito sa ikabubuti mo at ni baby. Bakit mo ipipilit inormal kung mailalagay naman sa piligro ang buhay ni baby. Kahit ayaw mo ma cs pero nakasalalay na buhay ng anak mo ipipilit mo parin mag normal? Thats a NO NO.

Magbasa pa

Good Morning! With my baby i underwent 12 hours of labor then for 6-8 hours no progress on 5cm. Prior ti that my water already broke and I did bleed na thin. So as per assessment baby is cord coil. They need to perform Emergency CS. Ok nman body ko. I walked a lot. nakaposition naman si baby. May mga situation lang siguro na di mo ineexpect. Even the bill 😅 Have faith lang! 😊

Magbasa pa
5y ago

❤️❤️❤️

me po CS kasi maliit sipit sipitan ko 7cm lng inabot sa tagal kong nag labor baka daw mag poop na c baby sa loob dahil naiisttess na sya at gusto nya ndn lumabas.. kaya na CS ako.. di ako umiyak kahit sobrang sakit ng pag lalabor yung bawat hilab masakit pero nung sinabi ni OB na need ko na iCS dun ako naiyak.. haha ayoko maCS pero ganon talaga eh

Magbasa pa
5y ago

dun ako naiyak eh.. nung sinabing stress ndaw ung baby baka makapoop na sya.. di ko ininda ung sakit ng labor nung marinig ko na nahihirapan na baby dun ako naiyak

VIP Member

depende. kung maliit sipit sipitan, inabot ng highblood, suhi si baby or cord coil o double cord coil or nalalagay na sa alanganin si baby need na i cs. Mas unahin pa din kapakanan ni baby. Wala naman yan sa naglakad or hindi kung cs talaga ang option ni ob mo cs ka na. Kaya dapat ready ng malaking budget pag nanganganak.

Magbasa pa