expecting baby girl but sa ultrasound boy

im 20weeks pregnant. pwede po bang magkamali ang ultrasound? i feel so disappointed po kasi nung nalaman ko na boy ang baby ko. please respect po... no to judgemental po. pinagdasal ko po kasi itong pregnancy ko na sana girl. aminado po ako na medyo n

70 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

We were expecting a baby boy too since 5 years rin before we had another baby,we were blessed with a girl as our eldest. High hopes kami. Tapos nagpa thrill pa kasi on our 2nd scan at 21 weeks breech and tinago talaga nya,then comes the 3rd scan kitang-kita na we will be having another girl. Mixed emotions ako,during the scan. When I got home,and showed hubby the utz report with the gender,he also thought na boy but then he saw na baby girl. Happy naman daw cya,and he was expecting rin na girl talaga ang lalabas. He said na as long as healthy daw si baby OK na sa kanya. I accepted it eventually that we might never have a baby boy kasi we are planning to only have 2 kids. Maybe this is God's way of telling me that my heart is only to love one man,and that is my husband.😊 Trust God and His reasons lang mamsh,He gives us what we need and not always what we want.

Magbasa pa

1st baby namin ng asawa ko gustong gusto nya baby girl same kami ng gusto. At my 24weeks nagpaultra sound ako and boy daw baby namin, ang nafeel ko hindi disappointment kundi excitement. Na kahit hindi baby girl baby namin binigyan parin kami ng healthy baby, and now i am 34weeks pregnant and super excited na kami mameet sya 😊 kahit ano pang gender yan mommy dapat maappriciate mo, madaming babaeng di magkaanak, madaming magasawang nagppray lagi para magkaanak. Kung may reason ka man wag ka parin madissapoint dahil ikaw gumawa nyan biyaya parin yan ni God 😊

Magbasa pa

ok lang yan sis ako nga gusto namin ni partner baby boy pero girl sa utz at baby girl nga sinilang ko.. lahat ng baby blessing yan from god kaya sana po tanggapin ntn ng buong puso at mahalin ntn sila. Mahalin mo pdin c baby sa loob ng tiyan mo kahit na ano pa kasarian nya. Magpasalamat pdin ke lord dahil pinagkaloob nya sayo c baby.. mahalin po ntn mga anak ntn kahit ano pa man. Ipagpray mo po lagi na safe c baby at healthy, malay mo naman po next mo na baby e baby girl. Kami nga 3 babae anak ng parents ko, ganun po tlga. God Bless u and your baby sis

Magbasa pa

Ako nga po never expected na baby boy ung baby namin kasi sa family sideq dlwa lang lalaki smin pati sa parentsq mas madmi ang babae kaya naisipq din minsan na bka baby girl din samin kc sa hubbyq more on boy namn cla..sb namin ni hubby na anu mn ang gender n baby dpt tanggapin kc bgay ng dios.lagi nga nssbi na baby girl,baby girl ahaha pero nung ngultrsound kami mas natuwa aq nung naging baby boy kc unico unijo sa family ng hubbyq at magddla ng apelydo nila..so bless un nga lang excted nadin kmi qng cnu kamukha ni babyπŸ˜‚..

Magbasa pa

dati sa unang pagbubuntis ko nag iexpect ako ng boy, tapos girl ang bnigay., di rin maiiwasan na may preferred gender tau, pero ngaung 2nd pregnancy boy na., pero pag nagkakaroon ng problema like di gumagalaw ung baby sa loob, sinasabi ko na lang kay Lord, na kahit anu na lang basta ang mahalaga na lang saakin ung ligtas at healthy ang baby sa loob.,matututo na lang tayo mag appreciate nang qng anung ibinigay saatin, kasi di naman kasalanan ng baby na di xa ung iniexpect natin na gender.

Magbasa pa

Mommy, there's a reason bakit hindi girl abg binigay ni Lord sayo. As long as healthy si baby yun naman ata ang mahalaga kaysa sa gender tama po ba? I understand you, ako din kasi hoping for a baby girl. Ftm po ako. Pinagdadasal talaga naming lahat na baby girl sana. Pero, kung maging boy man siya okay lang walang problema sakin hindi ako makkaramdam ng kubg ano man kasi basta healthy sya un ang number 1 important sakin. Tagal ko kasi to hiniling. Kaya wag ka sis ma down dahil dun. 😊

Magbasa pa
5y ago

Nabuntis din ako sis for my 2nd child. I prayed and pleaded God to give me a baby boy pero girl ulit. I am just thankful kht super high risk pregnancy ko lahat normal scan ni baby. Thankful parin to God for His guidance and mercy sa amin ni baby. Turn your disappointments into worship. God has a purpose Kung bkit baby boy yan.

happens to me,since boy yung panganay ko,sobrang tuwa q kaai boy panganay ko dahilni already have two sisters,naun 2nd pregnancy q,i was really hoping for a girl,kasi si panganay ay sobramg mini me ni mister,gsto ko sana girl naman na mini me ko naman,pero still boy padin,pero happy pdin naman kami! siguro i am a boy mom na talaga,pero kung mabibigyan pa ng chance para makahabol ng babae,sana ibigay pero ano man,masaya pdin kami,cheer up! boy tlaga ang binigay para sau

Magbasa pa

Same tayo mejo nag expect ako na boy magiging baby ko pero ang nakita sa ultrasound is girl daw 21 weeks na ko pero di pa nacoconfirm ng ob ko kasi hindi ob ko mismo ung nag ultra sound nag punta lang kami ng clinic para lang macheck ang gender nung pinakita namin result kay ob ang sabi niya is mejo malabo pa daw kaya di din siya 100% if girl pero ok lang naman kahit anong gender basta safe si baby.. Think positive nalang hehe

Magbasa pa

Ganyan din ako nung ipinagbubuntis ko si LO. Ipinagdasal kong baby girl sana ang ibigay sa akin pero nung nalaman kong baby boy, iba na ang ipinagpray ko: sana maging healthy sya habang nasa tiyan at paglabas ko sa kanya rito sa mundo. Ang mahalaga ay walang komplikasyon si baby paglabas nya. May purpose si Lord kung bakit baby boy ang ibinigay nya sa'yo. Huwag na madisappoint mommy, cheer up! God bless you! ❀️

Magbasa pa
VIP Member

Kung yung picture ng ultrasound mo ay may lawit malaki ang chance na boy po siya, if may hiwa naman may chance na girl. pero base sa mga nababasa ko dito sa app kapag daw sa first ultrasound mo ay boy nakita mababa nadaw chance na magkamali pa yon, kung girl naman 50/50 pwedeng magkamali. Ako by 18week nagpakita na agad si bby ng gender and it's a boy ❣️ and I am so blessed & thankful. Just sharing.☺️

Magbasa pa