Usapang pera
Hirap pala pag umaasa ka sa pera ng boyfriend mo. Sasabihan ka ng makapal mukha pera wala kang magagawa kundi tanggapin. E kung hindi niya lang ako binuntis makakagraduate na sana ako. Parang gusto niya mangyare puro sa bata lang ang sagot niya. E wala naman akong luho na pinapabili. Puro mga pangangailangan ko lang sa sarili tulad ng tawas, pulbo, pagkain na mumurahin sa tindahan. Makapal pa ako.
First, there's no room for the blame game that he got you pregnant and you wouldn't have to depend on him if you weren't pregnant. Sabay niyo ginawa. So dapat walang sisihan. And alam niyo dapat yan once magsex kayo na pwedeng may mabuo. Second, if you feel that your relationship is not serving you positively, and ang responsibility for him is only the baby, now palang maging maabilidad ka, find a way to earn money. Lakasan mo loob mo para sa anak ko. Kasi think about it, he is clearly not willing to be responsible for you while you are pregnant. Third, if you have family or friends who can extend a bit of help, sila ang hingan mo ng support. Mas okay nga if you stay with your family though di ko kasi alam ung situation mo. Be strong. Magkaka baby ka na. Your decisions will affect the future of your baby. And tandaan mo ikaw ang nanay. Pagkapanganak mo, mag-aral ka ulit. But I honestly don't think dapat ituloy mo pa relasyon niyo based sa kwento mo and I think you should go back to your family given na pwede.
Magbasa paHabang buntis ka palang po umpisahan mo na pong dumiskarte yung hindi kana sinusumbatan ng BF. noon, nung nabuntis ako at walang work bf ko at pahirapan angag apply dahil walang pang requirements gumawa ako ng paraan ginamit ko yung pagiging madiskarte ko hangganh sa nakaipon ako ng 10k mahigit. Nung kumikita na ako sa online nakakabili ako ng pang gatas ko at pampa check up ko sa OB and pambili na rin ng araw araw na needs mo. Kaya ngayon palang gumawa kana ng way para magkapera at ng hindi kana sumabatan ng BF mo. Mas mahirap na ang situation niyo kapag nanganak kana kasi habang lumàlaki ang bata lumalaki rin ang gastos niyo Kaya try mo humanap ngw way para magkapera. Kung gusto mo sali kita sa Company namin. Homebased job po yun wlang babayaran basta may requirements kalang . If interested ka. Just pm me. Yung name ko dito name ko rin sa Facebook :) Goodbless
Magbasa paSis ganito po so alam mo pong ganyan yung bf mo ikaw yung gumawa nang paraan para mai pangtustus sa mga pangangailangan mo and wag mo syang sisihin na dahil binuntis ka nya kaya di ka naka graduate, di ka naman po mabubuntis kung di ka po pumayag na mag sex kayu e wag nalang magsisihan instead gumawa ka nalang nang way dapat ma diskarte ka knowing na ganyan yung bf mo. Swerte mo nga mai parents ka pang pweding tumulong sayu sakin wala kasi ulila na ako peru pinagsusumikapan ko na kumita at dumiskarte hindi lang para sa akin kundi sa magiging baby ko. And sa awa't tulong nang Dios without my bf's help nabili ko mga gamit nya nasa sayu lang talaga yan kaya fighting lang sis para sayu at para sa anak mo may awa ang Dios at dapat mag sumikap karin mag isip nang pwedi mong kakaabalahan para mai pantustus ka sa pangangailangan mo
Magbasa paHere's the thing po, wag mo lang isisi sa boyfriend mo na "kung di ka nya binuntis, makakagrad ka" ikaw mismo sa sarili mo alam mo yung possibilities ng ginagawa nyo. Kahit sabihin mo na dapat di sa loob pinutok. Still ginawa nyo yun at willing ka. Nakakasama ng loob yung mga sinasabi nya, oo given yun. Pero sana naisip mo din na "kung ito bang lalaking ito mabuntis ako, ano ba itatrato nito sakin? Magiging maayos na ama ba ito?" Di ka rin naman siguro papasok sa isang relasyon kung di sa pagpapamilya ang intensyon, di ba? Siguro sa ngayon, hayaan mo muna sya. Pero magisip ka, pagkapanganak mo ano ba ang dapat mong gawin, ang patuloy na umasa sa kanya o maghanapbuhay din para sa sarili at sa anak mo.
Magbasa paHay nako beb same tayo. Kung di ako binuntis edi sana wala sya kargo ngayon, parang kasalanan ko pa nyahaha. Pero sa awa ng dyos si baby yung naging motivation ko para matapos thesis ko at makagraduate kaso ang saken naman wala naman sya nasasabi na mga ganon, eh sa mas pinili niya na ibigay nalang lahat ng pangangailangan at kakailanganin ni baby, sinusustentuhan nya ginagampanan nya pagiging ama niya sa baby namen kase wala ng kami pero still patuloy paren pagbibigay nya kahit di namen hingiin. Hindi nya pinili yung mabuo kame at maging okay eh mas pinili nya magbigay bigay sya bahala sya dyan wag lang ako makarinig ng kung ano ano sa kanya. Basta para kay baby beb go lang,
Magbasa paMamshie.. Wag nyo po sya sisihin bakit ka niya binuntis e di sana nakagraduate ka.. Anjan na po iyan.. Nasa huli po tlga ang pagsisisi.. Toxic yang napasok mo po.. Sa ngayon tiis lng muna khit mrami ka marinig na masasakit na salita coming from him. Pag sa tngn mo kaya mo na maghnap ka ng work pra di kna mgng dependent saknya, madali sabhin pero nasa saiyo na kung paano mo iyon gagawin or for life kn lng mgtitiis sa gnyan. Pray ka lang in time malay mo kung magaling ka dumiskarte baka bumaliktad ang mundo. 😊 Godbless mamsh! 😊😇
Magbasa paIt's sad na nagiging superior ang may pera sa isang relasyon. Pero, kung magiging balance naman kayo in terms of what you can give sa isa't isa, then there's nothing wrong kung inaasahan mo ung boyfriend mo. Pero, sa buhay natin ngayon, nagiging factor ang pera sa relasyon. Kasi halos lahat ng necessities natin nabibili ng pera. Masakit makarinig ng salita from a partner kaya sa situation mo, wala kang magiging choice kundi tiisin yan for the sake of receiving for your kids. Or, it's time for you to make a move.
Magbasa paGanyan din po dati yung bf ko non nung buntis ako, palaging mura nakukuha ko porke alam nyang wala akong makakapitan ng tulong financial kundi sakanya, nakaka stress yan lalo na buntis kapa. Ako ginawa ko non, tinanggap ko lahat. Sabi ko sa sarili ko pag nakapanganak nako at nakapagtrabaho nako iiwan kita. Ngayon, 7 months na baby ko and nakipaghiwalay ako sa father ng anak ko ayaw nya, nagsisisi na daw sya. Kaso tinatarantado lang ako puro sya barkada at alak kaya ayon tuluyan ko ng iniwan.
Magbasa paAlam mo sis ako kahit asawa kona hindi ako umaasa sa pera niya gumagawa ako ng paraan para may income ako n my own ang sarap kasi sa pakiramdam ng ganon pero pagdating sa mga bata and sa lahat pinoprovide naman niya hindi siya ngkukulan lalong wala akong naririnig saknya ng kahit ano, try modin sis hmanap ng ibang paraan ng income mo baka sakali lang at lalo na soon to be mom kana be madiskarteng nanay. Mahirap umasa sa taong palasumbat.
Magbasa paAko sa case ko po never ako nagdepend sa partner ko when it comes to financial cguro dahil independent talaga akong tao.. Kaya kahit buntis ako nun, nagwowork pa rin ako, nag leave lang ako ng 1 month lang (CS pa yan) nung nanganak na ako.. Iniiwasan ko lang mabilangan ako although di naman xa ganun (ako lang hahaha).. Mamshie advise ko lang, pwede ka po mag online selling while preggy para at least kahit papano is kumikita ka rin..
Magbasa pa
Mom of Super kulit Aleira Mae Dacer