Usapang pera

Hirap pala pag umaasa ka sa pera ng boyfriend mo. Sasabihan ka ng makapal mukha pera wala kang magagawa kundi tanggapin. E kung hindi niya lang ako binuntis makakagraduate na sana ako. Parang gusto niya mangyare puro sa bata lang ang sagot niya. E wala naman akong luho na pinapabili. Puro mga pangangailangan ko lang sa sarili tulad ng tawas, pulbo, pagkain na mumurahin sa tindahan. Makapal pa ako.

48 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Ganyan din po dati yung bf ko non nung buntis ako, palaging mura nakukuha ko porke alam nyang wala akong makakapitan ng tulong financial kundi sakanya, nakaka stress yan lalo na buntis kapa. Ako ginawa ko non, tinanggap ko lahat. Sabi ko sa sarili ko pag nakapanganak nako at nakapagtrabaho nako iiwan kita. Ngayon, 7 months na baby ko and nakipaghiwalay ako sa father ng anak ko ayaw nya, nagsisisi na daw sya. Kaso tinatarantado lang ako puro sya barkada at alak kaya ayon tuluyan ko ng iniwan.

Magbasa pa