Usapang pera

Hirap pala pag umaasa ka sa pera ng boyfriend mo. Sasabihan ka ng makapal mukha pera wala kang magagawa kundi tanggapin. E kung hindi niya lang ako binuntis makakagraduate na sana ako. Parang gusto niya mangyare puro sa bata lang ang sagot niya. E wala naman akong luho na pinapabili. Puro mga pangangailangan ko lang sa sarili tulad ng tawas, pulbo, pagkain na mumurahin sa tindahan. Makapal pa ako.

48 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Hay nako beb same tayo. Kung di ako binuntis edi sana wala sya kargo ngayon, parang kasalanan ko pa nyahaha. Pero sa awa ng dyos si baby yung naging motivation ko para matapos thesis ko at makagraduate kaso ang saken naman wala naman sya nasasabi na mga ganon, eh sa mas pinili niya na ibigay nalang lahat ng pangangailangan at kakailanganin ni baby, sinusustentuhan nya ginagampanan nya pagiging ama niya sa baby namen kase wala ng kami pero still patuloy paren pagbibigay nya kahit di namen hingiin. Hindi nya pinili yung mabuo kame at maging okay eh mas pinili nya magbigay bigay sya bahala sya dyan wag lang ako makarinig ng kung ano ano sa kanya. Basta para kay baby beb go lang,

Magbasa pa