Hi po! Gusto ko lang po sana magtanong kung ano po ba dapat namin gawin mag-asawa sa panganay namin... 9 years old na po sya at grade 3 student sa public school malapit na po matapos yung school year pero hanggang ngayon po kasi ganon pa rin gawi nya Lagi po syang tamad pumasok sa school sa tuwing pipilitin po namin sya pumasok eh tatawag sa amin yung teacher nya to pick him kasi may sakit daw o kung anong naramdaman sa school kung anu-ano yung nagiging masakit sa body nya... napapagalitan na namin sya dahil sa ganito nyang ginagawa gusto lang naman namin na mag-aral sya for his future.

4 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Kausapin nyo sya mommy for sure may malalim na reasons sya for doing that. Di naman ba sya addict sa kung anong gadgets? Or di kaya may kinatatakutan sa school (wag naman sana na-bully or similar)? Magsasabi yan. usap lang ng maayos, kayong 3 ng kid mo plus asawa mo. If may bff sya sa school pwede nyo rin kausapin na di nyo na pinapaalam sa anak nyo. baka makatulong sya or may alam sya. Wag laging pagalit mommy kasi lalo magrerebelde yan. pakita nyo na sincere kayong malaman yung pinagdadaanan nya and handa kayo umalalay.

Magbasa pa
Related Articles