Kayo na po bahala

Ganto din po ba kayo mang trato ng mga First Time Mom?? Nag tanong po ako ng maayos dahil sa pigsa ng anak ko sa ulo. Dito po ako nag tanong dahil hindi po pwede ilabas ang mga baby dahil po naka quarantine po tayo. Hindi naman po ako mag aask dito kung pwede po ako pumunta sa Pedia eh. Pero sana naman po. Wag ako murahin paki sabi na lang po sakin ng maayos? Hindi naman kasi ako perfect na magulang eh. Ginagawa ko lang yung best ko para sa anak ko

Kayo na po bahala
101 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Kasi po ate kahit first time mom na tulad ko, alam ang gagawin pag ganyan na itsura ng ulo ng anak ko. Hindi ko papabayaan maging ganyan ulo nya. Kahit po may ECQ, makakalabas po kayo dahil emergency yan at bata pa yung papatingnan nyo. Madami po nagagalit dito kasi mukhang hindi nyo ginagawa yung “best” nyo bilang ina sa kalagayan ng anak nyo. Pare parehas po tayo nanay dito kaya talagang makakapagcomment sila. Sana po maging okay lang ang baby nyo at walang maging epekto ang pigsa nya in the future.

Magbasa pa
5y ago

Panu nyo nasasabi na hindi ginagawa ng nanay na to yung best nya? Nakita nyo na ba mag hirap tong Mommy na to?. Single mom to. Nag aaral pa tong bata na to . Isa sya sa rape victime na dalaga samin. Hindi nyo alam kung anung paghihirap ang ginawa nya para lang mabuhay mag isa anak nya. Tapos sasabihin nyo hindi nya ginagawa yung best nya? Hindi nyo pa nakita mag lakad ng napaka layo tong bata na to para lang bilhin yung mga kailangan ng anak nya. Totoo na hindi nag papalabas dito sa lugar namin. May PUI ung hospital na dadalhan nya. Please wag nyo i judge yung magulang ng bata o pag isipan ng masama kasi di nyo alam lahat ng sakripisyo na ginagawa nya para sa anak nya.

Hi! Im not being harsh on u ha... kaso un mga ganyan I think mas maganda makakasagot ng tama at talagang direct na makakapag bigay sau ng gamot is ung doctor. I know mhirap ngayn dhl lockdown plus wlang transpo pero baby mo yan e dba as a mother u will do everything. Try mo lng punta E.R ndi dpt pinapatagl yang mga ganyn lalo na pag bata.. ksi kht kmi wla din kmi mabbgay sau na tamang sagot since kmi ay mga mommies din at ndi mga doctor... Dlhin mna baby mo ASAP!

Magbasa pa

NAG DADAHILAN KA KASI.. LOCKDOWN??? Pag emergency cases nakakalabas specially baby ung patient... Pabaya ka kasi kaya ka na bbashed.. Emergency na mag tatanong ka pa dito.. Isang pigsa emergency na un, pero ung pinadami mo pa?! Rmember bata yan, di yan nakaka pag sabi kung masakit or hindi.. Masyado kayo umaasa sa app nato lalu na kung alam naman urgent ng dalin sa ER... KAKALOKA KA! Kung dka pabaya di mangyayari na dumami yan nasa ulo ng anak mo..

Magbasa pa
Post reply image
5y ago

Tingnan mo nga yung isang pigsa nakakadiri na yan pa kayang dumami tapos nag lalangib na? Meaning pinabayaan mo! Nag sariling gamutan ka ! Baka sinabi sayo na lagyan mo ng dahon ng bayabas yan? Saan bundok ka ba nakatira?

Gets po kita ate..pero dapat po kac di mo na hinayaan na maging ganun ka lala sugat ng baby mo..dapat po may mapansin ka lng himbawa kaunting sugat tanong kna po agad para di na lumala..dun nman po sa nagmura sau wla nman cya karapatan para murahin ka..dahil di mo nman ksalanan qng nka quarantine tau..bka po perfect mom cya..baka nman po mkalabas kau kc emergency man yan pa consult mo nlng din po para sure...😊😊sana po gumaling na si baby mo..

Magbasa pa
5y ago

Content editing lang naman kasi ginagawa nya kapwa ko anonymous. Normally neutral talaga sila.

wow nagpost ka pa talaga? Kukuha ka ng simpatya? Yung itsura ng ulo ng anak mo di pa emergency sayo? Infected na yung ulo ng anak mo ng nana chill ka lang? Tipong pag hohot compress di mo alam? Hindi ibig sabihin na first time mom ka tanga ka! Tsaka yung itsurang yun ng ulo ng anak mo nakakaalarma, bakit di mo pinost yung buong post mo na pati paghot compress di mo alam? So hindi mo hinohot compress bakuna ng anak mo? Kagigil ka.

Magbasa pa
5y ago

Eto na naman si TAO, laging to the rescue sa mga ganitong tao. Gusto ko ng mag uninstall. Kaya ang daming lumalaki ang ulo eh.

Kukuha ka pa sympathy? Eh ate clearly naman napabayaan ung anak mo. Baka nga nagsimula pigsa nyan even before the ECQ. Di mo agad pinatingnan hanggang sa dumami at lumala ng ganyan. Dumaan din kami sa pagiging first time mom since un ung excuse mo pero the moment na may kakaiba sa anak namin e pacheck up agad. Bakit hihintayin pang lumala. Di mo masisisi ang karamihan na medyo harsh

Magbasa pa

Mommy, hindi hot compress ang gamot sa ganyan. Looking at the picture below parang ang lala na ng ulo nung bata 🙁 bakit po nung nagsisimula pa pang hindi agad nagamot? Mukhang maraming kailangang gamot si baby dahil kumalat na sa ulo yung sugat. Emergency na yan momsh. Siguro naman po hindi kailangan na FIRST TIME MOM ka para makita mo po yung obvious na pagkalat ng mga sugat ni baby mo 🙁

Magbasa pa

Ewan ko lang ha pero ako marinig ko lang na sumisinghot singhot ung anak ko tapos medyo basa ung ilong dinadala ko kaagad sa pedia nya. FTM din ako kaya I don't self medicate. Siguro sa sarili ko pwede kong gawin un pero sa anak ko, never. Ngayon since sabi mo e lockdown, wala bang number sayo ung pedia nya? At least find a way to get help from professionals hindi ung dito ka magpopost.

Magbasa pa
VIP Member

Dalaga pa lang ako alam ko na pano maghot compress. Parang general knowledge naman yun mommy ah. Siguro point lang nung commenter, common sense lang siguro. Lahat tayo dito dumaan sa pgiging first time mommy pero kung alam mong emergency na yung case ng baby mo, magpopost ka pa ba at magtatanong sa mga ganitong app? Oo may lockdown pero mas takot ka ba sa virus o sa kalagayan ng anak mo?

Magbasa pa
5y ago

Walang maitutulong sayo kasi hindi kami doctor dito. Baka magkamali kami ng sabihin since iba iba ang sitwasyom.

Sorry ah pero pinabayaan mo kase yung anak mo e. Una pa lang dapat pinagamot mo na yan. Wag mo idahilan ang lockdown kase sinabi naman na pag emergency pwedeng padaanin. Kahit maghapon mo yan ihot compress hindi yan magagamot. Ftm ka pala kaya mas dapat ang first thinking mo pagdating sa anak mo sa professional agad magconsult hindi puro self medicate lang.

Magbasa pa