Message para sa mga Lola (biyenan) na mahilig kumarga sa baby

Meron po ba ditong mga Young Lola or hindi pa senior citizen pero lolo't lola na? Or kahit matanda na talaga or hindi basta may apo na? Lalo na kung biyenan. Gusto ko lang po maglabas ng saloobin sana maintindhan niyo at ng makakabasa nito. Naiintindihan ko naman po na nawiwili kayo sa baby ko na apo niyo at gusto niyo makabonding. Pero wag niyo naman po sanang kunin KAHIT NATUTULOG YUNG BABY. alam ko naman po na nanay din kayo at alam niyong mahirap magpatulog ng bata kaya hayaan niyo po sanang magpahinga ung baby kasi ayun din ung pahinga naming nanay niya. Magdamag pinadede at inintay matulog tapos kukunin niyo? Tapos ibabalik niyo kapag nagising na or umiyak na kasi di niyo naman mapapadede kasi sakin dumedede yan. Oh sino ngayon nahihirapan edi kaming nanay. Di ko naman po kayo mareklamuhan kasi pinagbibigyan ko kayong makasama yung apo niyo. Ok lang naman po kung gising kargahin niyo o kunin niyo dun kayo sa kwarto niyo, pero kung tulog na, sana hayaan niyo na po kasi time to time nag-uungot yan hirap patahanin. Baka mamaya iniisip niyong kunin kasi feel niyo di ko binabantayan ng maayos? Kahit naman po minsan makita niyong basa yung pajama kasi naihian di naman ibig sabihin pinapabayaan namin yung baby, ndi naman siguro kami walang kwentang ina kung may hindi kami agad nalinis na dumi sa anak namin. Pwede bang may iba kaming ginawa kahit papano kaya di agad nakita? Di naman po ako pabayang ina minsan pala-puna lang yung tao sa paligid. Kaya sana wag kayo mag alala. Sana wag po kayo pala kuha sa baby, infact minsan kayo may kasalanan bakit nasanay sa karga at naispoil ung anak namin eh, tapos sino mahihirapan, edi kaming magulang. Sana po maintindihan niyo. Haay

1 Reply
undefined profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

you can tell them directly in a polite manner mamsh