Advise please

Dito ko po naisip ilabas sama ng nararamdaman ko. Baka sakali po, andito yung makakaintindi sakin. Usapang mag asawa po. Almost 7yrs na po kami ng asawa ko po. And may baby na po kami, 9months old po. Masaya naman po kami kasama anak namin. Walang bisyo asawa ko, computer games lang po pero since nagka anak po kami, hininto nya na po. Focuse na lang po sya samin. Kasu may ugali po sya na ngayon ko lang nakita, which is lage po sya nakadepende sa mama nya. Ewan ko po kung masasabi kong mamas boy sya pero naiinis lang ako dahil mas kinakampihan nya mama nya lalu na kapag about sa pag aalaga ko sa anak namin. In short lageng tama mama nya at ako mali. At naiinis lang din ako evwrytime wala syang pasuk mas gusto nya lage sa bahay ng mama nya. Mas tinutulungan nya kaysa sakin dito sa bahay. Mali ba ako na magalit sakanya? Pakiramdam ko kase porke wla akong trabaho at nag aalaga sa anak namin is wala na akong karapatan pagsabihan sya. Breastfeeding ako at ako lang mag isa nag aasikaso dito sa bahay at sa aming anak. Paulit ulit na lang kase namin pinag aawayan mama nya knowing na nakabukod naman kami.nakakapagod na din kase minsan.

9 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Dapat ikaw muna. Kasal kayo so ikaw na priority nya. Di mama nya. Siguro pag may extra time lang pwede sya dumalaw doon. Pero sana di naman tipong daming gahawim sa bahay tapos sya nasa mama nya. Isa lang ba syang anak? Tsaka sabi pala sa marriage counselling dapat pag nag asawa na, asawa na. Kahit nga may pagtatalo kayo ng mama nya, dapat ikaw kakampihan nya. As per the advise para sa mga anak nyo, kakausapin nya nanay nya pero for consultation lang siguro or advise tapos sa inyo pa rin talaga ung desisyon na mag asawa.

Magbasa pa

Araw araw ko po ini explain po talaga yan. Kasu paulit ulit lang, parang wala akong kausap at sa hangin lang ako nakikipag usap. Dati sabi ko saknya bago kamk bumukod, gusto ko malapit lang sa pamilya nya para nga di sila mag isip na ilalayo namin anak namin, pero ngayon gustong gusto ko na sa malayo na lng, ang hirap kase makihati ng oras. Yung di nya sinasabi pero pinaparamdam nya sakin na mas mahalaga nanay nya over me. Di ko namn gusto lumayo sya sa nanay nya kasu diba may pamilya na din sya. At kami yun.

Magbasa pa
VIP Member

Normal ang nararamdaman mu momsh at nakaka-stress naman talaga. In cases like this pinakamabuti ay ang pag usapan nyo ni hubby. Humanap ka ng tamang timing, syempre magsimula ka sa pag appreciate sa kanya pati na din sa mama nya, tapos saka mu sabihin yung mga hinaing mu.... At na sana magawan nyo ng paraan para maging maayos ang pagsasama nyo, ang pamilya nyo na dapat ay priority nyo nang dalawa ngayon. Sabayan mu na din ng prayers...

Magbasa pa

Same tayo sis ang pinag kaiba lang hnd pa kme nakabukod nang asawa ko. Pero gusto ko na talaga bumukod kme,nag iisa anak lang kasi asaawa ko at mama na lang nya nabubuhay kaya pumayag nadn ako na magkakasama kme sa bahay nila. Kaso ngayon hnd ko na kaya nakita ko na tunay na ugali nila mag ina, mas kampi asawa ko sa mama nya. Haayss hirap

Magbasa pa
VIP Member

Parang ganyan din sinasabi ng mama ko sa papa ko dati. Araw araw pinupuntahan ni Papa lola ko, minsan sinasama niya kami. Feeling ko may mga ganun talagang tao. Patay na lola ko now.

TapFluencer

try to talk to him baka di lang nya namamalayan na it bothers u pero from what im reading i feel hes still a good man un lang he needs to balance things out lang :)

VIP Member

Kayo po ang masusunod pagdating po sa anak nyo po, hindi po ang kahit sino sa in laws nyo, wag na lang ikaw magpakastress momsh, basta walang masama sa gngwa mo go lang,

6y ago

Ok lang po un, fight lang, 😊

i just want to ask if okay naman ba kayo ng mother in law mo ?

6y ago

Okay po kami ng ilaws ko po lalu na yung wala pa po kaming anak ng asawa ko. Pero ngayon po na may anak na kami biglang nagbago po. Yung tipong lahat ng ginagawa ko para sa anak ko is salungat sya.

yung asawa mo kasing ugali ng asawa ko. kaka kunsume