Advise please

Dito ko po naisip ilabas sama ng nararamdaman ko. Baka sakali po, andito yung makakaintindi sakin. Usapang mag asawa po. Almost 7yrs na po kami ng asawa ko po. And may baby na po kami, 9months old po. Masaya naman po kami kasama anak namin. Walang bisyo asawa ko, computer games lang po pero since nagka anak po kami, hininto nya na po. Focuse na lang po sya samin. Kasu may ugali po sya na ngayon ko lang nakita, which is lage po sya nakadepende sa mama nya. Ewan ko po kung masasabi kong mamas boy sya pero naiinis lang ako dahil mas kinakampihan nya mama nya lalu na kapag about sa pag aalaga ko sa anak namin. In short lageng tama mama nya at ako mali. At naiinis lang din ako evwrytime wala syang pasuk mas gusto nya lage sa bahay ng mama nya. Mas tinutulungan nya kaysa sakin dito sa bahay. Mali ba ako na magalit sakanya? Pakiramdam ko kase porke wla akong trabaho at nag aalaga sa anak namin is wala na akong karapatan pagsabihan sya. Breastfeeding ako at ako lang mag isa nag aasikaso dito sa bahay at sa aming anak. Paulit ulit na lang kase namin pinag aawayan mama nya knowing na nakabukod naman kami.nakakapagod na din kase minsan.

9 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Dapat ikaw muna. Kasal kayo so ikaw na priority nya. Di mama nya. Siguro pag may extra time lang pwede sya dumalaw doon. Pero sana di naman tipong daming gahawim sa bahay tapos sya nasa mama nya. Isa lang ba syang anak? Tsaka sabi pala sa marriage counselling dapat pag nag asawa na, asawa na. Kahit nga may pagtatalo kayo ng mama nya, dapat ikaw kakampihan nya. As per the advise para sa mga anak nyo, kakausapin nya nanay nya pero for consultation lang siguro or advise tapos sa inyo pa rin talaga ung desisyon na mag asawa.

Magbasa pa