Privacy PolicyCommunity GuidelinesSitemap HTML
Download our free app
Nurturer of 1 energetic son
random
Totoo po bang cheaters will always be cheaters?
breast to bottle
Hello fellow momsh. Pahelp sana advice. Exclusive Breastfed kasi si LO since day one. Tapos 6mos nagstart mag puree til mag solid food. Now nahihirapan na ako pakainin sya ng food tapos ayaw nya pa ng formula. Iinom lang sya ng formula pag sa lakaran kami. E 13 months old na sya tapos 7.3kg pa rin timbang nya. Sobrang worried na ako kasi malnourish nga. I tried naman na tricks to make him eat and drink formula. Please please sana makahingi ako advice. Thanks a lot. ?
hand foot and mouth disease
Dapat po ba akong matakot dito? Tho I've done my research and di rin naman sya grabe like measles(as far as I've understand). Gusto ko lang magtanong if you, fellow momsh have experienced this with your little ones. My 11-month old has it now and naiiyak ako. Tho medyo madami dami ng cases nito dito samin sa ngayon. Nagbreakout din daw ito last year as per our pedia. Gusto ko lang sin malaman if nilalabas nyo din si baby fpr groceries or somewhere while having this condition. I just wanna know your experience, journey through it. Alam ko ding walang cure ito. Thank you for sharing in advance.
pagluluto
Ako lang ba may asawang sobra magpatronize sa luto ng nanay nya? Siguro naman hindi. Haha. Share ko lang po. Likha siguro ngang masarap magluto ung byenan ko. Kaya madalas pag magluluto dito sa bahay, di masyadong kumakain asawa ko unless siguro gutom na sya. Pero may nasasabi pa din sya. Usually, pag may handaan lang naman. Like bdays tapos ung usual na handa, mas masarap daw mama nya pag gawa. E one time napikon ako kasi parehong nagluto ng halayang ube dito sa bahay tsaka mama nya. Nilabas ko palang ung halaya tapos nagsabi na sya na masarap daw halaya ng mama nya. So sabi ko. Sige pag bumukod na tayo, dun nalang tayo magpapaluto palagi ng ulam. Sabi ba naman na, bakit papaluto pa, e kung pwedeng dun nalang kumain. Kinuha ko ung halaya tas sabi na di nga sya kakain ng halaya. Nagalit din sya. Although pag may mga time na ako ang nagluluto, di naman sya nagrereklamo kahit pa alam kong di ako marunong talaga magluto. Kini criticize nya lang ung luto ng kung sino man dito sa bahay. Pero pag ako nagluto, lagi nyang pinupuri even before ung argument namin na un. Kahit ba naman saved by the google or youtube lang lagi ang recipe ko. Anyways, share ko lang nga ito. ?
pamahiin
I just realized may mga bagay na usual ginagawa o pinapasuot sa baby para di daw mabati or what. Lalo na pag sa probinsya, sandamakmak na pamahiin isusubo sau. Minsan nga naiisip ko kung ung mga anak ba ng artista e nagsusuot din ng panangga. Un bang pula na ipipintal sa damit ng baby tapos ung bracelet na itim na may pulang beeds din para iwas daw sa usog. E sobrang makakalimutin ako. Minsan aalis kami ng bahay ni baby di ko dala ung panangga, so faw kahit na mas madalas kong makalimutan un, di pa naman nababati baby ko. Kasi kung may mga kunting problema, albularyo. Pupunta lang kami sa doctor pag monthly check up or pag may ubo sipon.
worried. need help
Excited masyado family ko magpakain sa baby ko. Kaya 6 days before sya mag 6 mos, pinakain na sya ng cerelac ng tita ko. Tapos ung papa ko naman pinakain na nya ng kanin. Nung pinakaunang beses, dinudurog nya pa ung kanin. Pero nung pangalawa hanggang ngayon na 6mos and 7 days sya, di na dinudurog. Excited din naman ako magpakain. Bumili pa nga ako ng isang set ng baby bullet na food processor. Gustong gusto ko na pa naman ng gumawa ng veggie and fruit puree. Plinano ko pa ung first week na puree na gagawin ko. Kaso kung ano kinakain namin, kanin at ulam, un din pinapakain sa kanya(tuwing dinner lang naman).Si papa lang naman nagpapakain kasi minsan lang naman sya dito. Seaman kasi sya so bakasyon kaya sulit sulit nya si baby. Pero nagwoworry na ako. Like kagabi, adobong manok ulam namin e may mga butong nahiwalay hiwalay na. Sabaw lang naman pero baka kasi may maliit na buto na masama. Tapos ngayon, alimasag(ung alimasag na isang buwan na sa freezer na bago lang niluto). Pero again sabaw lang na hinalo sa kanin. Kaso nakakaworry baka sumakit ung tyan nya kasi nga matagal na ung alimasag. Bago kami kakain, tinatanong ko si mama at si papa if okay lang ung ganun kay baby, di nila ako sinasagot. Alam kong disappointed sila dahil nabuntis ako ng maaga pero nung lumabas si baby, parang sila na parents. Okay lang naman kasi first apo. Pero iniisip ko kung iniisip din nila kung makakabuti sa anak ko ung pinapakain. Nagagalit pa si papa na bumili ako ng kalabasa. Sabi nya magkalabasa lang daq if ihahalo sa lulutuing ulam pero kung maglalaga lang tapos blend na wala namang lasa, wag na. Hayyyy. Dont know what to do. Naiiyak na ako. Mukhang enjoy na enjoy naman anak ko sa pagkain kaya natutuwa sila kaya pakain lang ng pakain kasi maya maya nganganga ulit si baby ung parang nagpapasubo ulit. ????
share lang po.
Today, I am grateful for I was given ample time in the bath. Yay! It's been a while since I had a 30-minute long bath time(at least after giving birth) I usually take up to 45mins(my longest ever) taking a bath. I got to do all my bath rituals and got soaked into that nice and warm water. Cause after becoming a mom, I learned that you can never really get so much time away from your baby. Even when your pooping,you always have that scary thoughts that he may be crawling across the bed upto the edge of it. I have tried dozen times to put him in his crib and he just cried his heart out. So the only way to have so much me time is to really have someone to look after your baby (but certainly, not a yaya.)
dalaw sa burol
Pwede ko na kaya dalhin si 5 month old baby ko sa burol? Nagdadalawang isip kasi ako if pwede sya o hindi. Isa pa, medyo nakakaguilty naman na dalhin ko sya dahil miscarriage ung dahilan ng pagkamatay nung dadalawin namin. Di ko maiwan e. Pure BF kasi.
Contest
Sino po sumali sa contest? Ung absolute, dove and ung iba pa. Sabi kasi ipopost sa FB or IG ung mga nanalo. Di ko pa kasi nakikita tho nagcheck na rin naman ako sa date na sabing i-announce ang winner. Thank you. ?
Tuwad. Pamahiin o ano?
Ask ko lang if totoo kaya na kapag madalas tumuwad si babu, e humihingi o gusto na nito ng kapatid? Si baby ko kasi laging tumutuwad. Di ko alam if nagreready na syang umupo o talagang sa pamahiin.