Daenerys profile icon
PlatinumPlatinum

Daenerys, Philippines

VIP Member

About Daenerys

Mother of a Little Milk Dragon

My Orders
Posts(73)
Replies(6118)
Articles(0)

Baby's Own Space

Share ko lang mga mommies experience ko with my LO. Bago ako manganak pinag-isipan ko talaga magiging sleeping arrangement namin pag may baby na. Sabi ng friend ko na may baby na, kadalasan daw nag eend up na mattress na lang sa floor tapos cosleeping dahil ayaw ng baby sa crib. Inisip ko ayaw ko ng ganung arrangement dahil magulo sa kwarto. At the same time ayaw ko naman na hiwalay si baby magsleep sa amin. So the best compromise was to get a crib na ilalagay sa tabi ng bed namin. So yun nga binili namin, yung natatransform na to toddler bed para sulit. Tapos dumating na si baby, sa crib namin pinatulog. After 1 night para kaming zombie ni hubby kakatayo para patahanin si baby, ifeed at palitan ng diaper. 2nd night, nagdecide kami itabi na si baby sa amin sa kama para di kami mapagod kakatayo. At nakakuha nga kami ng mas madaming rest. At daytime sa crib pa rin si baby. After several weeks, even at daytime ayaw na ni baby sa crib. Tapos even if asa bed na, gusto asa ibabaw ko, ayaw niya magpalapag. I got so little sleep dahil dun kasi minsan nakaupo na ako magsleep. Sabi ko hindi pwede ito. So pinatulog ko uli siya sa crib niya. Ginamit ko yung pick up/put down method. Medyo matrabaho pero ngayun naiiwan ko na uli siya sa crib niya at daytime. Sa night lagi pa siya nagigising pero sa crib na rin siya natutulog. Ang goal ko next is magsleep siya through the night. Kailangan lang talaga ng tiyaga at determination. Parang breastfeeding lang. PS: Si LO ko un asa pic. She's 7 weeks now. Umikot na siya pahalang malikot kasi matulog hehe. We don't put pillows and crib bumper kasi suffocation hazard. Kumot pag daytime lang pag may nakabantay. At night sleepsack gamit niya as much as possible.

Read more
Baby's Own Space
undefined profile icon
Write a reply
VIP Member
undefined profile icon
Write a reply