Nalulungkot ako

Yung partner ko nag open sya sakin kanina na parang nalulungkot sya kasi feeling nya wala syang bilang or silbi dito sa bahay. Yun talaga ung ginamit nyang word, kasi ngayon wala syang work, mag 2months na. Walang tumatawag ni-isa sa mga inapllyan nya, iniisip nya na ganun din ang iniisip ko sakanya at ni mama, pag nag sasalita daw din kasi sya dito, parang dedma lang kame, iniisip nya na parang wala syang karapatan sa anak namen na 3months old, kasi pag nag rerequest sya na dalhin namen sya sa bahay nila, tumatanggi ako at di rin napayag ang mama ko dahil nga sa covid, iniisip ko lang ang health ng LO kaya ganun. Anyways dito kame naka tira sa side ko, sabi din kasi nya parang pag andito sya sa bahay nakakulong sya. Advice naman kayo mga mumsh, ako bilang nanay, asawa at anak. Di ko alam kung san ako lulugar. #advicepls #pleasehelp #1stimemom

3 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Let him know mommy na hindi ganun ang tingin mo sa kanya. Inaalagaan nya ba si baby? Tumutulong sa bahay? Nag-aaply pa rin ng trabaho? If so, hindi totoo na wala syang kwenta. Nagkataon lang na medyo mahirap talaga makahanap ng trabaho sa ngayon. Pag-usapan nyo rin maigi yung tungkol kay baby. 3 months pa lang sya, delikado talaga ilabas labas especially now. Siguro mommy kung wala pa talagang mahanap na trabaho, isip muna kayong dalawa ng way para mapaikot ang pera. Kahit benta benta lang ng merienda, uso naman yan ngayon tapos idedeliver sa mga kapitbahay. Mga ganun, anything para productive din sya and mafeel din nya na kumikita sya para sa inyo.

Magbasa pa

May pinagdadaanan ang partner mo and kelangan nya kayo ng baby mo. Buti nga kahit walang work willing mag alaga ng baby yung partner mo, yung iba dyan mag bibisyo pa or worst mambabae ๐Ÿ˜‚๐Ÿ˜‚. Seriously, family na kayo kaya act as one, wag mo naman ipafeel kay hubby/partner na parang wala syang silbe porke walang pera or trabaho, may needs din sya as a partner mo at bilang tatay ng anak nyo. Panget talaga tong pandemic pero wag sana maging dahilan para magka problema pa kayo ng iba๐Ÿค”๐Ÿค”

Magbasa pa

may ganyan talaga ang mga lalaki kapag nasa solar ng mga biyenen ... lalo pa na wala siyang trabaho... ganyan din asawa ko ... mag usap kayo... wala naman siya sinasabing di magandang trato sa kanya? maliban dun sa dedma kasi minsan baka miscommunication lang... support support lang muna mami...