Ayaw ibigay password ng phone nya.....

Ayaw na ibigay ng lip ko password ng phone nya nung time na may nahuli ako sa kanya dati. Galit na galit sya na kinuha ko password ng fb nya ng di nya alam. Aun nahuli ko kausap nya ex nya. Naging okay naman na kami. Binlock na nya ex nya dahil pinablock ko. After nun iniba na nya pw ng fb nya at phone nya. Ngayon halos ayaw na ipaalam sakin pw nya. Privacy nya daw un. Sabi ko kupal ka pala eh, mag privacy ka kung single ka, single ka ba???? Nakaka kulo ng dugo. Bwisit talaga. Kung loyal ka naman sa gf mo bat kelangan mo pa mag password. Kasi ako kako kaya kong ibigay sakanya phone ko palit kami maghapon. Aba g na g sya. Nagalit pa sakin. Sarap sapukin. Kayo ba alam nyo ba pw ng fb ng hubby nyo? Kusa ba nila binigay o hiningi nyo?

111 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Ewan ko kasi dati nung mag gf at bf palang kami ng asawa ko.. medyo th din ako. So kinuha ko password nya sa lahat ng account na meron sya sa Socmed. Hindi naging Bigdeal sa kanya. Alam nya din naman ang akin.. After 10 years at Ngayon ngang mag asawa na kami.. minsan pag lobat phone ko.. bibigay nya pa ng kusa ang phone nya.. nood daw ako netflix. Me finger print din ako sa phone nya para mas madali mag sign in. 🤣 Hindi ko lng pinakikialaman ang mga work related messages nya. Kaya di kami nag aaway. Never naging issue samin ang privacy. Pag me important message or pm nga sa kanya ako pa mismo nag reremind sa kanya. 😅 Pag me.kachat sya.. minsan magsasabi pa sya sakin ano daw irereply nya. Thankful lang tlga ako sa asawa ko kasi panunuod at laro lng minsan hilig nya. 😅😂 Depende lng din tlga sa tao siguro.

Magbasa pa