FB account

Hello mga mamsh kmusta kayo ng partner nyo? Kasal or live in lang? Ako lang ba ung hanggang ngayon ayaw ipaalam ang account ng FB nya need nya daw ng privacy. Tapos magpost lang ako tapos nag rreact sya na iunfriend ko mga pumupuso sa post ko sabi ko naman sakanya maging open na kasi kami dahil wala naman ako tinatago kahit ni profile pic or post na magkasama kami wala nung una ganun sya tapos ung mga post nya na yun ay in 'only me'nya nalang.. Mga mamsh sa tingin nyo may tinatago ba sya? Or respetuhin ko na bigyan ko sya ng privacy sa fb nya. May tiwala naman ako kaso nakakapraning na pati pag type nya ng password sa fb nya tinatakpan nya pa ???

100 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

live in kami pero open kami sa isat isa naoopen ko fb nia, naoopen nia rin fb ko, kada sahod nun binigay lahat sa akin, ako pa humahawak ng atm niya, humihingi lng sya kapag papasok sya sa work, kapag may babaeng ayaw ko s friend nia inaunfriend ko, never sya naglit sa akin nattawa pa nga ang cute ko daw magselos, minsan inaasr pa ako nun kpag nanood s youtube ng dibdiban challenge😂 pero d nia pinapanood nkikita ko namn recent n pinapanood niya, privacy? waa n sa voacabulary namin yan duhh magkakaank n kami need pa ba privacy? mas maganda sa relationship ng bawat isa ang open sa isat isa ung walang privacy2 anuhin namn yang privacy nayan magkasama naman kau, magasawq naman kau, kung may problema sa isat isa dpat inoopen nio sa isat isa hindi ung sinsavi p s ibang tao hindi ung naghhanp pnng ibang kausap, d namn kau matutulungan ng ibang tao sa problema nio kau lang namn mkkasulusyon nian kaya dpt open lang wala na privacy nakita nio n nga magasawa katawn nio isat isa need pa b privacy??😂😂✌️ ok mmk bow paano pa sya mkktgo sa akin is phone lang naman gamit namin😂 binsg ko n phone ko eh para isa nalang kami ganern d nman imprtante s knia fb, adik lang sya s ml, youtube at manood ng anime tyka kahit n mambabae sya d ako magworry sa akin uuwi😂, kung mkqbuntis edi hiwalayan simple simple lang eh maliit n bagay hindi dpt pinpalaki

Magbasa pa
4y ago

Frankly speaking, you cannot call someone your husband if you are not married. So, hindi kayo mag asawa. At ganun nalang ba yun ngayon? Live in lang para kung magloko 'simple' lang hiwalayan agad?🤦🏻‍♀️

When I told my parents na buntis ako tinanong agad kami ng parents ko kung gusto raw ba namin magpakasal. Ako talaga ang sumagot ng mabilis na "hindi" 😂 and thank God hindi talaga! Ganyan rin kasi kami dati sis. Nung bago kami si BF pa ang super tanong ng password ko sa phone at fb account (yun lang naman ang social account na meron ako) tapos yung password niya sa phone at fb din siya na kusang nagbigay sakin. Ayoko sana kasi hindi ko naman ugali mangielam ng account ng iba. So kahit alam ko yung account niya hindi ko binubuksan pero siya everyday talaga binubuksan yung account. May mga times pa nga na siya na ang sumasagot sa mga notifications or messages ko. Naiinis na nga yung ibang friends ko 😅 then one time out of curiousity binuksan ko messenger niya at ayun nga! (Bahala na kayo mag isip kung anong mga nabasa ko 😄) so in-open up ko sa kanya yun. After that nagbago na siya ng password pati sa phone. Then never niya na binigay yung passwords niya hahaha. Unfortunately ilang beses ko parin siya nahuli. Then mula nung nabuntis ako parang lumala pa siya so ang ending pinalaya ko na siya. And I know I made the right choice kasi wala pala siya talagang kwentang tao ni mag sorry o mangamusta o kamustahin si baby wala. Even though alam niya na bago pa kami maghiwalay medyo sensitive na yung pagbubuntis ko.

Magbasa pa
4y ago

Mamsh i feel you minsan inihahanda ko nlng sa sarili ko na baka di na kami magtgal 5mos palang ako buntis. Kaso ni maglayas ako okay lang sakanya. Nasa bahay kasi nila ako kaya malakas ang loob. Kahit sinabihan na mahina na heartbeat ni bby ginaganito nya parin ako

Kasal. Alam ko fb pw ni hubby. Pero sya di nya alam password ko. Lagi nya gamit cp ko kase maraming games kaya alam nya wala ako tinatago. Minsan inoopen ko fb nya ng di nya alam kapag nag-ooverthink ako, pero wla nmn ako nakikita. Yung phone nya diko rin mahawak. Tinatago nya madalas. Iniisip ko minsan may babae sya pero sa mga actions nya, nararamdaman ko na mahal nya kami ni baby. Nagpupuyat sa pag-aalaga, naglalaba ng damit namen, sweet sya saken sobra and lahat ng sweldo nya binibigay saken. Kaya mas ok siguro kung iappreciate ko ung mga gnagawa nya samen kesa isipin ko na may babae sya dahil lng sa pagtatago ng cp. Hayaan ko na lng sya. Besides, kung magloloko sya, diko sya hahabulin at dalwa kame ng anak nya na mawawala. Ito siguro ung advantage ng may work ung mommy, malakas ang loob magdesisyon kapag nagloko asawa. Pray ka lng momsh. Nakakagaan ng pakiramdam. Yun ginagawa ko ngayon, pinagpepray ko lage na mas maging matured pa kme and ilayo lagi ni Lord sa tukso ung asawa ko. ❤️ Tiwala lng momsh. And wag kalimutan magpaganda hindi lng para sa asawa kundi para na dn sa sarili. ❤️

Magbasa pa
4y ago

Yes momsh. Kung maglolok sila, kasalanan na nila yun. Basta tayo faithful tyo. ❤️ Laban lng sa life's challenges para sa baby.

Live in kami ng foreign partner ko. Hindi mahilig sa social media. Web search at reading at forum sa mga websites lang hilig nya. Yung profile nyaga more than 10 years ago pa. 😂 FB Messenger lang tapos lite pa. Hindi nga nya ginagamit. Ako lang mahilig mag post sa social media. Sya kasi very strict sa privacy pero pag nagpopost ako about sa baby namin, pwede ko naman i tag sa kanya. Minsan isang araw nag scroll2x ako sa fb ko, hindi pa kami friends nun, kinuha nya cp ko tapos sinearch nya name nya at nag request gamit account ko tapos inopen nya fb nya at inaccept nya ako. 😂At nagulat pa ako, sya pa nag request ng in a relationship status. Kasi kung di nya yun ginawa di ko din naman sya e rerequest. Hindi ko rin hiningi password nya. At di rin nya hiningi password ko kasi palagi naman nakaopen fb ko.

Magbasa pa
4y ago

Opo.

Ako my god ang gf ko sa riyadh one time nag screen record ako tapos sabi ko maligo ako nung katagalan na tapos nku maligo ni review ko ang record ko nku matutulog n sana tumayo p at ngcp tapos sakin nguso sa cp tapos punta s cr pagbalik nya sa kama nya nilipat niya ang unan sa gilid wala na sya panty kinompronta ko wla dw sya kausap pero dku n pinakita ang video kitang kita my tinawagan sya at nag kiss pa tapso pumunta sa cr pag balik wla n panty tapos may pinidot sa cp nya mute i think tapos tinakpan na nya ang phone. tapos abi ko pa open nga ako fb mo sabi ayaw dw ksi privacy nya pero fb ko binigay ko! mahal ko ksi wla tlga its unfair lalaki tlga lagi masama madami p ako video n may k usap tlga sya bahala n kng magkahiwalay kmi atleast hndi ako manlol0ko! Hay buhay!!

Magbasa pa

Guilty talaga yang mga nagloloko. Ganyan ex ko noon lahat kina papraningan lagi mainit ulo sakin may tinatago daw ako, tinatakot pa ko papatayin ako or magiiskandalo sa bahay namin pag di ko binigay password ko, yun pala ginagawa nya kaya iniisip nya ginagawa ko din, nahuli ko pa may ibang fb account naka block sa fb ko kaya pala di ko nakikita, nagkataon na napunta ko sa blocking list ko kaya nabasa ko name nya nung iunblock ko aba buhay single si Kuya naka dp pa ng topless kala mo sexy eh puro buto naman 😂 sinayang ang 5years namin. Hindi lang thrice nagloko sakin yun di ko na mabilang ilang beses at ilang babae kaya iniwan ko na 😂

Magbasa pa

may tinatago yan..syempre kampante ka na may tiwala ka sa kanya kaya ang iisipin nya wala lang syo ang ginagawa nya..much better na kausapin mo sya..live in lang kami ng asawa ko morethan 15yrs na kami..mag aapat na anak namin pero diko naranasan na itago ang fb password nya sakin kusa nya itong sinabi sakin kahit na diko hinihingi ito..kung ako syo sis kausapin mo asawa mo or patulong ka sa taong may alam sa paghack😅😅😅 kung pano mahahack ang fb password nya para malaman mo ang totoo👍😅ganyan kasi ginawa ng ka officemate ko kaya pati messenger ng asawa nya nababasa nya kaya walang lusot!goodluck!

Magbasa pa
VIP Member

Alam mo sis whether alam mo or hindi mo alam password ng partner mo madidistinguish mo kung may tinatago o wala partner mo. Kasal ako pero bago kami magpakasal naging bf-gf kami for 7 years at kahit ni minsan hindi kami nagtanungan ng password sa socmed namin. Until now kasal kami wala pa din hingian ng password. At hindi din naman ako nagdududa kasi alam ko password sa phone ng husband ko kasi same kami anniv namin yung passcode at kahit saan saan niya lang iniiwan phone niya sa bahay kaya pwede ko ma open anytime. May mga redflags kasi yan at yung instinct din natin mga babae na laging tama.

Magbasa pa
VIP Member

Hndi pa kami kasal, pero alam namin fb account ng isat isa 😅 Sya pa mismo nagsasabi na walang magtatago ng secrets one time nagchange pass ako ksi nag away kami then nung naging ok na kami binigay ko na ulit. Niloko na nya ko dati ilang beses na pero pinagkatiwalaan ko ulit dahil alam ko sa last chance dto nya papatunayan kung gaano nya kami ka mahal ng anak nya❤️ At di ako nagkamali. Nag work sya now dati tambay lang sya pero na realize nya na pamilyado na syang tao kaya kaylangan nyang kumayod❤️ At ngayong buong buo na tiwala namin sa isat isa❤️🌹

Magbasa pa

Ako alam ko and may access ako sa fb and messenger acct ng partner ko and open kami sa lahat para wala issue. Ang kapatid ko at asawa nya ganun din. Maayos namn ang relasyon Para sakin mas maige open ung partner natin ndi sa wala tyo respeto o tiwala sa kanila. Pero hello baliktarin natin din diba. Kung may respeto din sila sa atin wala sila itatago.. About privacy kasi para sakin as long as hindi tyo ang nag mamanipulate ng account nila may privacy parin un pero as their partner dapat maging open parin satin yan mga ganyan bagay na ganyan

Magbasa pa