Ayaw ibigay password ng phone nya.....

Ayaw na ibigay ng lip ko password ng phone nya nung time na may nahuli ako sa kanya dati. Galit na galit sya na kinuha ko password ng fb nya ng di nya alam. Aun nahuli ko kausap nya ex nya. Naging okay naman na kami. Binlock na nya ex nya dahil pinablock ko. After nun iniba na nya pw ng fb nya at phone nya. Ngayon halos ayaw na ipaalam sakin pw nya. Privacy nya daw un. Sabi ko kupal ka pala eh, mag privacy ka kung single ka, single ka ba???? Nakaka kulo ng dugo. Bwisit talaga. Kung loyal ka naman sa gf mo bat kelangan mo pa mag password. Kasi ako kako kaya kong ibigay sakanya phone ko palit kami maghapon. Aba g na g sya. Nagalit pa sakin. Sarap sapukin. Kayo ba alam nyo ba pw ng fb ng hubby nyo? Kusa ba nila binigay o hiningi nyo?

111 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

I never ask for his fb password . Hindi din naman nya alam ang sa akin. But walang password ang cp nya so I'm contented with that. Hindi ko naman masyado hinihiram ang cp nya since hindi din naman nya hinihiram ang sa akin. I have password on my cp but it his bday so alam din nya. Ok naman kami ng asawa ko. Sinabi ko din naman sknya dati kung mambababae sya kahiya hiya sya sa family nya at hindi na nya kami makikita ng anak nya (I'm preganant right now) . 🤣. 7 yrs na kami. 6 yrs magjowa 1 year kasal at never pa kami nagaaway ng dahil sa babae o lalaki. 😁

Magbasa pa

dati mag bf gf pa lang kami alam ko lahat, pero pag pala gusto magloko gagawa at gagawa ng paraan. Nagkaproblem kami nun dahil nambabae sya, gumawa sya ibang acct pero nalaman ko din yun. Nagkaayos kmi mula noon at ngayon mag asawa na kami hindi na namin alam password ng isat isa. Hindi ko na kinukuha, i think mas ok naman yun. pero nahahawakan ko naman phone nya. importante rin may privacy kayo kase kung gusto magloko marami paraan. Lolokohin ka nyan kung gugustuhin nya. Kaya lalo ngayon magkakababy kami gawin nya ulit yun, iiwanan ko sya.

Magbasa pa

haha for me alam mo man o hindi ang password ng asawa mo makikipag landian pa din yan ...like mu ex ..alam ko lahat ultimo phone nya ... ayun pala kawork nya babae nya ... 🤣🤣🤣 sab nga bantayan mo man o hindi kapag babaero eh babaero ... kaya ung ngayon dq na knukuha ang password ... at wala aq pakelam ayun kusa nya bnigay pati password ng phone ... parang go with the flow nlng ..bahala ka qng mambababae ka ... alam ko password ng fb at cp nya pero never ko nmn pakelaman ... pero d nya alam ung sakin 🤣🤣🤣

Magbasa pa

B4 ganyn kmi ng husband ko nagchecheck ng cp pareho... then after that sya nagsabe na kht mag asawa dpt kht pano may privacy so I agree.. for me kht bantayan ko sya 24 hrs kng gusto nya magcheat magchecheat pdn yn wla aq mggawa don.. nsa lalaki yn e... I know my worth so kung mgloko sya it is not my lost.. plus ma stress klng kaka check.. what u should do asikasuhin mo baby and husband mo at the same time mag ayos ka but not for him for urself.. be a better person not for the others but for urself..

Magbasa pa
VIP Member

ako hindi, I dont need to know his paswords.. kasi kung magloloko sya, magloloko at magloloko sya kahit kunin mo pa lahat. madaling gumawa ng 2nd account. madaling mag bura ng messages. ako, I know how to give privacy sa husband ko. we both dont know each other's social network passwords. but if we need to use each other's messenger accounts to message someone or kahit borrow lang because of some reasons, we do. di mo kailangan maghigpit kung sya mismo hindi LOYAL. at wala ka nang magagawa dun.

Magbasa pa
VIP Member

I used to know his FB pw before pero ngaun di na. ung phone naman nia alam ko pw pero d ko na pinapakailaman Kc ang akin, kung magloko sya, bahala sya Alam nia magyayari kapag nahuli q sya. once lang nia gawin un game over na. We are together for 11 years na married for 5yrs. So far wala namang issue ng pambababae. lagi kong cnsv s knia kung ayaw nia na, magsbi sya. Dhil kaya q ng wala sya, lalo na ngaun, magkaka baby na kami 🤣 Lalayasan namin sya ng anak nia pag ganun ang gnwa nia. 😉

Magbasa pa
TapFluencer

alam namin pareho passwords ng cp namin ng hubby ko . pero hindi ko naman tinitingnan phone nya . hindi nya rin tinitingnan phone ko . except nalang kapag ka nagloload ako gamit gcash nya . pag may time naman na hinihiram ko kapag ka kunyare nakacharge phone ko tapos bored ako gusto ko mag laro sa phone nya binibigay naman nya .. may kutob din kasi talaga tayo mga babae .sa akin kasi wala akong nararamdaman na may something kaya parang wala lang . pero sa ex ko dati lage ako kinakabahan ..

Magbasa pa

ako di ko alam pw ng fb nya pero nahihiram ko cp nya everytime. okay lang naman sakin since privacy nya yun, pero ung cp nya alam ko ang code. kahit naman malaman ko account nya, d ko bubuksan without his permission. ang lalaki kasi kahit bantay sarado, kung manloloko maraming ways yan para makapanloko. kaya blessed talaga ako sa asawa ko kasi marunong makuntento. mararamdaman mo naman yun if something is wrong. but in your case sis, dahil may history na. then alam mo na.

Magbasa pa

D uso yang privacy n yan.. Kc once na pumasok k sa relationship wala n privacy kc lht dpt ishare sa partner.. Sa hubby q sa 12yrs nmin kada palit ng pw nya sinasabi nya sakin khit dq tanungin kusa xa nag oopen kc dhilan nya bat pa xa nag asawa kung gusto nya ng privacy.. Give and take lang kami.. And super swerte q sknya kc sa tagal nmin ni minsan d aw nagka problema sknya, sobrang open nya sakin sa lahat2..

Magbasa pa

nope..we are more than 4years in a relationship pro hndi ko alam pw ng fb Ng hubby ko..😅and im fine with that,as long as sakin siya umuuwi,bahala xia kung magluluko xia..alam namn nya ugali ko.. and I know him too,kaya tiwala lng ako na magiging maaus pagsasama namin kasama anak namin.. Kaya mumsh wag mo ng estresin sarili mo..magpaganda ka lang lalo pra makita nyang di ka kapalit palit😉😉😉

Magbasa pa