Sobrang nahihirapan na po ako sa paglilihi ko ? Matagal na po kami nag antay ng partner ko na magkababy na . kaya nung nagpt ako at positive tuwang tuwa ako ? pero ngayon po naiiyak po ako. sobrang hirap po maglihi ?? diko lam kong kakayanin ko pa ?
Anu po gagawin ko ? ???
Kaya mo yan momsh sobrang hirap din ng paglilihi ko nun, partida ako lang mag isa sa apartment ko nun ako na taga linis,taga tapon ng basura,taga bili ng pagkain ko, may alaga pakong mga pusa yung kahit hilong hilo kana kailangan mo kayanin. Panghihina,suka,sakit sa ulo, di makatayo ng maayos ranas ko lahat ng hirap sa paglilihi, pero ng kunin ako ng bf ko mga 4mos na releive ako kasi may katuwang nako sa bahay at sya na bumibili ng pagkain ko.. kailangan mulang tatagan luob mo sis, ako halos mabaliw ako ng 1st trimester ko. Pero sabi nila mas mahirap daw kapag lumabas na si baby, kaya tapangan mo luob mo kasi may pagdadaanan pa tayong mas mahirap kesa sa paglilihi.😊
Magbasa paAko never ako nakaranas ng paglilihi. Duwal duwal lang pero walang pagsusuka. Pinaka mahirap lang na nararanasan ko ngayon is ung every week or every other week pinapasukan ng speculum yung pwerta ko pra ma check kung bakit ako nagbibleed. Pinaka malaking size pa ng speculum ung pinapasok sakin dun pa lang masakit na tapos di ka pa pwedeng pumalag. Mapapapikit ka na lang. Iniisip ko na lang na para kay baby to at kasama to sa mga dapat tiisin ko kasi pinangarap at matagal kong hinintay to.
Magbasa pafirst time mom din ako sobrang hirap paglilihi halos lahat sinusuka ko kahet tunig, lahat ng maamoy magsusuka na, sumakit ulo at sikmura, nanghihina halos mamatay na sa gutom pero nalagpasan din sa awa at gabay ng Diyos...tiis lang momsh ganyan din ako sobang hirap paglilihi to the point na parang susuko na ako...isipin mo lang si baby lage makakaraos ka din, dasal lang na di kana mahirapan...laban lang! God bless!
Magbasa paGanyan din ako momsh 😔 9weeks and 6days preggy here ! Sobrang hirap wala ka ng gana kumaen gusto lng ng katawan ko nakahiga at matulig ng matulog . Sobramg selan ko magbuntis madalas di ako nakakatulog kse masaket ulo , masaket ung tiyan na parang sinisikmura , tapos pag ayoko ng pagkaen susuka ako ng susuka , tas unteng kilos ko sobrang hilong hilo ako😔 pero natitiis ko kse ang tagal din nmen inantay to
Magbasa paKaya mo yan sis! Same tayo na sobrang hirap paglilihi ilang beses pa akong naospital dahil sa pagsusuka na umabot sa point na may dugo na akong sinusuka :( hanggang sa last term ko suka pa din ako ng suka :( sobrang thankful lang ako na healthy si baby ko 25days old na sya ngaun :) lahat ng hirap ng pagbubuntis magiging worth it pagnakita nyo na ang anak nyo lalo pa at hinintay nyo yan ng asawa mo :)))
Magbasa paFirst trim talaga yung pinakamahirap sis pagnakalagpas ka naman sa trim na yan mas gagaan na pakiramdam mo :D if possible may bed rest ka most of the time. Wag masyado gumawa ng mga strenuous na bagay like cleaning and cooking. Kung pwede asawa mo muna gumawa ng mga yun para mas marelax ka din. Kala ko makukunan ako nung first trim ko dahil sa pagsusuka ko swerte ko lang cguro kase sobrang supportive ng lip ko at ng family ko :)
its part of the pregnancy journey! kaya mo yan momsh,, halos lahat ganyan pinagdadaanan,, and its all worth it at the end... 🙏❤️❤️❤️ sobra din ako at hirap mglihi,, as in grabe nakkapanghina at naiisip ko rin yan na parang di ko na kaya,, pero after ng lihi stage,, parang nndun na talaga yung excitement at kkaibang feeling.. basta kya mo yan momsh,, keep hydrated more more water.
Magbasa paGanyan po talaga. Ako din, un morning sickness ang hirap na to the point na sinisikmura ako sa gabi. Mawawala yan sa 2nd trimester. Mas mahirap manganak lalo na mag alaga ng newborn hahaha. Kulang ka na sa tulog tapos kagagaling mo pa sa pagkasakit sakit na panganganak. 😂 CS Mom here at FTM. Kakapanganak lang nun Dec 12. 😊
Magbasa paGirl wala namang paglilihi kasi kaht hindi naman buntis may mga cravings mas madalas lang cravings natin kasi may isa pang nakain sa tyan natin. Ang mahirap ay morning sickness pero need mo kayanin kasi kung dyan pa lang bibitaw ka na paano pa pag malapit na sya lumabas at naglalabor ka na. Kaya mo yan te. Pray and pray lang.
Magbasa paTiis lang mamsh. Kasama talaga yan. Sobrang hirap din ng paglilihi ko noon, actually buong pregnancy ko sobrang nahirapan ako. Imagine from 8w up to ipapasok na lang ako sa OR suka pa rin ako nang suka. Dumating pa ako sa point na dugo na anh sinusuka ko. Parang buong pregnancy ko ako naglihi. Kayanin mo mamsh para sa baby mo
Magbasa paWala. Hindi sya naiiwasan. Tiis lang talaga. Merong mga walang ganyang naeexperience, meron ding sobrang selan. Ganun talaga mamsh. Basta pag may gusto kang kainin make sure na makakain mo, parang pampalubag loob mo na lang sa sarili mo kwsi nga ang hirap-hirap ng paglilihi mo. Ganun ginagawa ko nun
Ako kahit sobrang hirap ko nonq naqlihi ako kc umabot 4 mos pero okay lanq skn. Kahit di ako makakain nq maayos kahit namayat ako at hindi na makalabas nq bahay sa sobrang sensitive okay lang skn kc sobrang saya ko na binigyan kami ni lord ng blessings ♡ kaya ikaw mommy think positive lang. Malalagpasan mo yan ^^
Magbasa pa