Bernadette Aleguiojo profile icon
PlatinumPlatinum

Bernadette Aleguiojo, Philippines

Contributor

About Bernadette Aleguiojo

Mother of one cutie boy ??

My Orders
Posts(17)
Replies(134)
Articles(0)

Gusto ko na makipaghiwalay

Gusto ko na talaga makipaghiwalay sa LIP ko. Huhuhu. Meron po kameng 3 month old baby at lahat na lang ng ginagawa ko, may puna sya. Kung hindi puna, nagagalit sya. Tulad sa pag electric fan/aircon sa bata. Gusto ko sana talaga mag aircon kame since day 1 pero sya, ayaw nya. Kaso ngayon, pati pag eelectric fan ayaw na din nya. May time pa na pinagalitan nya ako na bakit ko daw pinagsando ang bata. Ngayon, parang ako pa sinisisi nya kasi nagkasipon si baby. E tingin ko kaya nagkasipon kasi natutuyuan ng pawis sa gabi kasi maski electric fan ayaw nya gawin kay baby. Alangan na di pagpapawisan un. Pati na lang un pagdim light sa gabi, pag sya nagpapatulog, binubuksan nya ilaw. E gusto ko nga ipadistinguish sa anak ko ang umaga sa gabi kasi un yun nababasa ko sa ibang nanay groups at effective naman kahit papaano sa anak ko. Nagagalit sya dun sa lampshade namen. Ngayon naman, injection ng anak namen. Gusto nya kumutan pa e sabi nga dapat makasingaw un init sa katawan nya. Ayaw din nya electric fan-an kasi "nilalamig" daw. Nagalit na talaga ako. Pati pagpupunas sa anak ko, gusto maligamgam e pinupunasan ko sya galing tubig sa gripo kasi nasa 38 na un lagnat nya. E sa pagkakatanda ko, ako nga pinupunasan nun bata ng may yelo pa. Di ko na kaya mga mamshies. Napapagod na ko sa everyday na ganitong setup, everyday na sita. Bahay ko tinitirhan namen, recently namatay aunt ko (walang asawa aunt ko so ako lang talaga inalagaan nya mula nun namatay un sister nya which is mother ko). Iniisip ko pagkawala ng lagnat ng anak ko, uuwi kame sa bahay ng tatay ko sa quezon at dun muna kame hanggang sa bumalik ako sa mat leave. Napapagod na talaga ako. Di nya ko hayaan sa diskarte ko para sa bata. He is making me feel like im a less mother kasi di ko choice un mga choices nya. ??? Di sya marunong makipagcompromise, pumayag na nga ako na wag mag aircon pero pati ba naman electric fan, aayaw sya. Wag syang magtaka kung di mawala wala un sipon ng anak nya. Di ko alam kung worth it pa ba yun pagmamahal ko. Dapat ikakasal sana kame nun october last yr, civil wedding sana kaso di natuloy kasi namatay aunt ko. Iniisip ko tuloy baka blessing in disguise na. Haay. Sa kanya ako magkakapost partum depression, di nya ko kayang pagkatiwalaan sa decision ko para sa anak namen ?

Read more
 profile icon
Write a reply

❤️

EDD: January 2, 2020 DOB: December 12, 2019 Meet my Baby Vito Rheangelo. Ang dami namen pinagdaan ng baby ko. Andun un matinding morning sickness, pabalik balik na UTI, napabed rest pa ko for a month nun first trim ko. And worst, namatay un lola nya (mother ko) nun 7 months pa lang sya sa tummy ko. Sinabayan pa na namatay din un favorite dog namen sa bahay. ?? Sobrang stress yun nafeel ko, kahit pigilan ko, di ko maiwasan. Tao lang din naman ako. Pero look at where we are right now. Nailabas ko sya via scheduled CS. Footling breech kasi sya, di na sya umikot e nag 1cm na ko. Sabi ng OB ko, di dapat ako labor lalo kameng mahihirapan ni baby. Nun nasa labor room pa ko, nagfluctuate na din heartbeat ni baby, so minadali. Kahit di pa dumating un OB ko, un OB assistant nya un nagstart nun operation. Sobrang hirap sa akin kasi napakababa ng pain tolerance ko. Nanginginig na ko nun nilagyan ako ng anesthesia na sa sobrang groggy ko, sabi ko na lang sa anesthesiologist na ayoko na, nasusuka na ko. Hanggang sa sinedate nya ako, ramdam ko pa paglagay sa akin ng catheter ? Pero nun lumabas na sya at nilagay sa tabi ko, nawala na sa isip ko na lang tinatahi na ko at nun inalis sya para lagay sa nursery room, ang sa isip ko wag nyo ialis si baby sa akin. Sa ngayon, we're doing good. Mahirap kasi puyatan, masakit pa sugat ko. Di ko sya mahawakan ng tama kasi kumikirot sugat ko. Plus di ako marunong magbuhat din kay baby kasi only child ako. Wala kong naalagaan na baby. Pero pag nakikita ko un chubby cheeks nya, naiinlove ako. ? May times na umiiyak pa rin ako sa gabi, siguro eto na un post partum na sinasabi, namimiss ko kasi nanay ko, baka mas madali kung andito sya. Pero iniisip ko na lang na dapat mapalaki ko si baby ng maayos tulad ng pagpapalaki sa akin ng mother ko. Ayun lang po, share ko lang hehehe ?

Read more
❤️
 profile icon
Write a reply