Sobrang nahihirapan na po ako sa paglilihi ko ? Matagal na po kami nag antay ng partner ko na magkababy na . kaya nung nagpt ako at positive tuwang tuwa ako ? pero ngayon po naiiyak po ako. sobrang hirap po maglihi ?? diko lam kong kakayanin ko pa ?

Anu po gagawin ko ? ???

50 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Tiis lang mamsh. Kasama talaga yan. Sobrang hirap din ng paglilihi ko noon, actually buong pregnancy ko sobrang nahirapan ako. Imagine from 8w up to ipapasok na lang ako sa OR suka pa rin ako nang suka. Dumating pa ako sa point na dugo na anh sinusuka ko. Parang buong pregnancy ko ako naglihi. Kayanin mo mamsh para sa baby mo

Magbasa pa
6y ago

Wala. Hindi sya naiiwasan. Tiis lang talaga. Merong mga walang ganyang naeexperience, meron ding sobrang selan. Ganun talaga mamsh. Basta pag may gusto kang kainin make sure na makakain mo, parang pampalubag loob mo na lang sa sarili mo kwsi nga ang hirap-hirap ng paglilihi mo. Ganun ginagawa ko nun