Privacy PolicyCommunity GuidelinesSitemap HTML
Download our free app
mommy
keloid😥
hello mommies, ask ko lang po if normal lang ba yung BCG vaccine ni baby ay nalaki gang maging keloid na, she is now 3 months and 12 days...worried lang po kase dati di yan ganyan kalaki...thanks in advance👍
CS mommy
Ano pong gingawa pag nagpa check up ulit sa OB after ma cs? di po kase ako makabalik sa OB ko dapat nung 20 check up ko kaso sarado clinic niya...thanks mga momsh sa sasagot
PLEASE HELP ME! FTM
mga momsh ano pwede ko gawin sa pusod ni baby di sinasadya natanggal yung clip ng pusod niya tapos may unting dugo...everytime mababangga pag pinapa dighay ko may nalabas na dugo...tinignan ng midwife sabi lagyan ng betadine tas gasa at bigkis...kaso ganun pa din pag natanggal yung natuyong dugo may nalabas pa din...di ko na alam gagawin ko? wala pong amoy ang pusod ni baby...wala po clinic ng pedia now kaya di ko siya madala...
pusod ni baby
hello mga momsh need advice, wala po kase clinic ng pedia di ko madala si baby...natanggal clip niya di sinasadya tapos dumugo yung pusod niya ng kaunti...hanggang ngayon may time na may nalabas na dugo lalo pag napapa diin sa damet...sa diaper naman po tinitiklop ko para di madanggi...tinignan siya ng midwife sabi lagyan daw ng betadine tas gasa at bigkis kaso kada aalisin ko gasa may nasama tas magbabasa ulit...di ko malagyan ng alcohol kase baka masaktan si baby pero nung may clip pa 3x ko nilalagyan ng alcohol sabi ng pedia...sana may sumagot ano po pwede ko gawin???
Our Bundle of Joy
Baby C ?? EDD:March 5 DOB :March 10 via Cs 3.5 kg Finally! after 10 hours of labor (induce?) ending Cs... Kaya sana yung pain ng labor kaso walang progress sa pagtaas ng cm ko, nag decide na ako cs na lang ng OB ko dahil nag leak na panubigan ko, thankful ako dahil tama naging desisyon ko according to my OB may poop na ng unti si baby sa loob...2 days kame sa hospital nakauwe na din agad... Godbless mga momsh☺
40 weeks and 5 days
scheduled for induce labor on March 10...sino po naka experience sa inyo mga momsh? kamusta po pakiramdam?
38 weeks and 4 days
mababa na po ba mga momsh? sa tingin nyo din po sakto lang ba ang laki? still no signs of labour, sana makaraos na☝?
Philhealth 2020
hello mga momsh, ask ko lang pag po magbabayad ako ng philhealth ngayong february 2020, voluntary po...magkano na po hulog ko per month? below 10,000 po income.
32 weeks
mukha na po bang mababa? or mataas pa...sana hindi pa mababa, masyado pang maaga?
worried
hello mga momsh 27 weeks preggy na po ako minsan nakakapg buhat po ako ng mabigat pag no choice ala gagawa sa bahay or mamili sa labas, wala po kase si hubby nasa ibang bansa...worried lang po ako kung posible mag cause yun ng pagbukas ng cervix? salamat po sa makakapansin ng post ko...