in-laws

Anong mararamdaman nyo kung malaman nyong madamot ang tingin sayo ng byenan mo?

27 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Mga bwisit talaga mga inlaws. Di ko nilalahat pero karamihan sa kanila tumatanda ng paurong. Ang sasama ng ugali. Jusko pag ganyan iniisip nila sayo wag mo damdamin maiistress ka lang sis. Yan kasi purpose nila, iistressin ka nila. Di sila nag iisip ng sasabihin nila sayo kung masasaktan ka ba or what kasi pakiramdam nila kahit anong sabihin nila sayo, mag aadjust ka para sa kanila wala silang pake kahit maistress ka jan. Ganyan yan sila ka kupal. Kaya mga in laws ko di ko pinapansin nakakapuno na kasi sila. Lalo silang naaasar sakin nung napansin nilang di ako naapektuhan sa mga sinasabi nila. Sila yung pikon na pikon. Dito pa kasi kami nakatira sa bahay nila eh pero pabukod na kami inaantay lang namin manganak ako tas sibat na. Lahat ng naipundar na gamit namin ng asawa ko sinisira nila. Pag inutusan nila kami na gawin ang isang bagay, mas lalo kong di gagawin kaya napipikon sila. 🤣 Pero wala silang naririnig na salita sakin baka nga nakalimutan na nila kung anong tunog ng boses ko eh. Nang aasar lang ako through actions. Nakakapuno na sila sobra kung ikukwento ko lang dito mga ginawa nila samin ng asawa ko, baka di lang ganyan magagawa nyo kung kayo nasa lagay ko. Jusko kakastress

Magbasa pa

nakakasama ng loob.. seaman ang asawa ko dati at may alote sila monthly, humihingi pa ng dagdag tapos bukod pa ung ibibigay ng asawa ko paguwi nia..lahat nakaasa sa kania pati ung kapatid nia na may family na parehas walang trabaho..ung ibang kapatid nagpapabili ng gadgets..ni walang thank you o anuman appreciation..mangangamusta lang ang inlaws ko pag katapusan na at kung madelay ang alote aun magtatanung na knabukasan.. e ngaun pandemic umuwi asawa ko at wla pa ulit balik..buntis naman ako ngaun at nakabedrest dahil sa maselan, namatayan na kami ng baby dati.. wla na sila nakukuha monthly, ilaw at tubig na lang ang naiaambag namin..di naman namin sila ksama sa bahay bale kapitbahay tas magkasipi sa utilities then narinig ko sinabi ng fil na pinabayaan na daw sila..nakakasama ng loob kasi nung magbigay ka o hindi parehas lang ang tingin sau..hindi nila maintndihan ung sitwasyon namin na umaasa lang sa kita ng maliit na tindahan at kakarampot na sss sickness..literal hindi na nila kme pinapansin o iniimikan kht kamusta man lang kaya goal namin ngaun taon makaraos, magkababy at makalipat na ng bahay God bless sating lahat

Magbasa pa
3y ago

ganyan din in laws ko kasi abroad dati asawa ko haha sobrang daming nangangamusta kapag katapusan tapos kinalaunan nuong wala na sa abroad asawa ko wala na din sila pake, tas sila pa may gana magsabi na di kami malapitan . haha nakakaawa ang mga ganyang tao, mga toxic mga di nag iisip , mga asa sa iba, buti nataohan asawa ko na sa susunod may mag ganon sa kanya wala nadin sya pake dahil ni kamusta nga di na nila magawa ngayon mula nakauwi asawa ko kasi pandemic wala na dina sila namamansin ,dina kasi nila kami mapakinabangan kaya wala na dina kami kilala sila pa mga galit mga foutah. akala nila tuwing hingi nila meron ang tao ,kaya dapat wag sanayin mga ganyang tao, adnyan lang pag meron ka ,pag wala kna di kna nila kilala. dapat matutu tayo at kung pwede patikimin ng mga salitang tatagos gang laman at buto nila para mapagtanto nila.

sakin po wala akong pakielam kung ganun yung maging tingin nila sakin. natural lng na anuhin ng asawa ko ang para sa anak ko....ksi pag kmi nman ang mangaylangan wala nman silang maibibigay...puro lng cla hingi saka hindi ako papayag na hatian pa nila ang anak ko. ang alam lng ksi ng mga byenan ko pag may pera humingi lng ng humingi. tpos kmi ang mangaylangan wala clang pakielam. dati okay lng yun ksi wala nman kmi'ng anak pero ngayon mlapit nko manganak ay iba na syempre di nko papayag nun lahat samin ia-asa.ulti mo utang ng kapatid sa asawa ko pa pababayaran. kung nuon wala ako kinukuha sa sahod ng asawa ko maski piso ngayon lahat ng sahod nya hahawakan ko ksi pag may trabaho sya nanjan cla para humingi ng humingi

Magbasa pa

May kasbihan kc na dibale daw na mag away kau ng sarili mo ina kisa sa mga inlaws nyo. So, ako nman dnman ako nsbhan na mdmot. Cgro ung mluho at mhlig mgpasyal kung san lalo na kung kumpleto kami pasyal dto pasyal don. Ei ang rason ko nman sa pgging mluho esp sa mga bata ayaw ko nkikita na mdumi or npaglilipasan cla ng dmit or masyado luma ung suot kc kya nga kako ttrabho ama nila ei pra to provide them a goo d quality of life. Di nman npka branded ung mga dmit bsta maayus tignan. Tska direct ako mgslita sa inlaws ko kht minsan may sinasabi sya sa iba eh pinipin point ko tlg. Ngayun ok nman kmi... Nsa pgjustify mo kc yan sa desisyon mo dpt pnindigan mo tlga tama ang ginawa mo or ginagawa mo... 😊

Magbasa pa

wala akong paki sa kanilang lahat😂😂una sa lahat hindi kami mayaman para tuwing hihingi sila eh may maibibigay kami, yan ang hirap sa pinoy kasi kapag tinanggihan mo sila sasabihan kana madamot,feelingera di malapitan haha di nila inisip na nagpapahirap kami magtrabaho para lang may panggastos sa araw arw at kulang pa nga samin. kung meron nagbibigy naman pero kung wala edi sana maintindhan nila na wala kasi di lahat ng oras may maibibigay ang tao. kaso masamng msama kana sa tingin nila .nakasanayan kasi ang iba di marunong dumiskarte asang asa sa ibang tao daig pa ang pilay akala nila tuwing lalapit may maibibigay hays. kaya wala akong paki sa mga ganyang tao ki nanay pa yan o katpid .

Magbasa pa

sakin nman d ko binabawalan magbigay ang asawa ko sa nanay nya..kasi kung d bigyan ng asawa ko walang magbibigay sakanya pambili ng gamot.. ako pa mismo nagsasabi sa asawa ko ayun 3k a month.. pinadadalhan nya yung byenan ko. pero pag gipit tlga tulad ngayon manganganak ako sinabihan ng asawa ko na d muna sya makakapag bigay.. di naman kasi ako nagdadamot mas lalapitan ka kasi ng blessings pag mapagbigay ka yun nga lang ilugar mo lang talaga.. kung byenan mo nman kasi ang bibigyan kahit magkano lang ok na pero kapag mga kapatid o kamaganak ibang usapan na yun di nako pumapayag.

Magbasa pa

minsan yong mga beyanan may pagiging selosa, naalala ko kung naglilihi palang ako lahat ng bilhing pag kain para sa akin ng asawa ko binabantayan nila tapos kapag nauna silang kumain feeling nila pinapauna namin sila para hindi sila makahinge ng pag kain samantalang every 15days may tinatanggap sila sa asawa ko na para sa foods, tinatago ng byanan kong babae yong pera para ibili ng pampaputi ng kilikili nya tapos kapag wala silang makain kami ang sisisihin nila kasi pinag tatagoan daw namin sila ng pag kain, ang hirap nila intindihin sa true lang.

Magbasa pa
VIP Member

hayaan ko lang sila 🥰 kasi bubukod naman kami at ayoko sirain ang sarili ko sa kanila kapag inaway or sumagot ako sa kanila sarili ko lang ang sisirain ko kasi kahit ano namang sabihin ko hindi nila pakikinggan un kung may sarili silang paniniwala 😊 at least kung nalabukod na kami wala silang maalalang time na binastos ko sila at wala silang masusumbat sakin

Magbasa pa

Nakakaasar hahahah parang dahil sa nagpakasal kame ng anak nya e di na kuno sila tinutulungan. Sadyang di lang sila marunong makuntento. Di nila alam nagtitiis kame para lang makapag abot sa kanila tapos maapektuhan lang ang asawa ko emotionally dahil sa mga pinag gagawa at pinag sasabi nilang hindi tama.

Magbasa pa

wala akong pakealam kahit tingin nila sakin madamot, dahil may sarili kaming mga pamumuhay at pera. magkksama lang kami sa bahay pero di dpat i share ang lahat ng meron kami dahil ganun din nmn sila 😊 kya ok lng sakin as long as na hndi ako chinichismis sa ibang tao ok lng. hahahaha