byenan

anong ugali ng byenan mo ang pinakaayaw at gusto mo?

221 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Gusto ko sa byenan ko, when it comes to my daughter maalaga naman siya. At love na love niya, lately nalang hindi na talaga sya makatulong sa pag aalaga kasi may katandaan na rin. Ang ayaw ko lang sakanya, lahat gusto niya alam niya at pakielaman niya. Minsan nag uusap kami ni hubby ng personal at mahina (kasi shempre samin lang un) tapos bigla siyang makikisabat at magtatanong kung ano daw pinag uusapan namin hahahaha like hello? Bakit po? πŸ˜‚ minsan may mga pagtatalo rin kami ng asawa ko tapos lagi siyang sasabat na ano nanaman daw yung pinag aawayan namin etc. Eh hindi naman maiiwasan un. At mababaw lang naman di naman kami nagsisigawan. Ayun lang, kaya bumukod na rin kami dun sakanila kasi may times din na ang sarcastic nya magtanong sakin pag di maganda mood niya. Nirerespeto ko pa rin naman siya kaya pinilit ko nalang bumukod kasi baka di ko na rin mapigilan sarili ko sumagot pag nag tagal hehe

Magbasa pa

ung ayw sakn. kc cmula ng mkta aq hrp hrpn non pgsalubong nmin bgo dting xa cnbhn mistr ko n nsa harap p aq na di daw nkpg anty c mistr may ipapakilala pa nmn daw xa na nurse s saudi. kc wla p aq work. pero kht nagkawork aq d ko pdn mkitaan n like nya aq. kc pag uuwi xa d nmn pinapaalam samin mbalitaan ko nsa probinsya n xa umuwi maalala aq kpg short s budgt hihiram at ttwg xa dn msmo nagsab n pcnxa n kung ttwg lng dw xa pag maghirm. tas pag bblik n ng abroad d nmn ulit nagpaparmdm mkkta o mlmn ko andon n nkabalik n. pro ok lng kht gnun bsta alam ko nmn sa sarili ko na wla aq gingwa msma at mhl ko ank nya. mnsn nppncn ndn ng ank ko kc kht xa dn dw d rn naaalala kht kmusthin..pro s kptd ni mr. mga apo arw arw kausp at kamusta. pro hinahayaan ko nlng dn paliwng s ank ko n pbyaan nlng kht ano mngyri lola lolo nya pdn mga un. ok lng n aywn kmi prp kmi kht ono respeto at mhl pdn nmin..😍😍

Magbasa pa

ung pag hinge niya ng pera lagi 😢 dinako mag papaka anghel HAHAHA okay lang naman kung minsan lang at needs talaga kaso nga lang ung byenan ko halos lahat ng pangangaylangan niya sa anak niya hinihinge eh malakas pa naman siya like bayad ng ilaw bayad ng bahay pag kain pang bisyo di naman ganun kalaki kinikita ng asawa ko para suportahan sila lahat tapos pati mga kapatid niya sakanya humihinge pinabayaan kolang lalo na nung dipako buntis pero nung buntis nako naging mahigpit nako sa pera ayaw kong lumabas anak ko na walang wala kami dahil wala naman silang matutulong na kahit ano 🀣 sabi nga nila di masamang mag damot pag kailangan mo dinπŸ˜‡ at pagiging plastic niya at sala sa lamig sala sa inet HAHAHA same silang lahat mga kapatid ng asawa ko at mama and papa niya 🀣 kaya ayaw na ayawkong tumira sa bahay ng magulang ng asawa ko HAHAHA

Magbasa pa

Saken yung hindi nila pinagsasabihan yung anak nila like pangaralan sa harap kona ganto ganyan kapag umaga na umuuwi galing trabaho at diretso inuman sila. Hyssss naiistress ako. Mabait naman sila sumbora nga lang sa bait yung tipong kapag alam nilang 12pm na at wala pa anak nila ni hindi manlang nila itexx na umuwi na kasi gabi na may asawa at anak kang nag hihintay yung ganun na concern ba at alam nilang 10pm out ng anak nila. Pag dating ng umaga ng anak nila tatanungin lang san ka galing bat ngayon ka lang umuwi tapos kapag sinabi ng anak nila na dun siya natulog sa trabaho niya kahit yung totoo is nag inuman lang naman sila at walang pasabi saken. Hahayaan na nila yun parang wala lang nangyare at hindi ako nasasaktan sa pinaggagawa ng anak nilaπŸ˜”πŸ˜”

Magbasa pa
VIP Member

Ewan ko qng anong ugali eto... Pumunta kami dati sa bahay nila tapos sb nya sa partner q na katabi ko na itext daw si bunso at tanong qng sa bahay kakain kasi kukulangin ung kanin wala xang kakainin... eh parang sinabi nya na kasalanan ko kaya walang makakain bunso nila πŸ˜‚ simula nun bago kami pumunta sknila nag aaya muna ako kumain sa labas... tapos nung bf gf palang kmi tinanung ng kamag anak nila qng ako daw ba ung mamanugangin nya ang sagot ba naman "ai hindi!" Sa harap q pa πŸ˜‚πŸ˜‚πŸ˜‚ pwede naman sanang isagot na "bata pa sila"πŸ˜‚πŸ˜‚πŸ˜‚ Pinaka gusto q naman napaka alaga at maasikaso nya sa mga anak nya^^ as in.😁 hnd q pa xa nkasama ng matagal... wala akong planong tumira sknila hahaha 4 months preggy dto q sa bahay namin^^

Magbasa pa

Masyadong kuripot. Jusko pahirapan pag nagbabayad sa mga kainan dahil chinecheck yung discount ng senior citizen. Minsan makikipag-away pa sa waiter. Ako na nahihiya. Sobrang daldal. Umagang umaga maririnig mo na ang boses niya. Lalo na pag kasama mo magbyahe sa sasakyan. Bawat makita kahit yata poste pinapansin. May favoritism. Least favorite kasi ang asawa ko kaya ni singko hindi nag offer nung wedding namin. Ok lang para walang masumbat. Pero dun sa isang kapatid ni hubby all out support. Pina-utang pa para sa pagpapatayo ng bahay. Pero nung kinonfront siya ni hubby napakadeffensive. Gusto? Marunong makisama. Kunwari gusto ka niya pero deep inside hindi. Mararamdaman mo naman if genuine ang isang tao or hindi sayo.

Magbasa pa
5y ago

*maniwala

gusto ko yung pagka generous niya.. lalo na ngayon sa anak ko, bago pa ipanganak andami na nia binigay halos wala kami gastos sa panganganak ko ayaw ko yung super dali niya ma-sway.. kapag nadidikit siya dun sa relatives ng asawa ko, kapatid niya, pamangkin niya, nag iiba ugali niya.. parang ang ending parati kami ung masama kahit wala naman kami ginagawa ng asawa ko, sa totoo lang nagpakalayu layo kami sa kamag anak ng asawa ko kasi nga mga back stabber, mapanlait at chismosa.. di rin kami nakikibalita kasi isa silang mundo ng problema at stress πŸ˜‚ minsan nung naging close siya sa jowa ng pamangkin niya, sa akin nagagalit ng di ko malaman bakit.. pero sa ngayon okay na uli, nawala na kasi ata contact niya sa mga yun hehe

Magbasa pa

Hindi kami close ng inlaws ko, especially the malditang hipag. Si MIL, civil lang kami sa isa't isa. Hindi naman nya ako pinapakitaan ng masamang ugali nya, paano ay hindi naman nya ako kinakausap. 😁 Actually, 3 years na akong hindi natapak sa bakuran nila. Pinakaayaw ko sa ugali nya? Yung may favoritism. Si younger brother favorite ni MIL, si hipag fave ni FIL. Si hubby? Favorite ng parents ko. 😁 Noon pa man, dedma na si hubby sa kanila. Kahit pa si hubby ang pinakamasipag at pinakamabait na anak. Parang hangin lang na dumaraan sa harapan nila. Sinabi nya yan sa mga parents ko dahil sa sama ng loob. At ngayon napapansin na nila si hubby KAPAG may kailangan sila. πŸ™„πŸ™„πŸ™„

Magbasa pa
3y ago

Same case din samin ng partner ko kac kaht kumustahin asawa q hnd nila magawa kumustahin manlang pero pag may kailngan un tatawag bubungad lang ng kailngan nila pera pambayad kuryente,pagkain,Pambiki ganito ng kapatid nea ei ang dami namn na kapatid nea nandoon sa puder ng parents nea still mga kapatid nea sa knya dn nahingi hnd namn sa madanot kac noong hnd pa q buntis nagbibigay talaga kni every sahod pero now na need dn namn pera para sa pag anak ko gusto nila uraurada bigay agad asawa q hnd lang 500 hhingin kundi 2k kakabigay lang isang araw gusto hingi agad....kaloka parang dapat balik qna lang asawa q saknila daeg pa wala pamilya anak nila

Pakilamera at plastic.. My goodness.. Yun porke nakatira kame sa bahay nla.. which is ndi nman conjugal property ha.. And take note.. since tumira kami s bhay nto, ngkron ng improvement yun bhay.. But then.. Yun na nga.. lht ppkelaman pa. Ultimo pagtatattoo ng asawa ko sa balat ko.. Jusko.. ang dami pang sinasabi. At sobrang nakakabastos pa yun mga salita nya. Alam nyo yun, it's ok kung ganon sya magsalita sa mga anak nia..since anak nya yon pero diba wag naman sana pati sa manugang na puro respeto at paggalang naman pinapakita. Saka grabe, ang daming reklamo eh kami naman nakapag patino ng pamamahay nla.. It seems like ayaw nila mabago un sistema ng pamumuhay nla na pwede naman maging maaus. haysss

Magbasa pa

Yung byenan ko nangutang nung buntis ako at alam nyang pang paanak ko yun nangako syang mag babayad bago ako manganak pero hanggang ngayon 4 months na anak ko dipa sya bayad at nung dumating sa point na gipit kami walang pang gatas siningil namin sya at kami pa ang masama hindi daw kami makaintindi hahahaha kami pa hindi makaintindi first time namin syang siningil dahil kailangan na kailangan na namin talaga hindi na nga nakakatulong nag bibigay pa ng problema wala namang masama kung hindi tumulong samin wag lang sana mag bigay ng problema, nag ka problema din kami sa hospital nun di kami agad maka uwi dahil kulang ang pang bayad namin grabe stress ko sa byenan ko at sa buong pamilya ng asawa ko

Magbasa pa