anak ni BF sa una

Ano mararamdaman nyo mga mommies if ever gusto pumunta ng anak nya sa bahay. Okay lan namn sakin kasi anak nya yun pero paano pag sinbe ni BF at mama nya na dapat hindi ako makita at si baby kasi daw magtatampo un anak nya sa una. Ang gagawin daw sa taas lan ako at si baby hindi ako pwede bumaba inshort hindi ako pwde makita. Alam ko balak din nila itago sa una nyang naanakan na may anak na sya sa akin keso iniiwasan nila magtampo yung unang anak nya. Sakin namn ok lan namn kasi bata pa yun wala pa isip baka magtanim ng galit sa papa nya pero bat pati sa nanay parang isesekreto din nila na meron na sya anak sa akin. Oo ln ako ng oo pero syempre deep inside guato ko rin naman na sabhn nya na meron na sya anak sakin pero para syang walang balak. Sorry medyo mahaba at magulo. Hindi ko alam kasi ano irereact ko.

24 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Mamshy una sa lahat congratulations sa safe na panganganak mo at kay baby ❤️ Ilang months na baby mo? Kausapin mo ang partner mo, pinaka importante kasi na habang baby pa lang ang anak mo at bata pa ang anak niya sa una. May mabuo ng bonding ang magkapatid at dapat habang bata pa lang yung una niyang anak malaman na may kapatid na sya para mabuo sa isipan niya na may iba na pamilya ang tatay niya. Hindi po maganda yang ginagawa nila sayo. Sa totoo lang kumulo talaga dugo ko mamshy sa kwento mo. Pero siyempre itong advice ko binibigay ko sayo bilang pag tulong sa future life mo. Sana makatulong na mapag usapan niyo na agad yan habang baby pa lang ang anak mo. Hindi tama yang ikulong ka nila sa taas. Ano ba yang intensyon nila?! Mag voice out ka mamsh sa partner mo dapat alam niya yang nasa isip mo kasi maling mali talaga! Update mo po kami Mamsh ha ❤️

Magbasa pa

Same tayo Sis, may anak sa una bf ko and almost 4 years na sila wala ng ex nya. Reggard sa bata wala naman sa akin problema kasi obligasyon nya yun bilang ama. Ang nakakatawa lang panay pala stalk ng girl sa fb account ko just to make sure daw na buntis ba talaga ako? As of now kasi di pa masabi ng bf ko sa parents nya na preggy ako, gawa ng lockdown di pa sya makauwi sa kanila. Inintindi ko na lang sya kasi mas gusto nya personal na magsabi. Sya na lang inaantay ko, sa side ko kasi wala naman problema nung nalaman nila buntis ako.

Magbasa pa

Hindi ko alam bakit ayaw sabihin ng bf mo at ng nanay niya sa ex niya. E matagal na pala. Gawin mo,kausapin mo bf mo at linawin mo bakit ganun ang set up. Ano ba iniiwasan nila?natatakot ba sila ng nanay niya na baka ilayo anak ng bf mo sa kanila? Dapat makausap din nila ung side ng babae na una may anak sa bf mo. Not because kailangan nila magpaalam talaga,kasi no need na malaman pa ng ex un since past na nga yun,pero para lang alam niya ung sitwasyon sa inyo. Kahit pa casual sabhn sa ex,pwede din e. Kasi past na nanaman un.

Magbasa pa
4y ago

Ilang taon na yung anak nila? Kasi dapat nga,dahan dahan kna iniintroduce sa bata. Pwede ka naman irefer as tita. At sabihin na,"sya si tita __ mo. kasama na siya sa family natin. She wouldnt replace anyone else in your life. Except,she's an additional member to our family. With a little baby inside." Paunti unti lang. Hindi naman bibiglain. As long as maayos pagexplain,maiintindihan ng bata yun.

Medyo maiirita ako n pati sa ex niya Hindi Alam n may anak and may bago n siya. Unless kasal sa una and takot siya mademanda.. pero dapt bago ka Niya sinuyo or inanakan inayos Niya muna buhay Niya. Para Hindi k din nasasaktan.. well thats for me. Kung ayaw Niya ko ipakilala ako mag papakilala. 😁 Hehe in a modest and courteous way nman n may bago n siya. . Para aware siya and d n din makaisip Ng Kung ano ano asawa ko sa ex niya.

Magbasa pa
4y ago

Actually 10 yrs na rin sila wala. Pero this may lan after ko mangank bigla nag chat un babae sa mama ng bf ko humihingi ng sorry and gusto sya mkita nabalitaan ata nya na may anak na ulit si BF kasi medwife un ex nya sakto nun nanganak ako meron classmate si bf sinabe siguro sa ex nya. Kya bigla nag chat sa mama ni bf

Same.. bF ko din may anak sa una 7yrs old na yata ngayon.. si girl parang di maka move on pa pero matagal na silang wala,, si girl kasi ang nagloko. Kaya ayun last year, inasikaso ko ang church wedding namin.. siguro napa stalk sa FB kaya di na nanggugulo 🤣 kaya sissy siguro magpakasal na kayo para makampante ka, para ikaw legal wife. Hehe! PS. Bukal po sa kalooban ni bF na magpakasal po ah, di ko pinilit. Haha!

Magbasa pa

Anong sense na itago ka nila kung balang araw malalaman din ng anak ng LIP mo na may kapatid siya at may ibang kinakasama na ama niya, mattalino na ang kabataan ngayon. The best is kausapin mo ng masinsinan si LIP mo, dahil kung mahal ka niya bilang ikaw na present niya ay hindi na niya kailangan magpakita ng motibo na nabbuhay pa rin siya sa past niya, magpakatotoo kamo siya at iconsider yung narramdaman mo.

Magbasa pa
VIP Member

Siguro sis mas ok kung pagusapan niyo ng BF mo ng masinsinan. Sabihin mo yung nararamdaman mo at gusto mong mangyare. Parang fishy din kasi na pati sa ex niya ayaw din ipaalam at mas maagang malaman ng anak niya sa una i think mas ok para maaga niyang matanggap na may kapatid pala siya. Mas ok talaga kung pagusapan niyo ng maigi ng BF mo at di rin pwedeng habang buhay itago niya sa ex at unang anak niya.

Magbasa pa

Hi momsh.. Hiwalay na po ba cla nung unang naanakan ng bf mo? If yes bakit pa kelangan itago na may bago na cyang gf or may anak na cyang bago.. Pagusapan nyo po ng bf mo ung situation nyo na d kau pwede itago habang buhay. Kc mas ok po cguro na habang bata pa ung una nyang anak alam na may 2nd family daddy nya. Kc mas mhhirapan ata kau pag pinatagal nyo pa ung gnyang situation nyo.

Magbasa pa

Medyo alarming yan sis, something's fishy, may anak din ang partner ko sa una 8yr. Old boy .. Pero never nya kami tinago todo flex pa nga sya sa soc.med sa mga utz results ko nakakainis na lang minsan .. Magimbestiga ka sis, para na rin sa peace of mind mo kasi kakaiba talaga yan, dapat nung una pa lang pinakilala ka na sa anak nya ..

Magbasa pa

Teh ano ka daga? May patago tago pa silang kemerloo. Wag ka papayag, Kung closed na Yung chapter nila Ng ex nya na inanakan nya edi no need na isikreto ka pa. Ano naman pakielam ni ex kung may bago na syang baby,not unless may ugnayan pa rin sila kunwari lang ginagamit yung bata as an excuse.