anak ni BF sa una

Ano mararamdaman nyo mga mommies if ever gusto pumunta ng anak nya sa bahay. Okay lan namn sakin kasi anak nya yun pero paano pag sinbe ni BF at mama nya na dapat hindi ako makita at si baby kasi daw magtatampo un anak nya sa una. Ang gagawin daw sa taas lan ako at si baby hindi ako pwede bumaba inshort hindi ako pwde makita. Alam ko balak din nila itago sa una nyang naanakan na may anak na sya sa akin keso iniiwasan nila magtampo yung unang anak nya. Sakin namn ok lan namn kasi bata pa yun wala pa isip baka magtanim ng galit sa papa nya pero bat pati sa nanay parang isesekreto din nila na meron na sya anak sa akin. Oo ln ako ng oo pero syempre deep inside guato ko rin naman na sabhn nya na meron na sya anak sakin pero para syang walang balak. Sorry medyo mahaba at magulo. Hindi ko alam kasi ano irereact ko.

24 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Mamshy una sa lahat congratulations sa safe na panganganak mo at kay baby ❤️ Ilang months na baby mo? Kausapin mo ang partner mo, pinaka importante kasi na habang baby pa lang ang anak mo at bata pa ang anak niya sa una. May mabuo ng bonding ang magkapatid at dapat habang bata pa lang yung una niyang anak malaman na may kapatid na sya para mabuo sa isipan niya na may iba na pamilya ang tatay niya. Hindi po maganda yang ginagawa nila sayo. Sa totoo lang kumulo talaga dugo ko mamshy sa kwento mo. Pero siyempre itong advice ko binibigay ko sayo bilang pag tulong sa future life mo. Sana makatulong na mapag usapan niyo na agad yan habang baby pa lang ang anak mo. Hindi tama yang ikulong ka nila sa taas. Ano ba yang intensyon nila?! Mag voice out ka mamsh sa partner mo dapat alam niya yang nasa isip mo kasi maling mali talaga! Update mo po kami Mamsh ha ❤️

Magbasa pa