Diana Rose Ramilo profile icon
GoldGold

Diana Rose Ramilo, Philippines

Contributor

About Diana Rose Ramilo

mommy of a princess

Posts(33)
Replies(142)
Articles(0)

My Birth Story 💞

Name: Kyrie Allison R. Daig DOB: July 6 2020 EDD: July 9 2020 Weight: 3.3 kgs Via ECS Finally makakapagshare na ko ng birth story ko, dati nakikibasa lang ako and kagaya ng ibang mommies sobrang nainip din ako habang papalapit due date ko, so ginawa ko rin nababasa ko inom pineapple juice, squat, lakad sa morning and hapon, pero still no sign of labor. At 38weeks 1cm lang ako so dapat by 39weeks bps na ko and NST pero hindi available ang NST kaya nagpabps na lang ako and ayun nga sabi ng sono hindi na sya perfect score 6/8 na lang, bagsak na sya sa fetal movement so dali dali akong nagpunta sa ob ko sakto sched din ng check up ko. And ayun nga sabi nya need ko na ma cs, pero binigyan naman nya ako ng options kung public o sa kanya, kaya lang di na nya sakop kung ano man ang gagawin sakin sa public kasi may chance pa na ipilit nila na maglabor ako. Kaya kahit kapos na kapos kami, nagpasya na kami na magpa cs na lang. Dali kami nagpunta ng ospital ng kapatid ko dala mga gamit, at ayun nagumpisa na sila iprep ako for operation sobrang kinabahan pa ko kasi hindi na mahanap ang heartbeat nya sa doppler , but thank god kasi nag ok naman nung NST na, di na sila nagsayang ng oras, sobrang trauma lang ako kasi gising ako habang inooperahan ganun pala pakiramdam kapag alam mong kinakalkal yung katawan mo pero wala ka magawa kasi manhid yung kalahati ng katawan mo. At 8:29 pm baby's out 💞😭 sobrang saya ko walang mapaglagyan worth it lahat .. Pero traumatizing pa rin parang ayaw ko na sundan buti na lang wala si mister 😁. Thank you po sa pagbabasa, and goodluck sa mga team july dyan 😘

Read more
My Birth Story 💞
 profile icon
Write a reply