anak ni BF sa una

Ano mararamdaman nyo mga mommies if ever gusto pumunta ng anak nya sa bahay. Okay lan namn sakin kasi anak nya yun pero paano pag sinbe ni BF at mama nya na dapat hindi ako makita at si baby kasi daw magtatampo un anak nya sa una. Ang gagawin daw sa taas lan ako at si baby hindi ako pwede bumaba inshort hindi ako pwde makita. Alam ko balak din nila itago sa una nyang naanakan na may anak na sya sa akin keso iniiwasan nila magtampo yung unang anak nya. Sakin namn ok lan namn kasi bata pa yun wala pa isip baka magtanim ng galit sa papa nya pero bat pati sa nanay parang isesekreto din nila na meron na sya anak sa akin. Oo ln ako ng oo pero syempre deep inside guato ko rin naman na sabhn nya na meron na sya anak sakin pero para syang walang balak. Sorry medyo mahaba at magulo. Hindi ko alam kasi ano irereact ko.

24 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Medyo maiirita ako n pati sa ex niya Hindi Alam n may anak and may bago n siya. Unless kasal sa una and takot siya mademanda.. pero dapt bago ka Niya sinuyo or inanakan inayos Niya muna buhay Niya. Para Hindi k din nasasaktan.. well thats for me. Kung ayaw Niya ko ipakilala ako mag papakilala. 😁 Hehe in a modest and courteous way nman n may bago n siya. . Para aware siya and d n din makaisip Ng Kung ano ano asawa ko sa ex niya.

Magbasa pa
4y ago

Actually 10 yrs na rin sila wala. Pero this may lan after ko mangank bigla nag chat un babae sa mama ng bf ko humihingi ng sorry and gusto sya mkita nabalitaan ata nya na may anak na ulit si BF kasi medwife un ex nya sakto nun nanganak ako meron classmate si bf sinabe siguro sa ex nya. Kya bigla nag chat sa mama ni bf