anak ni BF sa una

Ano mararamdaman nyo mga mommies if ever gusto pumunta ng anak nya sa bahay. Okay lan namn sakin kasi anak nya yun pero paano pag sinbe ni BF at mama nya na dapat hindi ako makita at si baby kasi daw magtatampo un anak nya sa una. Ang gagawin daw sa taas lan ako at si baby hindi ako pwede bumaba inshort hindi ako pwde makita. Alam ko balak din nila itago sa una nyang naanakan na may anak na sya sa akin keso iniiwasan nila magtampo yung unang anak nya. Sakin namn ok lan namn kasi bata pa yun wala pa isip baka magtanim ng galit sa papa nya pero bat pati sa nanay parang isesekreto din nila na meron na sya anak sa akin. Oo ln ako ng oo pero syempre deep inside guato ko rin naman na sabhn nya na meron na sya anak sakin pero para syang walang balak. Sorry medyo mahaba at magulo. Hindi ko alam kasi ano irereact ko.

24 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Same tayo Sis, may anak sa una bf ko and almost 4 years na sila wala ng ex nya. Reggard sa bata wala naman sa akin problema kasi obligasyon nya yun bilang ama. Ang nakakatawa lang panay pala stalk ng girl sa fb account ko just to make sure daw na buntis ba talaga ako? As of now kasi di pa masabi ng bf ko sa parents nya na preggy ako, gawa ng lockdown di pa sya makauwi sa kanila. Inintindi ko na lang sya kasi mas gusto nya personal na magsabi. Sya na lang inaantay ko, sa side ko kasi wala naman problema nung nalaman nila buntis ako.

Magbasa pa