anak ni BF sa una

Ano mararamdaman nyo mga mommies if ever gusto pumunta ng anak nya sa bahay. Okay lan namn sakin kasi anak nya yun pero paano pag sinbe ni BF at mama nya na dapat hindi ako makita at si baby kasi daw magtatampo un anak nya sa una. Ang gagawin daw sa taas lan ako at si baby hindi ako pwede bumaba inshort hindi ako pwde makita. Alam ko balak din nila itago sa una nyang naanakan na may anak na sya sa akin keso iniiwasan nila magtampo yung unang anak nya. Sakin namn ok lan namn kasi bata pa yun wala pa isip baka magtanim ng galit sa papa nya pero bat pati sa nanay parang isesekreto din nila na meron na sya anak sa akin. Oo ln ako ng oo pero syempre deep inside guato ko rin naman na sabhn nya na meron na sya anak sakin pero para syang walang balak. Sorry medyo mahaba at magulo. Hindi ko alam kasi ano irereact ko.

24 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Sakin di pwde Yan. Si lip Ang mapag bbuntongan ko Ng galit Kung Ganyan set up nmin. 😑 Wag Kang makikinig sa knila. Ano ka kinakahiya ganun. Chka Bata pa nmn sguro anak Ng lip mo sa una. Madali lng Yan paliwanagan. Ayun NGA lng Kung Wala nmn sila balak na ipaalam na may kapatid sya sa ama.

Pupunta sa bahay niu, tapos ikaw mag tatago? Ilang taon ba yang anak niya? Dpt malaman na ng anak niya na Mai iba ang daddy niya Mas ma sakit at kapalstikan Kung itatago pa..maigi Mlmn niya na hindi xa pinagutan nuon.. At hindi mahal ang Mami niya.. Period! (bitter Lang)

Kasal ba bf mo sa nanay ng bata? Yun lang naisip kong pwedeng maging rason bakit nila kailangan gawin yun. Kasi kung wala pa silang annulment pwedeng makasuhan kayo if ever ngang kasal sila.

4y ago

Hnd po sila kasal 12 years gap ni girl sa bf ko nun nabuntis 18 yrs old lan sya tpos un girl 30 na. Actually wala na talaga communication si bf sa nanay .ang kausap lan lagi ni ex yung mother ni bf. Ngayon lan medyo nag chat bigla na magsosorry daw sya sa knla kaya mkikipag kita. Sa bata wala po ako prob pero iniisip ko bat need ilihim pa.

Ilang taon na ba ang anak nya sa una? Saka ano naman if malaman ng ex nya na may anak na kayo? Ang epal ah. Unless gusto pa nila na ung ex nya pra sa anak nila. Kasi diba ang weird naman.

4y ago

10? May isip na un,if napalaki ng tama un mauunawaan nya na may kapatid sya na mamahalin. Pero kung masulsulan ng nanay eh yun lang.

Ano ba nmn yang bf mo bakit kau kailngan itago. Eh ano nmn qng may anak na sya. Dapat nga ipakilala nya sa anak nya ung bagong kapatid nya. Grabe nmn yang bf mo. May sapi ata yn e.

Parang my something diko alam gusto kaba ng mother nya sis , siguro kailangan mo na mg talk sa asawa mo kung ano ba talga . Wag sya kamu humawa ng dahilan kisyo magtampo .

Una, dapat pag usapan nyo ng bf mo. Sa panahon ngayon dapat din natin ipa intindi sa bata sa levwl ng kanyang kaisipan (anak sa una) ang realidad/ ang katotohanan.

Bakit magtatago??? Ay iba si kuya... Kung ako yan... Papasamahin ko na yan si kuya dun sa una nyang anak at sa mama nun... Apaka nonsense!👊

Iwan muna yan girl or deadma mo na lang. Hindi sila kawalan. Basta kasama mo baby mo.

Wag ka po Pumayag Mamaya May balak magulang niyan. Malay Mo trip nila Yung Girl.